Will Devaughn joins cast of GMA-7’s new afternoon soap; says he’s courting Wendy Valdez again

Inamin ng model-actor na si Will Devaughn na minsa’y nagkarelasyon sila ni Wendy Valez. Aniya, "We were together then we broke up. We realized na may kulang sa buhay natin, sa amin, so ’wag muna."


Masaya ang model turned actor na si Will Devaughn dahil matapos ang kanyang naunang primetime show sa GMA-7 na Dwarfina, ay masusundan ito kaagad ng panibagong project—ang afternoon soap na Kung Agawin Mo Ang Langit.

Kahapon, Setyembre 7, ang unang taping day ng naturang palabas, at si RJ Salvador, anak ng producer na si Ramon Salvador, ang unang nakaeksena niya.

Pero makakasama niya rin dito sina Carla Abellana, Michelle Madrigal, at Mike Tan.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Will noong Martes, Setyembre 6, sa isang coffee shop sa Ayala, Makati City, sinabi niya ang magiging role niya sa upcoming soap opera ng Kapuso network.

"Ano siya, pre-school teacher plus artist. Parang ang forte niya parang mga sculptures, paintings, or anything that has to do with arts.

"Hindi ko pa sure kung swimmer din siya, ang alam ko pre-school teacher and artist.

"Pero yun ang sabi sa akin, na puwedeng madagdag yung isang ano lang and I’ll be a swimmer.

"So, sana, sana naman I love swimming, it’s a beautiful thing, masaya naman, e," sabi niya.

A DIFFERENT ROLE. Ibang-iba raw ang role ni Will sa bago niyang project, kaya naman masayang-masaya siya sa pagbabago ng karakter na kanyang gagampanan.

"Oo, iba-iba evolve, ’no?" natatawang sabi ni Will.

"Grabe sa Dwarfina duwende, tapos nag-iba, di ba?

"That’s why I’m happy too kasi nag-shift yung role kaysa Dwarfina."

Pero, kahit pa nagbago ang kanyang karakter sa project na ito, wala naman daw masyadong paghahanda na ginawa si Will.

Ito’y dahil mahilig siya sa bata kahit noon pa.

"To be honest with you, I love kids already," pag-amin niya.

"So, I prepared for it mentally, but realizing how kids are...

"Kasi pag pre-school teacher ka, parang yung utak mo rin, parang childlike—what they want to do, what they want to play with, parang you have to study that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You have a childlike mind to be a pre-school teacher, siyempre may authority din but then parang ang gulo-gulo lang.

"Parang authortive ano lang, there’s time to work, there’s time to play."

NEW LOVE INTEREST. Si Carla Abellana ang love interest ni Will sa Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Nakakatrabaho na raw ni Will si Carla sa Party Pilipinas. Pero kung soap opera daw ang pag-uusapan ay hindi pa niya ito nakasama.

Gayunman, hindi naman daw talaga sila magka-love team ni Carla sa palabas na ito.

Paliwanag niya, "I have an interest with Carla Abellana in the show... para kaming best friends, tapos parang I’m her protector, ganun.

"Pero, I think we’d work naman kasi I think we get along naman sa set, kaming lahat, hindi lang me and Carla, or me and RJ [Salvador].

"I think there’s a solid group for the show."

ON WENDY VALDEZ. Base sa mga kuwento ni Will, mukhang maganda ang takbo ng kanyang career sa kasalukuyan. Kaya naman ang tanong ng marami, kumusta naman kaya ang kanyang lovelife?

May balita kasi na may relasyon ngayon si Will at ang aktres na si Wendy Valdez.

Inamin ni Will na komplikado ang mga pangyayari noon sa pagitan nila ni Wendy. Sinabi niya rin na naging sila noon, ngunit nagdesisyon sila na maghiwalay.

Pero nang tanungin kung gaano katagal naging sila, "for a while" lang ang naging sagot ni Will.

"We were together then we broke up.

"We realized na may kulang sa buhay natin, sa amin, so ’wag muna."

Pero pagkumpirma niya, nasa "courting" stage daw sila ulit ni Wendy ngayon.

Dagdag pa niya, ang pagiging "funny, lovable, at strong" ang mga katangian na nagustuhan niya kay Wendy.

"Parang alam ko na iba yung upbringing niya, dahil wala siyang tatay, she had to take care of the family," sabi ni Will.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento rin sa amin ng aktor na, "Naging tatay si Wendy. Kung ako lalaki, parang ang hirap nun for me, for me, a man, mas lalo sa babae.

"Up to now, she’s there taking care of the house, the food, the car, the rent, lahat and it’s parang...

"Alam n’yo, parang natutuwa ako sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN