Louise delos Reyes surprised by Enzo Pineda on her 18th birthday

"Siyempre po, hindi na yun friendship. Nandoon na yung parang attention sa isa’t isa, pero yung mismong responsibility ang wala. Siguro po, nandoon din ang takot na baka hindi ko maibigay ang kailangan ng isang boyfriend," says Louise delos Reyes about her current relationship with Enzo Pineda.


Naka-prosthetics pa si Louise delos Reyes nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang The Road ng GMA Films sa Lagro, Quezon City, kahapon, September 6.

Naka-school uniform si Louise, pero may makeup siya na iisipin mong tunay ang mga sugat sa mukha niya. Isa raw na big scene niya ang sinu-shoot that time.

In The Road, she plays the role of Joy na kapatid naman ng character ni Rhian Ramos.

Kuwento pa ni Louise, "Simpleng teenager lang po ang role ko na magka-college na sana siya. Habang nasa road silang magkapatid, yun po..."

BIRTHDAY SURPRISE FROM ENZO. Noong September 1 ay naging ganap nang dalaga si Louise dahil sa ipinagdiwang niya ang kanyang 18th birthday. Pero instead na magkaroon ng bonggang debut party, mas pinili niyang ipagdiwang ito nang simple.

Pero hindi naman itinanggi ni Louise na sinorpresa siya ng kanyang rumored boyfriend na si Enzo Pineda.

Kuwento ni Louise, "Noong Wednesday po [August 31], before my birthday, meron po akong allergy.

"Tapos, uminom po ako ng anti-histamine, e, nakakaantok yung [gamot]. Pinipigilan kong antukin kasi gusto ko nga pong salubungin ang birthday ko.

"Tapos, sabi niya [Enzo], ’Sige, matulog ka, matulog ka. Kailangan mong magpahinga.’

"Yun pala, meron siyang plan na pumunta ng midnight para salubungin ang birthday ko.

"Nagluto po siya ng favorite kong carbonara. Simple lang, pero masarap siyang maggawa no’n.

"Tapos, meron din pong cake at saka flower, tulips."

May nagsabi naman kay Louise na hindi raw panahon ng tulips ngayon at in-order pa raw ito ni Enzo sa ibang bansa para maibigay sa kanya. It only goes to show na mahal siyang talaga ng binata.

Pero nararamdaman nga ba niyang mahal siya ni Enzo?

"Siguro po, mas nararamdaman ko na importante ako sa kanya kasi yung attention.

"Parang hindi normal sa isang kaibigan na parang sasalubungin ang birthday mo. Gigisingin ka niya!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE THAN FRIENDS? Inulit namin ang sinabi ni Louise na "kaibigan" ang paglalarawan niya kay Enzo.

Sa kabila ng lahat ng efforts ni Enzo sa kanya, "kaibigan" lang ang turing niya rito?

"Siyempre po, hindi na yun friendship," pag-amin naman ng dalaga.

"Nandoon na yung parang attention sa isa’t isa, pero yung mismong responsibility ang wala.

"Siguro po, nandoon din ang takot na baka hindi ko maibigay ang kailangan ng isang boyfriend.

"Wala naman po siyang hinihingi, pero siyempre, nakikita ko rin naman ang kailangan ng isang boyfriend sa girlfriend.

"At yung atensiyon po nila, halos 24/7 nandoon.

"Tapos yung iba, masyadong istrikto, yung ganyan-ganyan."

Ayon pa kay Louise, pareho na nilang nakilala ni Enzo ang pamilya ng isa’t isa. Feeling naman daw ni Louise, boto if ever ang pamilya niya sa binata.

"Siguro naman po. Kasi, to the point po na pinayagan pa siyang pumasok sa kuwarto. Ginising ako.

"Pero kasama po ang mommy ko at ang ate ko sa pagpasok ng kuwarto. Parang silang lahat, sinorpresa nila ako.

"Nag-tweet pa nga ako noon na, ’Bakit parang pinapatulog ako ng lahat ng tao, anong meron?’" sabi niya.

Hindi niya ba talaga ine-expect na isu-surprise siya ni Enzo?

"Hindi po talaga ko nag-e-expect," sagot ni Louise.

"Ang sinabi niya kasi, ’Nagpaalam na ako sa mommy mo. Magdi-dinner tayo.’

"Tapos, parang yun ang alam kong plano niya. Parang may dinner, pero hindi niya sinabi kung saan.

"Parang ni-lead niya ako sa ibang plan."

ENZO GOING SEXY. Isa si Enzo sa centerfolds ng Cosmopolitan ngayong taong ito. Kaya inaasahan din na rarampa siya sa Cosmo Bachelor Bash.

Sa katunayan, inimbitahan na raw siya ni Enzo na manood ng Cosmo Bachelor Bash sa September 15.

"Pero meron siyang sinabi na, "Baka magulat ka sa mga gagawin ng mga lalaki do’n.’

"Tapos sabi ko, ’Magugulat sa mga lalaki or magugulat sa mga gagawin mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, sabi rin ng ibang tao na sa Cosmo Bash daw, meron talagang gustong magpakita. Merong nagti-tease.

"Sabi ko, tatakpan ko na lang ang mata ko!" tawa niya.

So, manonood nga ba siya?

"Medyo gusto ko rin po," sagot niya.

"Kaya lang siyempre, kailangan ko rin alagaan ang image ko. Siyempre, parang nasa tweens pa rin ako kahit 18 na ’ko.

"Depende po. Feeling ko po kasi, kailangan ko rin po siyempreng magpaalam sa manager ko.

"Meron din po siyempreng imaging na sinusunod sa akin."

Nakita na raw ni Louise ang pictorial ni Enzo para sa Cosmopolitan. In fact, siya raw ang namili ng isinuot ni Enzo sa pictorial.

Kuwento niya, "Parang nagtatanong po siya kung ano raw ang maganda. Parang regatta yung pictorial.

"Sabi ko, ’Siguro ano, mag-stick ka lang sa navy blue or black or white.’

"Speedo na short ang suot niya. Siya naman po ang bumili at parang yun nga ang last piece na ako ang nakakita.

"Sabi ko, ’Eto, try mo ’to.’"

WHAT ABOUT LOUISE? "Naku po, hindi!" ang mabilis namang sagot ni Louise nang tanungin namin siya kung balang-araw ay makikita rin namin siya as cover girl ng ilang men’s magazine, tulad halimbawa ng FHM.

Ayon pa kay Louise, "Parang iba rin kasi ang magiging impression sa ’yo ng mga tao na magko-cover ka for a men’s magazine.

"Tapos, hindi naman po ako masyadong inosente kung ano ang nasa loob ng men’s magazine.

"At saka, feeling ko rin, hindi ako papayagan ng mga kapatid ko although nagbabasa sila no’n.

"At yung daddy ko, hindi talaga. Hindi siya open sa ganoong idea.

"Meron din namang nagiging Top 10 na hindi nagpo-pose dun," sabi ni Louise, na ang ibig sabihin ay ang mga nakakasama sa 100 Sexiest Women ng FHM.

Ang ama ni Louise at ang dalawang kuya niya ay mga pulis. Kaya understandable kung sakaling hindi siya payagan lalo pa’t only girl din siya sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN