Maja Salvador on Coco Martin-Matteo Guidicelli brawl: "Hindi ko po kasalanan na may nangyaring gano’ng insidente."

"Ito ang pinakamahirap na pelikulang nagawa ko. Pero sabi ko nga, it’s all worth it. It’s my first solo movie talaga. Na, ako lang. Na, nakakakaba. Pero ’andiyan si God. Tutulungan Niya tayo," says Maja Salvador about her solo movie, Thelma.


Bago ang takdang opening ng indie film na Thelma in more than 50 theaters ngayong araw na ito, September 7, isa pang premire ang isinagawa para sa pelikula kagabi, September 6, sa Greenbelt 3 sa Makati City.

Standing room only ang sinehan where it had its screening. Naroon din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Marami ang pumuri sa pagganap ng bida ng pelikula na si Maja Salvador.

Ginagampanan niya rito ang papel ng title character, si Thelma, isang dalagita mula sa isang mahirap na pamilya sa Laoag, Ilocos Norte na nangarap magtagumpay sa larangan ng marathon para maiahon sa hirap ang kanyang mga mahal sa buhay at maipaopera ang paa ng naaksidenteng kapatid para makalakad muli.

Pati pagbibitaw niya ng Ilocano dialogue ay napakanatural din. Iisipin mong isa siyang Ilokana talaga.

Biro nga ng press people sa young actress pagkatapos ng screening, hindi kaya nagkakalyo ang kanyang mga paa dahil sa mga tagpong tumatakbo siya na naka-paa lang?

Sabi naman ni Maja, "Lagi nga akong nakayapak kaya may mga sugat-sugat siyempre.

"Kasi tumatakbo ako sa rough road din at sa mga putikan.

"Pero para sa akin, it’s all worth it. Kasi napakaganda ng kinalabasan ng pelikula.

"Ako, kahit paulit-ulit ko na siyang napapanood, sobra pa rin akong lalong nai-inspire sa kuwento.

"When it was offered to me at binasa ko ’yong script, na-inspire ako, e. Sinabi ko sa sarili ko na kaya ko itong gawin.

"Nakikita ko si Maja na magpi-fit sa character ni Thelma. Dahil nakita ko ’yong sarili ko kay Thelma, e.

"Maraming in-offer na indie film po sa akin. Pero hindi ko nagustuhan ang script. Kasi medyo sexy... gano’n.

"E, gusto ko kakaiba.

"Kaya no’ng in-offer sa akin ’yong Thelma, maganda ’yong story.

"First sports film na gagawin ko. So, bago para sa akin iyon."

Gaano siya katagal nag-training bago nila inumpisahang i-shoot ang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Six weeks akong nag-training with coach Elma Muros and her husband.

"At sobrang masaya ako dahil naituro nila sa akin nang tama ang dapat na form ng isang runner. Pati ’yong mga exercises nila."

IT’S ALL WORTH IT. Ang direktor ng Thelma na si Paul Soriano ay very vocal sa pagsasabing "best actress" si Maja for him.

Sambit naman ni Maja, "Siya naman ang best director para sa akin. Thank you!

"A, mahalaga na malaki ang pagtitiwala sa ’yo ng direktor mo.

"Iyon ang isa sa makakatulong sa mga artista talaga na ibigay ang lahat-lahat para mapaganda ang kanilang pelikula.

"Ito ang pinakamahirap na pelikulang nagawa ko. Pero sabi ko nga, it’s all worth it.

"It’s my first solo movie talaga. Na, ako lang. Na, nakakakaba.

"Pero ’andiyan si God. Tutulungan Niya tayo.

"It’s a great movie naman po. Talagang mai-inspire kayo. Sasabihin n’yo, ’Ay, ako si Thelma.’"

CONTROVERSIES. Bago ang mismong showing ng Thelma, nagkaroon ng matitinding isyu at intriga na sangkot si Maja. Sa palagay niya, makakatulong ba ito sa pelikula?

"Thank you! Please watch Thelma showing in 50 theaters nationwide," pag-iwas ng dalaga na sagutin ang tanong.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Thelma. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

"Thank you so much po sa tiwala ninyo sa pelikula namin. Maraming-maraming salamat po."

Dadalhin nga ba sa Hawaii ang pelikula niyang ito?

"Yes. October 14 ’yong festival doon.

"And ’yong Star Magic, pinayagan naman ako to attend the festival."

Who will go with her?

"My director [Paul Soriano] and my producers po."

From her family?

"Baka po ’yong mommy ko."

Special someone na sasama rin papunta roon?

"Mommy ko lang po," sabi niya.

NOT A GIMMICK. So, worth it nga kahit nahirapan siya during the shooting of Thelma. Kahit maraming naging intriga na na-link pa nga siya kay Direk Paul. At kahit may issue pang awayan nina Coco Martin at boyfriend niyang si Matteo Guidecelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Heto ngayon at marami ang pumupuri sa acting niya at sa ganda ng pelikula na dadalhin pa pala sa Hawaii International Film Festival.

Ito ang dahilan kung hangga’t maaari ay ayaw nang pag-usapan ni Maja ang mga kontrobersiyang kinasangkutan niya.

"A, huwag na po muna tayo sa intriga. Dito na lang tayo sa aking pelikula.

"Kasi ’yong iba, parang ’yong nangyari last Saturday [sapakan nina Matteo at Coco], iniisip nila pampromo.

"But, hindi ko po kasalanan na may nangyaring gano’ng insidente.

"Nagkataon lang na may nangyaring gano’n. At nasabay sa premiere night at showing ng aking pelikula," paliwanag niya.

Kumusta ang puso niya ngayon na napapabalitang break na raw sila ni Matteo?

"’Yong puso ko, masaya sa nangyayari dito sa Thelma. Iyon!" maikling pahayag ni Maja na umiiwas na matanong pa tungkol sa anumang personal issue.

May linya si Maja sa pelikula na "Para maabot mo ang mga pangarap mo, minsan kailangang isakripisyo mo ang mga bagay na mahalaga sa ’yo at pati ang mga taong mahal mo."

Sa ngayon ba, may mga naisasakripyso siyang bagay na mahalaga for her o taong mahal niya?

"Na-experience n’yo na rin naman siguro iyon. Na... marami tayong mga kailangang isakripisyo.

"Hindi lang ’yong taong mahal mo, ’yong personal, ’yong pamilya mo.

"Ibig sabihin sa taong mahal mo, hindi lang iisang tao iyon. Kundi ’yong mga taong nakapaligid sa ’yo na nagmamahal sa ’yo.

"Like ’yong kuwento ni Thelma, di ba? Kailangan niyang i-sacrifice ’yong family niya para matupad ’yong dreams niya.

"Kasi siya lang mag-isa, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN