Manny Pacquiao says third match with Juan Manuel Marquez will "answer" all doubts on who is the real winner

Filipino boxing champ Manny Pacquiao (left) and Mexican fighter Juan Manuel Marquez (right) will face-off in the boxing ring for the third time on November 12.


Ang song number nina Congressman Manny Pacquiao at American singer/composer Dan Hill ang highlight ng New York leg ng World Press Tour ng Pacquiao-Juan Manuel Marquez fight.

Kinanta nina Manny at Dan ang "Sometimes When We Touch" bago nagsimula ang presscon noong Martes ng umaga, September 6 (Martes ng gabi sa Pilipinas) sa Lighthouse, Chelsea Piers, New York City. Live itong ipinalabas sa GMA News TV.

Matatandaang ang unang leg ng World Press Tour ng ikatlong laban nina Pacquiao at Marquez ay ginanap dito sa Pilipinas, sa Quirino Grandstand, noong Sabado, September 3.

Sa New York leg, dinagsa ng boxing fans ang presscon na dinaluhan din ni Top Rank CEO Bob Arum, mga trainer nina Pacquiao at Marquez, at HBO executives.

Si Pacquiao ang huling nagsalita tungkol sa 3rd world Welterwight fight nila ni Marquez.

Ayon sa Filipino boxing champ, ang laban nila ni Marquez ang sasagot sa lahat ng mga pagdududa ng boxing fans.

Narito ang pahayag ni Manny:

"Good morning everybody. Magandang umaga sa lahat ng Pilipino. Thank you to Bob, Top Rank, and HBO.

"It’s good to be back here in New York. It’s a little bit rainy today but the weather is nice and it’s like I’m in the Philippines.

"Anyway, I’d like to invite everybody to watch in November 12. It will be a great fight in the boxing ring because it’s...

"Marquez is training hard for this fight. This is the answer of all the doubts in the fans mind.

"Anyway, I will train hard too to give a good fight.

"I want to show that something is wrong and something is right.

"Thank you very much."

Sa interview sa kanya ng international media sa New York, idinagdag ng Pambansang Kamao na wala siyang nakita na major changes kay Marquez mula sa kanilang huling laban noong March 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patutunayan daw niya kay Marquez sa kanilang November 12 fight na siya ang tunay na nanalo sa kanilang dalawang na paghaharap noong May 2004 at March 2008.

Pagkatapos ng presscon sa New York, lumipad sina Pacquiao at Marquez sa Los Angeles para sa third leg ng kanilang world presscon na gaganapin naman sa Crystal Ballroom ng Beverly Hills Hotel.

Ang third Pacquiao-Marquez fight ay gaganapin sa Las Vegas on November 12 (November 13 ng umaga sa Pilipinas).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN