Roxanne Guinoo enjoys being a hands-on mom

"Promise ko kasi, kapag one year na ’yong anak ko, kapag may trabaho, puwede na ulit akong magtrabaho," says Roxanne Guinoo, who misses her work as an actress.


Isa sa mga sorpresang dumating noong nakaraang Star Magic Ball ang dating Florinda actress na si Roxanne Guinoo.

"Excited kasi after two years, ngayon lang ulit ako [naka-attend]," sabi ni Roxanne nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa lobby ng The Peninsula Manila, Makati City noong Sabado, Setyembre 3.

Noong una, akala ng ibang miyembro ng media na asawa niya ang kasama niyang naglakad sa red carpet. Subalit nilinaw ng Kapamilya actress na pinsan iyon ng asawa niyang si Elton Yap.

"Hindi kasi siya mahilig sa mga ganito," sabi ni Roxanne.

"Ang akin naman, naiintindihan ko na may mga private na mga tao.

"Supportive naman si husband, e.

"Sabi niya, ’Good luck’. Hinatid naman niya kami.

"Magkasama sila ng anak ko. Ako lang ang nasa showbiz."

Sa kanyang pagdalo sa taunang Star Magic Ball, pahiwatig ba ito na muli na siyang magbabalik sa showbiz?

Sagot ni Roxanne, "Promise ko kasi, kapag one year na ’yong anak ko, kapag may trabaho, puwede na ulit akong magtrabaho."

Matatandaan na ipinanganak ni Roxanne ang anak nila ni Elton noong Setyembre 13, 2010.

Sa ngayon, in-enjoy raw muna ng Star Magic talent ang kanyang pagiging ina.

"Na-career ko naman ang pagiging hands-on mom. Napanindigan ko rin naman ang gusto kong gawin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN