Ejay Falcon denies rumor of a brewing romance with Empress Schuck

"Mas masarap na magkaibigan kami," says Ejay Falcon about Empress Schuck, his leading lady in Guns and Roses.


Pinabulaanan ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Big Winner na si Ejay Falcon ang issue na may namumuong relasyon sila diumano ng kanyang Guns and Roses co-star at leading lady na si Empress Schuck.

Kagabi, September 5, sa "Tanong All U Can" portion ng Showbiz News Ngayon nina Boy Abunda at Bianca Gonzales, nilinaw ni Ejay Falcon kung ano talaga ang real score sa kanila ni Empress.

"Mas masarap na magkaibigan kami," maikli at masayang tugon ng aktor.

Dagdag pa nito, "Mas nag-e-enjoy kami, lumalabas kami ’yong mga kaibigan niya at saka ’yong mga kaibigan ko rin, ’yon na muna. Magkaibigan muna."

Sina Ejay at Empress ay magkasama for the first time sa teleseryeng Guns and Roses, kung kaya’t fresh na fresh ang loveteam at pagkakaibigan ng dalawang Star Magic talents.

Sa "Tanong All U Can", inamin ni Ejay ang kanyang paghanga kay Empress.

SARAH GERONIMO. Dito rin sa SNN, ni-reveal ni Ejay na top showbiz crush niya ang pop princess na si Sarah Geronimo.

Mayroon nga daw itong lihim na pagtingin sa naturang singer-actress at talagang big fan siya nito.

At kung bibigyan ng pagkakataon, gusto niyang makasama ang pop princess sa isang proyekto.

"Gusto ko siyang makatrabaho, kasi napapanood ko siya, parang ang galing-galing niya. Ang dami niyang talent," paliwanag ni Ejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN