Matet de Leon makes up for lost time with mom Nora Aunor

"Masaya at saka thankful ako sa pagtanggap nila at pag-aalaga nila kay Mommy. Grabe, ang babait talaga! Tingnan mo, may project agad si Mommy. May trabaho. Hindi nila pinababayaan. Masaya talaga ako," says Matet de Leon about her mom, Nora Aunor (inset).


Kung meron mang masayang-masaya sa pagbabalik ng Superstar na si Nora Aunor sa Pilipinas, ito ay ang isa pa niyang adopted daughter na si Matet de Leon.

Masiglang-masigla nga si Matet sa pagkukuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa samahan nila ngayon ng kanyang mommy.

Dumalaw si Matet sa taping ni Nora para sa mini-serye nitong Sa Ngalan ng Ina sa Bosoboso, Rizal noong Lunes ng hapon, September 5.

Habang abala si Nora sa pagbabasa ng kanyang script, hinila muna ng PEP si Matet sa isang tabi para sa isang kuwentuhan.

"Naku, ang gulo-gulo namin as of the moment!

"Kinakabag na kami as of the moment. Ang kukulit namin!" masayang sabi ni Matet.

Kuwento pa niya, natulog sila sa condo unit ng mommy niya sa Eastwood noong Sabado, September 3.

"Natulog kami sa bahay niya no’ng Saturday, tapos buong araw kaming magkasama kahapon [Sunday].

"Tapos ngayon [Lunes], dito sa taping niya."

Ayon kay Matet, tuwing weekend sila pumupunta sa Eastwood.

"Lagi kaming nasa Eastwood. Pero hindi namin napupuntahan nang madalas si Mommy dahil minsan wala siya, minsan tulog, nagpapahinga galing sa taping.

"Pag ano lang, ’Mommy, nandito kami sa baba, may gusto ba kayong pagkain?’ Sasabihin niya, ’Akyat kayo dito.’

"Pero lagi kami talaga sa Eastwood kahit before, kaya mas okey ngayon kasi dito nakatira si Mama."

Ayon kay Matet, kakaiba ang samahan nila ngayon ng kanyang ina.

"Iba, e. Kasi ngayon, malalaki na kami," sabi niya.

"Kasi ngayon nakakapagbiro na si Mommy sa amin. Yung nakakapagbiruan na kami. Hindi na bata at nanay.

"Anak at nanay pa rin yung relasyon namin, pero may mga jokes na kami. Nagi-gets na namin yung mga jokes niya.

"Hindi katulad noon na, ’Okey, tulog na kayo,’ mga gano’n. Kasi bata pa kami, di ba?" kuwento niya.

Wala na raw masyadong advice ang mommy niya sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga bata na lang, ’Huwag mong pababayaan yung mga bata.’

"Kasi naririnig niyang ilang linggo nang umuubo. ’Painumin mo ng gamot,’ sinasabi niya."

Dagdag pa ni Matet, "Mas okey siya ngayon.

"Kasi nga, bata pa kami noon. Puro bawal ang alam namin.

"’Naku, si Mommy! Bawal na naman. Ay, naku, papagalitan na naman ako.’"

Hindi man lahat, pero may mga naririnig si Matet na mga intriga sa paligid ng mommy niya, gaya sa napapabalitang gulo sa pagitan ng managers at handlers nito. (CLICK HERE to read related story.)

"Wala... Kung sino lang ang nandiyan, yun ang tsinitsika ko—si Tito Boy [Palma], si Tita Suzette [Ranillo].

"Hindi na ako nagbabasa. Dedma na lang. Hindi ko na pinapansin yun.

"Dapat nga si Mommy hindi na pinapansin yun. Nakaka-nega [negative] lang yun, bad vibes.

"Ano lang tayo, puro magaganda na lang, puro positive. Huwag na lang pansinin yung mga yun.

"Pag pinatulan ni Mommy yung mga gano’n, matutuwa pa yung mga yun [detractors]," saad niya.

CHRISTMAS WITH MAMA GUY. Bukod sa magandang samahan nila ng kanyang ina, masaya rin si Matet sa mainit na pagtanggap ng showbiz at ng publiko sa pagbabalik ng mommy niya.

"Masaya at saka thankful ako sa pagtanggap nila at pag-aalaga nila kay Mommy. Grabe, ang babait talaga!

"Tingnan mo, may project agad si Mommy. May trabaho. Hindi nila pinababayaan.

"Masaya talaga ako," pahayag ni Matet.

Bagamat may balitang matutuloy na ang paggawa ni Nora ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Hototay para sa Regal Films, wish pa rin ni Matet na dito na lang sa Pilipinas mag-Christmas ang mommy niya.

"Yun nga, no’ng bata, ang naalala ko sa kanya, Pasko talaga, e.

"Yun ang pinakamalinaw na memorya ko kay Mommy—Pasko at Bagong Taon.

"Hindi ko alam... Iba ang Pasko at Bagong Taon sa bahay ni Mommy. Iba talaga. Para siyang magical!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi bata kami. ’Si Mommy! Christmas na naman! Si Mommy!’

"Ngayon, iba na. Ibigay na natin sa mga anak ko yun at sa mga anak ni Ate Lot [Lotlot de Leon].

"Ngayon, bumabawi si Mommy sa oras.

"Ngayon, kinukulong na kami sa bahay niya. Pag gabi na, ’Dito na kayo matulog sa bahay.’

"’E, Mommy, wala kaming dalang gamit.’

"’Sige, umuwi kayo, kumuha kayo ng damit at bumalik kayo dito,’" nangingiting kuwento ni Matet.

Sa sitwasyon nila ngayon ng Mommy Guy niya, hindi raw pinagsisisihan ni Matet ang mga pinagdaanan nilang buhay, kung saan nagkalayo sila nang matagal.

Aniya, "Sa akin, okey yun, e. Na-realize ko na hindi kami masisira basta-basta ng pamilya namin.

"Nakikita naman ninyo kami pag walang tao sa bahay. Kung gaano kami kakulit."

JOHN RENDEZ. Nang tanungin naman ng PEP si Matet kung nagkita na sila ni John Rendez, mabilis siyang nagkuwento.

"Ay, naku, magkasama kami kahapon [Linggo]," banggit niya.

"Isa pa yun, ang kulit-kulit! Puro rin kami tawanan nang tawanan.

"Masaya rin kami. Nakakaloka!

"Nag-cake kami sa Eastwood.

"Magkasama rin kaming binaha kahapon.

"Di ba, ang lakas ng ulan? Hindi kami makauwi.

"Lowered ang kotse namin. Hindi namin mailusong sa baha. Lahat kami tumawid sa baha.

"Ang kulit namin kahapon... Ako, si John, yung asawa kong si Mickey [Estrada], at yung kapatid naming si Kenneth."

May pagbabago bang nakita si Matet sa samahan nila ni John noong nandito pa ito sa Pinas, at sa samahan nila ngayong nakabalik na ito ng bansa?

Aniya, "Ganun pa rin. ’Hi, Kuya John! Hello! Kain lang kayo diyan! Okey!’

"Pero ngayon, iba na.

"Naiintindihan na namin, e. Naiintindihan na namin kung ano ang trip niya. Trip niya, trip rin namin.

"Yung mga jokes niya, natatawa na kami. Dati pag nagka-crack ng jokes yun, ’Ano daw?’

"Mas ano na ngayon. Kasi mas naiintindihan na namin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki na kami, e. Iba na ngayon.

"Dati, ’O, kuya, sige dito lang kami.’ Tapos pagsasabihan. Yung mga gano’n."

Ang hitsura ni John ang napansin ni Matet na nagbago at hindi ang masayang karakter nito.

"Tumanda na si Kuya John, pero makulit pa rin siya. Talagang nakakatawa talaga siya.

"Yung treatment sa amin... Actually, parehas lang. Kaya lang ngayon, mas naa-appreciate namin siya bilang tao.

"Naiintindihan na rin namin, e.

"Na-down si Mommy, na-up si Mommy uli. Kung ginagamit niya si Mommy, e, di sana no’ng mahirap ang buhay, nilayasan na niya.

"Pero hindi, e.

"Hindi lang naiintindihan ng iba kaya panay ang banat, di ba?" saad niya.

LOTLOT DE LEON. Kuwento pa ni Matet, madalang lang daw nilang makita ang Ate Lotlot dahil abala ito sa kanyang showbiz career.

"Busy si Ate. Hindi na niya ’ata alam ang salitang tulog. Ngayon, para siyang zombie!

"Siya ang nagmamaneho sa sarili niya... Napaka-anong tao.

"Si Ate Lot ang taong pagod!" tawa ni Matet.

Patuloy pa niya, "Pag nakita n’yo siya, itanong ninyo sa kanya, ’Lotlot, ano yung pagod?’ Sasagutin niya kayo talaga with details.

"Ano si Ate... Ngayon lang nagbalik. Ngayon lang talaga siya nagkaroon ng ganito karaming trabaho.

"Apat ang anak ni Ate. Tulungan sila ni Kuya Mon [Ramon Christopher, Lotlot’s ex-husbanbd] sa pagpapalaki.

"Meron pa siyang isang college at dalawang high school at isang elementary.

"Iba talaga si Ate Lot."

Sabi pa ni Matet, nakita na raw ng mommy niya ang panganay ni Lotlot na nag-aartista na rin ngayon—si Janine Gutierrez. Puring-puri raw ng Superstar ang beauty ng apo.

"Si Janine kasi inaano ko rin kay Mommy, na hindi lang mukha ang perpekto, pati ugali. Sobrang napakaganda inside and out.

"Hindi porke pamangkin ko, ha? Best friend ko yun, e."

Hindi naman daw tututol si Matet kung sakaling sumali ng beauty contest si Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MATET AS A MOM. Samantala, aminado si Matet na naging maldita siya noon at nakikita raw niya iyon sa kanyang bunsong anak.

"Panoorin mo yung bunso ko. Gusto mo ng part two?" tawa niya.

Marami ang nakapansin na bumait na si Matet at nawala ang pagiging maldita niya.

"Hindi ko nga alam kung bakit. Pero hindi ako kumorni.

"May pagka-maldita pa rin naman ako, pero nasa lugar.

"Hindi naman porke na nanay ako, e, nasa bahay na lang ako."

"Disciplinarian mommy" raw si Matet sa kanyang mga anak.

"Konting ano, sita. Hindi puwede sa akin ang spoiled-spoiled.

"Yung husband ko, disciplinarian siya, sobra, pero minsan lang. Isang salitaan lang yun.

"Ako lagi. Ako ang laging nakasubaybay.

"Siyempre, nasa nagsisimula ang pundasyon ng paglaki ng bata," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN