Marvin Agustin still enjoying life as a single man

"May nagsabi nga sa akin na, ’You’re living a bachelor’s life!’ Oo, at exciting ang buhay natin, pero someday gusto ko rin naman na ma-share ang buhay ko with somebody else other than my kids. Darating din naman siya... soon," says Marvin Agustin.


Isa si Marvin Agustin sa mga natutuwa sa matagumpay na pilot week ng bagong fantasy-drama series ng GMA-7 na Iglot.

Masaya ang actor-businessman dahil sa magandang pagtanggap ng televiewers sa kanilang bagong series. Marami rin ang nagbigay ng positive reviews sa performance ng buong cast.

Lalo raw nilang pinapaganda ang bawat eksena ng Iglot dahil sa magagandang feedback na natatanggap ng kanilang show.

Ayon kay Marvin, first time niya ulit na lumabas sa isang serye kunsaan kinakailangan niyang mag-drama nang husto.

Ang huli niyang heavy drama ay ang primetime series na Beauty Queen (2010) at ang afternoon soap na Tinik sa Dibdib (2009).

"Sa Beauty Queen kasi obsessed lover ako doon. Maraming emotions na kailangan.

"Gano’n din sa Tinik sa Dibdib na mabibigat din ang mga scenes.

"Before yung Beauty Queen, mga telefantasya tulad ng Panday Kids at yung guest role ko sa Pilyang Kerubin ang mga ginagawa ko.

"Kahit na yung Adik Sa ’Yo, light drama-comedy naman ’yon.

"Kaya itong Iglot, napaarte ulit ako nang todo. Sa pilot episode pa lang naman, nakita naman ninyo na drama na kaagad.

"Maganda ang motivation sa amin ni Direk Gil [Tejada Jr.] at nakatulong nang husto yung nag-acting workshop kami ulit kay Tita Bevs [Beverly Vergel].

"Parang na-refresh kami ulit sa mga gagawin naming acting sa TV," pahayag ni Marvin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center.

WORKING WITH CLAUDINE. Nagpapasalamat din si Marvin at nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si Claudine Barretto. First time nilang nagkasama sa isang drama series at napabilib siya sa husay pa ring umarte ng aktres.

Ani Marvin, "Never kasi kaming nagkatrabaho noong nasa ABS-CBN pa kami.

"Napapanood ko lang siya noon kaya wala akong experience how is it like working with her sa isang dramatic na eksena.

"Dito nga lang sa Iglot nangyari ’yon at talagang napabilib ako ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabilis siyang maka-build up ng emotions niya at madadala ka niya.

"Yun naman ang gusto kong mga kaeksena, e. Yung mahahawa ka sa energy nila kaya magandang lalabas ang eksena ninyo.

"Most of my dramatic scenes are with Claudine at maganda ang chemistry naming dalawa pala.

"Abangan pa nila ang iba pang mga scenes namin ni Claudine na tiyak na magugustuhan nila."

TEAM-UP WITH JOLINA. Napabilib din si Marvin sa pagda-drama ng kanyang ka-loveteam noon na si Jolina Magdangal, na kasama rin sa Iglot.

For the first time daw ay hindi sila magpapatawa at magpapakilig ni Jolina sa kanilang fans dahil serious ang roles nila rito.

"Kapag magkasama kasi kami ni Jolens, laging kengkoy, laging may tawanan. Pang-kilig lang sa mga fans.

"Pero dito sa Iglot, serious kaming dalawa. Malayung-malayo sa nakasanayan namin before.

"Kahit na yung mga pinagsamahan naming series dito sa GMA-7 na I Luv New York at Adik Sa ’Yo, mas nakakalamang ang comedy, e.

"Ngayon, mas serious na at natutuwa kami na naa-appreciate ng mga fans namin na nandiyan pa rin," saad niya.

IKAW ANG PAG-IBIG. Napunta naman ang usapan namin sa malapit nang ipalabas na pelikula ni Marvin na Ikaw Ang Pag-ibig. Ito ay idinirek ni Marilou Diaz-Abaya.

Sa trailer pa lang ng naturang pelikula ay kakaibang pag-arte ang ipinamalas ni Marvin bilang isang pari na may sakit na leukemia, na siyang naging daan para mabuo ulit ang kanyang pamilya.

Kasama ni Marvin dito sina Jomari Yllana, Nonie Buencamino, Shamaine Centenera, Yogo Singh, at Ina Feleo.

"It’s worth the wait," sambit niya.

"Matagal na naming ginawa ang movie na ito and I feel so lucky to be working with Direk Marilou.

"Ito ang pagbabalik niya sa pagdidirek ng pelikula at masuwerte ako at nabigyan tayo ng magandang role sa Ikaw Ang Pag-ibig.

"Ngayong September na siya ipapalabas and we highly recommend it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magandang mapanood siya ng buong pamilya dahil pelikula ito tungkol sa muling pagsasama-sama at pagmamahalan na walang hinihinging kapalit."

A SINGLE MAN. Sa magandang takbo ng career ni Marvin bilang artista at businessman/restaurateur/concert producer, wala na raw siyang mahihiling pa.

Masaya na raw siya being a single man for now.

"May choice naman tayong lahat, di ba?" sabi niya.

"Right now, I’m okay being single.

"Wala tayong commitment sa ibang tao other than my twins na sina Santiago at Sebastian.

"They serve as my inspiration and the reason kung bakit ako nagtatrabaho ng sobra.

"Lahat ng pinagtatrabahuan ko ay para sa kinabukasan ng mga anak ko."

Hindi naman daw nakakaramdam ng lungkot o pangungulila si Marvin. Adjusted na raw siya sa buhay ng isang bachelor.

"Noon, malungkutin ako. Ngayon kasi, nasanay na ako.

"Pinapagod ko na lang ang sarili ko para pag-uwi, tulog ako agad.

"Wala ka nang iisipin pang iba kundi ang matulog!" tawa pa niya.

Dagdag ni Marvin, "’Tsaka hindi ako malulungkot dahil nandiyan ang mga anak ko. Makukulit at mabilis silang lumaki.

"Nag-aaral na kasi sila kaya proud daddy ako.

"Sa pakikipaglaro ko lang sa kanilang dalawa, sobrang napapagod na ako. Kaya tulog ako kaagad.

"But, of course, iniisip mo rin ang ibang pangangailangan ng katawan mo. Pero wala ka na ring panahon, e.

"Kung wala akong taping, pinupuntahan ko ang mga negosyo natin.

"Marami akong kinakausap parati at minsan out-of-the-country naman ang trabaho ko.

"May nagsabi nga sa akin na, ’You’re living a bachelor’s life!’

"Oo, at exciting ang buhay natin, pero someday gusto ko rin naman na ma-share ang buhay ko with somebody else other than my kids.

"Darating din naman siya... soon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN