Paulo Avelino on Cosmo pictorial: "Hindi ko rin ine-expect na magiging ganoon ka-daring."

"Sa ngayon kasi, hindi ko na masyadong iniisip yung mga nakaraan. Parang I’m fully focused on my future and what I want to be and what I want... yung mga gusto kong makuha. Doon na lang ako focus," says Paulo Avelino when asked if he has no regrets transferring to ABS-CBN.


Ang dating Kapuso at ngayo’y Kapamilya nang si Paulo Avelino ang isa sa ten centerfolds ng Cosmopolitan magazine this year.

First time din ni Paolo na makasama at rarampa sa Cosmo Bachelor Bash kaya marami ang nagulat sa ipinakita niyang tapang sa pictorial, kung saan tuwalya lang ang nagtatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Sa presscon na ipinatawag ng Cosmopolitan para sa Cosmo Bachelor Bash kahapon, September 6, na ginanap sa Richmonde Hotel, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo tungkol sa kanyang daring pictorial.

"Oo nga, e. Hindi ko rin ine-expect na magiging ganoon ka-daring. Pero, okay naman.

"Wala namang nakitang hindi kanais-nais, so happy naman ako," saad niya.

Naniniwala si Paulo na "right time" na para sa kanya ang mag-pose para sa Cosmopolitan at rumampa sa Cosmo Bash kaya hindi naman daw siya kinailangan pang kumbinsihin nang todo.

"Sinabi lang din sa akin ng manager ko," banggit ng aktor sa kanyang manager na si Leo Dominguez.

Dagdag pa niya, "Tinanong ko lang kung gaano katagal ang preparation. Medyo nagkulang ang time, so, yun lang."

Gaano ba siya ka-confident sa katawan niya ngayon?

"Siguro in a scale of 1 to 10, mga 8. Kulang din ang time to fully prepare," sagot niya.

Abangan na lang daw kung ano ang gagawin niya sa Cosmo Bachelor Bash.

"Hindi ko pa nga alam kung papayagan ako na may gawing hindi kanais-nais!" tawa niya.

Ano naman ang masasabi niya na siya raw ang "yummiest" among the Cosmo centerfolds this year?

Sabi naman ni Paulo, "Ako? Hindi ko alam kung paano magre-react.

"Thank you na lang na ako... siguro hindi ko rin ini-expect na ganoon ang lalabas."

Papunta na nga ba siya sa paggawa ng sexy roles?

"Ako, I’m not limiting myself... as long as it requires and maganda ang story ng pelikula," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW KAPAMILYA. Last month ay pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN si Paulo, na produkto ng GMA-7 reality-based artista search na StarStruck.

Kumusta na siya bilang Kapamilya? May project na ba siyang gagawin?

"Hindi pa ako totally nag-i-start," banggit niya.

"May tinatapos pa kasi akong shoot sa Aswang for Regal Films. Medyo third week pa matatapos.

"So, by then, doon pa lang din ako mag-i-start."

Hindi pa niya masyadong nararamdaman ang pagiging Kapamilya?

"Hindi pa, hindi pa. Pero ayun, nakapag-Star Magic Ball na.

"Hindi ko ine-expect na ganoon ang Ball because I thought, it’s very formal, very proper.

"Medyo nakakatuwa siya. Nakakatuwa ang Ball."

So far, sina Albie Casiño at Ejay Falcon pa lang daw ang nakakausap niya among the Kapamilya stars dahil ang mga ito rin ang kasama niya sa pelikula.

Pero sa simula lang daw niya naramdaman na parang out of place pa siya.

Aniya, "At first, pero hindi rin naman ako pinabayaan ng ibang staff ng ABS.

"So, ini-introduce din naman ako sa ibang mga stars and staff."

Pero naramdaman naman daw niya na welcome siya at "very maalaga naman sila."

EYE ON THE FUTURE. Masasabi ba niyang walang pagsisisi at tama ang desisyon niya na lumipat ng network?

"Sa ngayon kasi, hindi ko na masyadong iniisip yung mga nakaraan.

"Parang I’m fully focused on my future and what I want to be and what I want... yung mga gusto kong makuha.

"Doon na lang ako focus," pahayag niya.

Ano ba ang mga gusto niyang makuha?

Pero aniya, "I want to keep it to myself, sa ngayon.

"Parang yun ang hinu-hold ko sa ngayon. Parang yun ang goal ko.

"So, secret na lang muna."

Sa ngayon daw, nakasabak pa siya sa acting workshops under Pen Medina.

May nakaplano na rin daw soap opera na gagawin niya sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit niya sa isang interview na gusto niyang makasama sina Coco Martin at Kim Chiu.

Paliwanag niya rito, "Nabanggit ko si Coco kasi alam naman nating lahat na isa siya sa hinahangaan na actor rito sa Pilipinas.

"Feeling ko, marami akong matututunan sa kanya."

Aminado naman si Paolo na maaari siyang "lamunin" ni Coco pagdating sa pag-arte o sa mga eksena nila. Pero positibo si Paulo sa bagay na ito.

"Yun din ang dahilan kung bakit gusto ko siyang makatrabaho because he would push me to my limit," sabi niya.

Bukod kay Kim Chiu, nagagandahan din daw si Paulo sa Star Magic artists na sina Jessy Mendiola at Kathryn Bernardo.

"When I saw them, they look way better in person," sabi niya.

What about Kim?

Ani Paulo, "Si Kim, okay naman. Mabait.

"Naipakilala ako kay Kim, pero hindi kami nakapag-usap nang matagal. Pero, naipakilala naman kami sa isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN