John Prats comments on co-host Matteo Guidicelli’s clash with Coco Martin

John Prats on Matteo Guidicelli and Coco Martin’s heated encounter, which was already said to have been fueled by jealousy over Maja Salvador: "Oo, nagseselos rin ako. Nasa partner mo din naman yun, e. Kung paano ka niya iha-handle? So, yung akin naman, hindi lang talaga ako palaaway. Parang mas gusto ko na lang manahimik. Kung anuman yung mangyayari, ipinagdadasal ko na lang."


Maraming isyu at tanong ang sinagot ni John Prats sa pagharap niya sa ilang grupo ng press kagabi, September 5, pagkatapos ng launching program para sa kanilang mga bagong ambassadors ng Marikina Shoe Exchange (MSE), isang direct selling company na ginanap sa ballroom ng Richmonde Hotel sa Eastwood City.

Pero bago siya sumalang sa mga paglilinaw ng mga isyu, inuna muna niya ang pasasalamat sa MSE dahil ito ngayon ang sponsor sa kanyang segment na "Ikaw Ang Bida" sa noontime program ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!.

POKWANG’S STATUS. Una munang ipinaliwanag ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang status ni Pokwang sa kanilang noontime show.

Bukod kasi kay John, si Pokwang din ay lumalabas ng studio.

"Hindi... Si Kuya Randy [Santiago] ang nag-start ng ’One Time Big Time’ [segment] niya.

"Then, siya [Pokwang] na ang nag-take over ngayon dahil mas kailangan din siyempre para mas buo yung tatlo [Randy, John Estrada, and Rico J. Puno] sa studio.

"Ako talaga ang every day sa labas. Si Mama Pokwang naman, MWF lumalabas.

"Masaya talaga na iba-ibang kuwento at pangangailangan yung mga nakikita ko sa segment ko.

"Sabi ko, ’Grabe pala yung problema nila sa problema ko,’" na ang ibig sabihin ni John ay masuwerte siya sa estado ng buhay niya ngayon.

MATTEO VS. COCO. Nagsalita rin si John tungkol sa engkuwentro nina Mateo Guidicelli at Coco Martin sa Star Magic Ball. (CLICK HERE to read related story.)

Magkasama sa Happy, Yippee, Yehey! sina Matteo at John.

"Well, katulad nga ng sabi ni Kuya John [Estrada] kanina, dalawa ’yan, e.

"Nakasama ko rin si Coco, nakasama ko si Matteo. Dalawa silang... napakabait ng dalawang ’yan.

"Wala akong masasabi. Wala akong naging problema sa kanilang dalawa.

"Kung ano ang problema nila, silang dalawa lang. Sila ang nagkakaintindihan at may alam ng totoong istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin lang, isang kumpanya lang tayo, isang pamilya.

"Sana maayos nila yung mga ganyang away. At totoo yung sinabi nilang pinagdadaanan ’yan ng lahat ng lalake, di ba?

"Kanina tinawagan ko siya [Matteo]. Cute nga, e, may dimple siya dito," sabay turo niya sa pisngi niya para gayahin kung saan tinamaan si Matteo.

"Inaasar ko kanina. Okay naman siya. Open siya.

"Open siya na makipag-ayos at sana... kapamilya natin, brother natin si Coco.

"Sana magkaayos sila para walang problema, para masaya," asam niya.

FOR MATTEO? Hindi naman itinatangging malapit ang loob ni John kay Matteo, pero iba rin naman ang naging samahan nila ni Coco.

"Mas lagi ko na siyang nakakasama," patungkol niya kay Matteo.

"Pero si Coco naman, kahit brief kaming nagsama, pero wala namang masamang tinapay, o naipakitang masama si Coco sa akin."

Never daw na-involve sa kahit na anong suntukan, o away si John mula noong pumasok siya sa showbiz.

"Hindi naman kasi ako mahilig sa ganyan. Mas ano ako, e... mas understanding na lang ako," deskripsyon niya sa karakter kasunod ng pag-amin niyang seloso rin siya.

BLAME THE GIRL? Sinasabing ang pinag-ugatan kasi ng away nina Matteo at Coco ay selos kay Maja Salvador na girlfriend ng una.


"Oo, nagseselos rin ako," sabi ni John nang matanong tungkol dito.

"Nasa partner mo din naman yun, e. Kung paano ka niya iha-handle?

"So, yung akin naman, hindi lang talaga ako palaaway.

"Parang mas gusto ko na lang manahimik. Kung anuman yung mangyayari, ipinagdadasal ko na lang."

MISSING IN ACTION. Nilinaw rin ni John ang tungkol sa hindi niya pagdalo sa Star Magic Ball nitong nakaraang Sabado.

Paliwanag niya, "Birthday rin kasi ng daddy ko, September 3, and nagkasabay ang event.

"E, 50th birthday ng dad ko kaya malaking birthday party siya.

"Kaya nga sina Angelica [Panganiban], hindi ko na na-invite sa birthday ng dad ko kasi kasabay ng Star Magic Ball."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanghinayang din daw nang kaunti si John dahil na-miss niya ang taunang party ng Star Magic.

"Well, sana nag-ibang date din para dalawa silang napuntahan ko.

"Pero siyempre, hindi naman ako nanghinayang nang sobra kasi birthday rin naman ng tatay ko," pahayag niya.

NOT SEEING HEART. Nabalitaan din daw ni John ang pagdalo ni Heart Evangelista sa Star Magic Ball.

Dating magkasintahan ang dalawa noong nasa ABS-CBN pa ang aktres.

Natawa naman si John sa tanong kung hindi ba siya nanghinayang at hindi sila nagkita ni Heart.

"Ang tagal na no’n! Tagal na kaming hindi nagkita. Hindi ko naman alam, e.

"Nagkuwento lang ang best friend kong si Angelica. Magkakaibigan naman talaga kami.

"G-mik, kami ang magkakasama. Yun lang ang nabalitaan ko," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN