John Prats on Bianca Manalo: "Sana sagutin niya ako."

"Kay Biankie, well mabait na tao [siya]. Sana bukod doon, sana sagutin niya ako. Sana doon papunta lahat. Alam naman niya na dito naman ako lagi kahit hindi ako nagsasalita nang madalas. Nandito ako palagi to guide her and support her," says John Prats when asked about Bianca Manalo.


Sa presscon ng MSE (Marikina Shoe Exchange) para ipakilala ang ambassadors ng naturang direct-selling brand kagabi, September 5, sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Quezon City, hindi nakaligtas si John Prats sa pang-uusisa ng press tungkol sa status ng samahan nila ng sinasabing pinakamalapit na babae sa buhay niya ngayon—si Bianca Manalo.

Una, sinabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John na nakita namin siya isang madaling-araw sa Republiq Bar, Resorts World kasama niya si Bianca at si Sam Milby.

Hindi naman ito itinanggi ng young actor.

"Oo. E, kasi, kami naman talaga ang nagsimula ni Sam. Siya ang nag-pilot ng Happy Yippe, Yehey! for a month.

"Lumalabas naman kami as a group.

"Masaya lang talaga kami ngayon. Nakakatuwa lang yung mga tuksuhan.

"Saka, nakakagulat lang na sa edad kong ito, akala ko lagpas na ako sa mga loveteam stage.

"E, may nabuong JohnCa loveteam sa Happy Yipee, Yehey! at marami kaming napapakilig at napapasaya na mga tao," nakangiti niyang sabi.

Sumasang-ayon si John sa mga naunang pahayag ni Bianca na masaya ito sa samahan nila ng nasabing co-host niya sa Happy, Yippe Yehey!.

"Ako rin naman masaya naman ako pag kasama ko siya."

Pero ipinagdidiinan ni John na wala pa silang relasyon ni Bianca.

"Wala pa namang aaminin. Pero, masayang-masaya talaga kami pag magkasama kami," sabi niya.

Nag-comment din siya sa narinig niyang balita na madalas siyang akbayan ni Bianca pag nasa labas sila.

"E, hindi ko naman siya kayang akbayan. Kahit gusto ko siyang akbayan, mangangawit lang ako!" pagbibiro niya, na totoo rin naman dahil mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada si Bianca.

Isa lang daw ang aaminin ni John, yun ay ang pagkakaroon niya ng gusto kay Bianca.

"Ako naman, aminado naman ako at sinabi ko naman sa telebisyon na gusto ko naman si Bianca."

Masasabi bang si Bianca ang nagpapasaya ng puso niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang nagpapasaya ng puso ko," mabilis na tugon ni John kasunod ang isa niyang ngiti.

ONLY BIANCA. Sinabi rin ni John ang intensyon niya kay Bianca dahil wala raw siyang ibang dini-date kundi ang beauty queen turned TV personality.

Walang maibigay na kumpirmasyon kung kailan ba magkakaroon ng katuparan ang paghihintay ni John sa panliligaw niya kay Bianca.

"Gusto ko na nga siyang tanungin kung saan ito papunta. Sana naman papunta ito doon, di ba?

"Yun naman ang wish ko," na ang gusto niyang sabihin ay ang pagsagot sa kanya ng "oo" ng beauty queen.

"Well, this time kasi, nakakapagod na rin na papapalit-palit.

"I’m hoping na sana papunta na dun," wish pa niya.

HER FIRST? May kilig kay John ang sabi-sabing wala pang nagiging boyfriend si Bianca at kung sakali siya ang unang makakarelasyon ng aktres.

"Akala ko nga 6’2" ako, e!" bulalas niya.

Duda ang press na hindi nagsasabi ng totoo si John sa status ng closeness nila ni Bianca.

Baka raw maging gaya ito ng ibang showbiz couple na nagde-deny, at nabubuko na lang pag nag-break na ang mga ito.

"Grabe naman, kailan naman ako di umamin?

"Isang beses lang akong hindi umamin at alam n’yong kay Heart [Evangelista] yun.

"Isang beses lang akong umamin at lahat naman yun ay inamin ko.

"But this time, parang mas gusto ko na.

"Ayokong magsalita ng patapos. Gusto ko mas nakikita na lang.

"Ayoko naman na puro salita, wala namang nangyayari.

"Kaya this time, kung napapansin ninyo, hindi ako nagsasalita. Hindi ako nagpapa-interview.

"Mas gusto kong nakikita ng mga tao na ginagawa ko naman siya this time," paliwanag niya.

MESSAGE FOR BIANCA. Kung meron siyang mensahe kay Bianca na ngayo’y nasa abroad, ano yun?

"Biankie! Wala siya ngayon, e, nasa HK [Hong Kong].

"Wala, e, hindi ako puwedeng mag-absent [sa Happy, Yipee, Yehey!]... Kaka-absent ko lang ng apat na araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, ito ay dahil nag-taping siya para sa Maalaala Mo Kaya.

Patuloy ni John, "Kay Biankie, well, mabait na tao [siya].

"Sana bukod doon sana sagutin niya ako. Sana doon papunta lahat.

"Alam naman niya na dito naman ako lagi kahit hindi ako nagsasalita nang madalas. Nandito ako palagi to guide her and support her."

Samantala, ayaw mag-comment ni John sa rebelasyon ng nakatatanda niyang kapatid na si Camille tungkol sa sakit ng kanyang bayaw na asawa ng huli.

Gusto niyang iwanan na lang ito sa kanyang ate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN