John Estrada and Priscilla Meirelles excited for their first baby

When asked what changes have come into their life now that wife Priscilla Meirelles is pregnant, John Estrada answered, "Well, ngayon pagkatapos ng trabaho, kailangan nasa bahay na ako. Siyempre, I have to take care of her."


Aminado ang actor-TV host na si John Estrada na may ilang nabago sa kanyang schedule simula nang mabuntis ang asawang si Priscilla Meirelles.

"Well, ngayon pagkatapos ng trabaho, kailangan nasa bahay na ako. Siyempre, I have to take care of her," wika ni John sa maiksing panayam sa kanya ng entertainment media sa Star Magic Ball noong Sabado, Setyembre 3.

Sa parte naman ni Priscilla, naikuwento niya ang pagkasabik ng asawa.

"Kagabi nasa Rockwell kami, tumitingin-tingin ng crib.

"Sabi ko, "Babe, let’s go na.’ Sabi niya, ’Wait, I have to shop pa.’

"Sabi ko, ’Ang tagal pa, e. May mga six months pa tayo or mga five and a half months.

"That’s enough time to buy stuff."

Tila nakumbinsi, mainam na rin daw, sabi ni Priscilla, na ipagpaliban muna ang pamimili ng gamit para sa kanilang magiging anak.

Paliwanag pa niya, "Hindi rin kami sigurado if it’s a boy or a girl. That’s what is holding me back. I still need to know kung ano ’yong gender ng baby.

"For sure, I want him [John] to be with me to buy a range of things like a crib. ’Yong iba, as soon as I know the gender I’m gonna start buying na."

Sa ngayon ay nasa first quarter na ng pagbubuntis si Priscilla sa unang magiging anak nila ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN