Billy Crawford irked by talks that his relationship with Nikki Gil is "boring"

"Ako, happy ako na wala kaming issue. Ngayon, kung boring sa iba ang relation namin at kung enjoy naman kami sa isa’t isa, sorry na lang kung hindi kami controversial at hindi namin gustong ipakita ang buhay namin sa buong mundo," says Billy Crawford about his relationship with girlfriend Nikki Gil.


Naka-schedule na bumalik ng Paris si Billy Crawford para sa bagong album na gagawin niya.

"I’ll be going maybe January," banggit niya.

"Hindi lang ako makaalis kasi Pilipinas Got Talent at nag-segue ang Pilipinas.

"Hindi naman ako puwedeng alis-alis lang dahil part of the contract."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy Crawford sa launching niya at iba pang ALV talents bilang celebrity endorsers ng MSE (Marikina Shoe Exchange) na ni-launch last Monday night, September 5, sa Richmonde Hotel in Eastwood.



STAYING IN THE PHILIPPINES. Marami ang nagtataka na piniling manatili ni Billy sa Pilipinas bagamat nakapag-establish na siya ng international singing career, habang ang ibang local performers naman ay ginagawa ang lahat ng paraan magkaroon lang ng pangalan sa ibang bansa.

"Bakit, bawal ba na mag-stay sa Philippines?" nakangiting sabi naman ni Billy.

"You have to understand, six years ako sa France. I was there for six years.

"I was in the United States for ten years.

"Dito [sa Pilipinas] ako pinanganak, dito ako lumaki for 12 years.

"Pero bilang sa showbiz noong bata ako, wala naman akong masyadong naintindihan bilang from the age of 3 to 12 years old, wala akong ginawa kung hindi pelikula at kumanta sa That’s Entertainment.

"Noong umalis ako sa France, noon ko na-realize na there was an opportunity na kinuha ko and it continued, they became successful.

"I was on to it kasi for two and a half years, walang tigil yun.

"From Belgium to Switzerland for one day, tapos no’n London to Paris to Germany, and that’s for the whole two years.

"So, pagod ako.

"I got to the States, nandoon ang mommy ko at daddy ko, pero hindi ko naman sila nakikita.

"So, I rested for a little bit," lahad niya.

With regards to his status in France, ayaw naman daw ni Billy na magbuhat ng sariling bangko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, ayoko namang magmalaki or mag-angat ng ulo or magmukha akong mayabang, or anything.

"Nakakausap ko pa rin naman ang mga fans. Nakakausap ko pa rin ang mga tao sa industriya and they kept on looking for me.

"I went there with Sarah [Geronimo] sa concert, I went to Paris. Naglalakad ako at nakikilala pa rin nila ako," saad niya.

Three years na raw si Billy sa Pilipinas.

Ano naman ang satisfaction na nakukuha niya na nandito siya sa Pilipinas kumpara noong nasa ibang bansa siya?

Ayon kay Billy, "Ako, I am more than happy kasi parang mas nakilala ko pa ang sarili ko. Mas nakilala ko pa ang Pilipinas more than before.

"Sobrang na-inspire ako nandito ako, kasama ko pa si Nikki [Gil, his girlfriend] ngayon.

"May mga kaibigan ako sa industriya dati na mas close kami ngayon at nakakasama ko sa trabaho pa and outside work.

"Meron din buhay ako na feel at home ako rito.

"Pag-alis ko ng States, alam mo yung before pumupunta ako dito or sa France, kahit apat o limang araw lang, ’eto, parang name-miss ko ang States.

"Eto, parang baligtad."


NIKKI GIL. Three years na raw ang relationship nila ng girlfriend niyang si Nikki Gil.

Isa ba ito sa pumipigil sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang nasimulang career sa ibang bansa?

Mabilis naman itong itinanggi ni Billy.

"No, Nikki never once told me I couldn’t leave. She never once decided para sa career ko.

"Nikki has been very supportive from day one.

"So, obviously pag medyo matagal-tagal ang pinag-uusapan, medyo mahirap din yun," sabi niya.

Pero nandoon ba yung hirap din sa kalooban niyang iwan ang kasintahan?

"Oo naman," pag-amin ni Billy.

If ever, may plano na ba siya for a long-distance relationship?

"I still plan to make Philippines my home base kesa sa America. Dito, mas kumportable talaga ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pinag-uusapan na rin ba nila ni Nikki ang pagpapakasal?

"Hindi naman namin siguro pinag-uusapan nang mabuti kung ano ang future namin.

"Nababanggit paminsan-minsan na, ’Ang sarap siguro within a few years mag-settle-down tayo.’

"Hindi yung sasabihin namin, may set date at hihingin ko na ba ang kamay niya ngayon din.

"That all happens with God’s grace."

"BORING" RELATIONSHIP. Tila hindi naman nagustuhan ni Billy ang sinasabi ng iba na tipong "boring" daw ang relationship nila ni Nikki.

"Ako, happy ako na wala kaming issue.

"Ngayon, kung boring sa iba ang relation namin at kung enjoy naman kami sa isa’t isa, sorry na lang kung hindi kami controversial at hindi namin gustong ipakita ang buhay namin sa buong mundo," pahayag niya.

Ipinagpapasalamat daw ni Billy ang tatlong taon nang relationship niya kay Nikki.

"Not once, every day, na gumigising ako na hindi ako nagpapasalamat sa Diyos na kasama ko siya sa buhay ko.

"Paggising ko, siya agad ang unang nakakausap ko. Siya ang unang-unang iniisip ko.

"Kung may trabaho man siya sa Cebu, or nandito ako sa Maynila, we’re always supporting each other for work.

"Ako, wala akong pamilya rito. Mga kapatid ko nandito, pero I hardly see them dahil may trabaho rin.

"Si Nikki, halos every day kong nakikita at ino-open ng family ang bahay nila para sa akin."

Dugtong pa niya, "Sorry na lang, medyo naano ako sa boring-boring.

"Pero hindi kasi ako pa-controversial.

"Mas lalong ayokong mapag-usapan kami through other people. Mas gusto ko na nanggagaling sa amin."

Pero ano nga ba ang sikreto ng relationship nila?

"Nagpapakatotoo lang sa isa’t isa, which is we just have to trust each other and be open sa lahat ng nangyayari ngayon.

"Of course, nagkakatampuhan din. May mga diskusyon din, or else, hindi na kami normal.

"But, I think, most women, kapag nag-aaway, gusto nila ng space, time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, kapag alam kong may problema sa amin, gusto ko pinag-uusapan namin.

"Gusto ko lang ma-prevent kung anuman ang nagawa ko sa kanya.

"Minsan kasi hindi mo rin maiwasan ang isang galit ng tao."

Billy believes that he has matured a lot at naging malapit siya sa Diyos because of Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN