Paul Soriano impressed by how Thelma star Maja Salvador faces controversies head-on

"For me naman, I only focus on positive publicity. ’Yong mga negative, hindi ko talaga binabasa. Kasi, for me lang, waste of time. I don’t need that. I’d like to read mga positive," says young director Paul Soriano.


Iba ang sigla at saya ng direktor na si Paul Soriano nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes ng gabi, September 6, sa Greenbelt 3 sa Makati City.

Maganda kasi ang review sa pagkakadirehe niya sa pelikulang Thelma, na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Sa katunayan, Graded A din ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

"We’re overwhelmed!" bulalas ni Direk Paul.

"Fantastic... We’re very thankful to the Cinema Evaluation Board for appreciating the film. You know, we worked very hard.

"So to get an A, just means we did a great job."

Maganda rin ang feedback sa acting na ipinamalas ni Maja sa pelikula. At ikinatutuwa rin daw niya iyon.

"Si Maja for me, best actress siya rito. She carried the movie from start to finish.

"There’s no other person talaga to play the role of Thelma but Maja Salvador.

"Fantastic siya rito. Matapang siya. Passionate.

"Lahat ng gusto mo sa isang artista, na kay Maja ’yan.

"And you will see it in the film.

"Lahat ng press nga no’ng first premiere night namin last Sunday [September 4], ang tanong, ’Bakit si Maja?’

"No’ng natapos nilang napanood ang pelikula, sabi nila, ’Ay, alam na namin kung bakit si Maja!’"

Ano ba ang nakita niyang strength ni Maja as an actress?

"A... the ability to become a character," sagot ng direktor.

"When you watch the movie, hindi si Maja Salvador ang nakikita n’yo. Makikita n’yo si Thelma.

"Mark of a great actress when she [Maja] becomes the character."

So, hindi siya nahirapang idirek si Maja?

"Hindi... And sa tingin ko, mas lalalim pa siya as an actress.

"After this movie, malamang, [if] she proves to be... she can carry a movie. Puwede na. Puwede na siyang mag-top billing."

CONTROVERSIAL STAR. Nagkataong bago naipalabas ang pelikula, may mga intriga at mga isyung nagsulputan tungkol kay Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-link pa nga ang young actress kay Direk Paul. Tapos, naipit din ang dalaga sa nangyaring suntukan sa pagitan ng boyfriend nitong si Matteo Guidecelli at ni Coco Martin.

Ano ang naging pakiramdam ni Direk Paul sa mga gano’ng pangyayari involving the lead star sa pelikulang idinirehe niya?

"Ako talaga, focused talaga ako sa film. ’Yong pelikula talaga ang iniisip ko, e.

"Narinig ko ang tungkol diyan, pero sabi ko kay Maja, ’Fight!’

"Si Thelma, nag-fight. So, fight din siya.

"I’m so proud of Maja.

"Scheduled siyang mag-promo sa The Buzz no’ng September 4, di ba?

"May nangyari the last night [brawl between Matteo and Coco], pero pumunta pa rin siya sa The Buzz. Di ba?

"To think na puwede na siyang mag-cancel ng promo niya para hindi na siya matanong about it.

"Pero ang tapang niya, ha. Pumunta siya sa The Buzz at sinabi niya lahat ng totoo." (CLICK HERE to read related story.)

Naniniwala ba siya na negative o positive man ang issue, nakakatulong sa promo ng isang pelikula?

"For me naman, I only focus on positive publicity," sagot ni Direk Paul.

"’Yong mga negative, hindi ko talaga binabasa. Kasi, for me lang, waste of time.

"I don’t need that. I’d like to read mga positive.

"Kung constructive about the film, okey lang.

"But if it’s about mga rumors na hindi totoo, mga personal... hindi ’yan.

"Pero if it’s about the film, about my directing, about the acting, babasahin ko ’yan.

"Kasi, I want to make a better film next time, di ba?"

Pero hindi rin nga maiwasang may mag-isip na baka gimik lang ang mga naging issue lately involving Maja. Ano ang masasabi niya rito?

"I don’t think it’s gimmick," sabi niya.

"Because Star Cinema and ABS-CBN, they won’t resort to violence to promote anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And like what I’ve said, I don’t focus on mga intriga, e.

"What I’m focusing with nga is the good reviews that we got."

Hindi nakarating ang girlfriend ni Direk Paul na si Toni Gonzaga sa screening ng Thelma sa Greenbelt. Pero noong unang premiere night nito ay present ang actress-TV host.

Paliwanag ni Direk Paul, "May dance rehearsal kasi siya para sa concert niya, e."

WORKING WELL WITH TONI. Ano ang susunod niyang project after Thelma?

"TV commercials pa rin. At saka writing stories for movies," banggit ni Direk Paul.

"’Yong sunod na gagawin kong pelikula, sana inspirational din kagaya nitong Thelma.

"Uhm... wala pa akong naiisip kung sinong artista.

"Definitely, I’d like to work with Toni again. I’ve worked with her sa Journey Home.

"Pero, ibang artista muna. Kasi sa personal lagi naman kaming magkasama.

"Pero advantage naman sa akin kung katrabaho ko si Toni, of course. Because I know her very well, di ba?

"I know her personally. And I know her professionally.

"So I would be able to motivate her talaga as much as I could."

Who are the other actresses that he would also like to direct?

"Of course, Judy Ann Santos. Magaling siya. It would be nice to develop a character for her.

"Of course, Ms. Maricel Soriano is also one actress I would like to work with.

"Ms. Vilma Santos. Ms. Sharon Cuneta... Kasi magaling sila, e. And it’s nice to be able to learn form them also.

"As a young director, it would nice to learn also from veteran actresses. Di ba?

"And maybe from the younger batch, I would like to work also with Erich Gonzales. Parang may depth din siya as an actress.

"So, we’ll see. I’m open to working with anybody naman, e. So we’ll see.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to do a movie sana every two years."

PAUL’S NICHE. Bakit in every two years lang niya gustong gumawa ng pelikula?

"Kasi may advertising din ako, e.

"Pero, ganito na lang, kapag may offer, game ako," sabi niya.

What about directing a TV series?

"Mahirap ang television, e. Ibang klase ’yon.

"Kasi, I don’t want to leave advertising, e.

"If I do television, parang ’yan lang ang gagawin mo—television.

"Pero I love doing TV commercials. I love advertising and making movies. Parang ’yan ang niche ko.

"’Yong mga TV, may mga magagaling diyan like Direk Wenn [Deramas], Direk Ruel [Bayani]..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN