Jomari Yllana on ex-wife Aiko Melendez: "Ngayon kami pinaka-magkasundo."

"Siguro ngayon kami pinaka-magkasundo sa lahat ng times na pinagdaanan namin, e. Ngayon, we can talk about anything ang laugh about the past. Kung anuman ang masakit na pinagdadaanan namin in the past, ngayon, kapag pinag-uusapan namin, natatawa-tawa pa kami, e," says Jomari Yllana about new rapport with ex-wife Aiko Melendez.


"Marami akong pag-ibig na puwedeng ibigay pero wala akong nobya. Punung-puno ako ng pag-ibig wala nga lang akong mapagbigyan."

Ito ang naging tugon ni Jomari Yllana nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife sa press conference ng pelikulang Ikaw ang Pag-ibig kagabi, Setyember 6, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound, Quezon City.

Ayon sa aktor, nananatili siyang single mula nang maghiwalay sila ng kanyang dating girlfriend, ang Concert Queen na si Pops Fernandez.

Bagamat may balak pa rin naman si Jomari na bumuo muli ng isang pamilya, tila hindi pa ito mangyayari kaagad.

RELATIONSHIP WITH HIS EX-WIFE. Dahil single siya at single din ang kanyang dating asawa na si Aiko Melendez, hindi tuloy maiwasang tanungin ang aktor kung may pag-asa ba na magkabalikan silang dalawa.

’’’Yong magkabalikan, hindi ko naman masasagot na hindi. Hindi ko rin masasagot na diretsong oo," sabi ni Jomari.

Gayunman, nagagawa naman daw nilang panatilihin ang magandang samahan sa pamamagitan ng pagiging magkaibigan at magulang sa anak nilang si Andrei.

"Kami ni Aiko, siguro, ang kagandahan sa relationship namin, maging parents na magkaibigan.

"Siguro ngayon kami pinaka-magkasundo sa lahat ng times na pinagdaanan namin, e.

"Ngayon, we can talk about anything ang laugh about the past.

"Kung anuman ang masakit na pinagdadaanan namin in the past, ngayon, kapag pinag-uusapan namin, natatawa-tawa pa kami, e.

"So, sa amin, masaya kami ngayon na magkaibigan kami, hindi kami nag-aaway.

"And we’re trying to be the best parents."

Aminado si Jomari na maaring hanggang ngayon ay umaasa pa ang kanilang 12-year-old na anak na magkabalikan ang kanyang mga magulang.

"Sa nakikita ko, hindi ko maaalis sa bata ’yon, e," sabi ni Jomari.

"And forever siguro nilang ine-entertain ’yong idea na ’yon.

"Siguro kung mayroon silang maiwi-wish sa Pasko, baka ’yon ’yon, e.

"Kasi, kung ako, ilalagay ko ang sarili ko sa posisyon nila, siguro hihilingin ko tuwing Pasko, e, magkabalikan din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko maaalis sa bata ’yon, e."

Gayunman, ani Jomari, "Pilit na lang naming ginagawa, binibigay, kung ano ’yong kaya naming ibigay sa kanya."

CONTROVERSY ABOUT AIKO. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Jomari na may naging problema si Aiko sa dati niyang boyfriend, ang alkalde ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses. (CLICK HERE to read related article.)

Bilang kaibigan at dating asawa, naging tagapakinig at tagapayo naman daw si Jomari.

"Nandoon ako sa tabi niya. Literal na nasa tabi niya, nakikinig.

"’Yong iyak, hindi ko nakita ’yon. Parang madidiyahe naman siya na ipakita sa akin na umiiyak siya.

"Pero para sa akin, naging cycle sa akin ’yan, e.

"Naiintindihan ko na, from the past, na kapag si Aiko ay nalulungkot o umiiyak, ang problema niya, e, relasyon.

"Ako, nakikinig and nagbibigay din ng advice sa kanya."

Pagkatapos ay ibinigay rin ni Jomari ang kanyang opinyon tungkol sa isyu sa pagitan nina Aiko at Patrick, na humantong na sa korte.

"Opinyon ko lang ha, para sa akin, masyadong mababaw. Mababaw para maging kaso.

"Mga bagay ’yan na puwede namang pag-usapan.

"Pero siyempre, minsan hindi natin maiiwasan na umabot sa gano’n.

"Pero bottomline, ang makakaayos niyan ay silang dalawa lang.

"Opinyon ko lang ha, hindi naman maaayos ’yan hanggang hindi sila nag-uusap."

Sa kabilang banda, nagbigay rin ng pahayag si Jomari tungkol sa mga sinasabi ng ilan na maaring si Aiko ang problema kaya madalas na hindi nagiging maayos ang kanyang mga relasyon.

Aniya, "Lahat naman tayo may problema, e.

"Si Aiko may problema ’yan for sure, kaya hindi nagwo-work ang relationship.

"Ako, may problema rin.

"Lahat tayo ganyan, e, hindi naman tayo perpekto.

"Siguro lang, ’yong mga katangian ni Aiko, mas naiintindihan ko.

"Kaya siguro siya lumalapit din sa akin at humihingi ng advice, parang humihingi siya ng ear na makikinig sa kanya dahil naiintindihan ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw pa ng aktor, "She’s not a bad person.

"And there’s nothing parang wrong with her para sabihin na may mali kay Aiko kaya wala siyang makakasundong lalaki.

"Hindi gano’n ’yon, e. It just so happens na siguro hindi pa niya nakikita ’yong nababagay sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN