Ahron Villena says he can’t do butt exposure yet; reveals disappointment with GMA-7

"Yung butt exposure? Huwag na muna, hindi pa ako ready sa ganyan. Actually, wala namang kaso sa akin kung maganda naman yung kalalabasan ng story. Maganda naman yung istorya," says Ahron Villena when asked how far can he bare.


Si Ahron Villena ang pinakabagong dagdag na aktor na lumipat na sa TV5. Makakasama si Ahron sa bagong afternoon series na Felina, Prinsesa ng mga Pusa kung saan makakasama niya sina Arci Muñoz at Leandro Muñoz.

Nagkaroon ng exclusive interview ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ahron matapos ang live guest appearance niya sa Paparazzi ng TV5 last Sunday, September 4.

Nagpahayag ang aktor ng pag-asam niyang magkaroon ng bagong bukas para sa kanyang showbiz career.

"Sana matuloy na may gagawin nga akong drama serye dito sa TV5. Ito yung Felina, Prinsesa ng mga Pusa with Arci Muñoz.

"Ako at si Leandro Muñoz ang gaganap na leading men ni Arci. Magiging love triangle ako.

"Hindi pa ako nagte-taping. Nag-story conference pa lang kami last Thursday sa Shakey’s.

"Ang taping day schedule ay tuwing MWF. Sana matuloy.

"Though mero’n nang taping day schedule, wala pang update sa akin kung kailan ako magti-taping," kuwento niya.

Walang ideya si Ahron kung bakit siya kinunsidera sa project. Ipinaalam lang daw sa kanya ng manager niyang si Arnold Vegafria ang offer.

"Tumawag lang sa akin ang manager ko. Sinabi nga sa akin na gagawa ako ng soap dito sa TV5.

"Maganda yung role na ibinigay sa akin kaya tinanggap namin," paliwanag pa niya.

I SURVIVED! Nagsimula si Ahron sa ABS-CBN bago siya sumali sa Survivor Philippines Celebrity Edition ng GMA-7 noong nakaraang taon.

Aniya, "Wala naman akong contract sa ABS. I’m freelance.

"So, given a chance dito sa TV5 na maging official [contract talent] ako, why not, di ba?"

Ang huling ginawa niyang soap sa ABS-CBN ay ang Mutya.

"And then, yung movie na Way Back [Home] movie.

"Yung Mutya, nag-end noong May. Then, nasundan ako ng movie with Kathryn Bernardo at Julia Montes. So, yun.

"Ever since, wala akong contract sa ABS. Hindi ako nag-sign," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit sa palagay niya hindi siya pinapirma ng exclusive contract?

"Wala, e... hindi ko alam," sagot ni Ahron.

"Okey na. I’m happy. Masaya ako ngayon, basta nabibigyan ako ng project."

Bakas naman sa mukha ni Ahron, kahit nangingiti siya, ang frustration niya sa naging takbo ng career niya sa GMA-7.

"Even sa GMA... Di ba, nag-Survivor ako sa GMA last year?

"May contract kami up to June 2011, supposed to be.

"Ang problema, parang wala pang project na nakalaan sa akin ang GMA kaya nagpa-release ako, kami ng manager ko.

"Kasi nga may offer ang ABS[-CBN] na project. Per project kaya nagpa-release ako ng GMA-7 for Mutya.

"Actually, six months lang, for Survivor lang," patungkol ni Ahron sa naging contract niya sa Kapuso network.

"Yung contract namin is from December to June 2011.

"Pina-void na namin, kasi nga wala pa sila ino-offer na project.

"Kaya nga tinanggap na namin yung Mutya. Nag-offer ang ABS-CBN nitong January kaya tinanggap na namin.

"Mag-i-start na rin kasi sila at that time kaya tinanggap na namin.

"Sayang naman kasi. Ayun," esplika ni Ahron.

Hindi rin maipaliwanag ni Ahron kung bakit parang walang pinatunguhan ang kanyang career.

"Oo nga, e. Well, wala naman akong pinapanghinayangan.

"Masaya ako sa itinatakbo pa rin. Hindi naman ako umaasa na magiging sikat ako na sobra.

"As long as may trabaho akong ginagawa, okey na yun sa akin.

"Kumbaga, sa alon, wave-wave ako. Paganyan-paganyan lang ako," sabay muwestra ng kilos ng alon.

Dagdag niya, "Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil maraming bago na rin.

"Ako, sobrang tagal ko na... 2004 ako nag-Start sa ’TV Idol, You’re the Man [segment ng Magandang Tanghali Bayan].

"Happy naman ako dahil marami naman akong nagawa.

"Hindi lang talaga ako nagli-lead. Okey lang yun na kapatid ni Ganito, best friend ni Ganito...

"As long as may trabaho, okey na yun. Hindi na ako nagrireklamo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHOOSY? Ayon kay Ahron, never siyang naging mapili sa roles na ginagawa niya kaya naging madamot ang pagsikat sa kanya.

"Wala. Hindi ako namimili ng role. Pag sinabing ganito, or ganyan, siyempre tinatanggap ko.

"Nagtatanong ako siyempre kung anong character ko.

"Like yung sa Mutya, ibinigay sa akin, okey ’yan.

"Hindi man ako bida, pero at least may trabaho ako.

"Yung movie [Way Back Home], kapatid ako ni Julia and Kathryn. At least, main pa rin," sabi pa niya.

LACKING IN PR? Natawa si Ahron sa assesment namin na baka hindi siya ma-PR lalo na sa mga boss ng ABS-CBN at GMA-7.

"Hindi ko alam kung ma-PR ba ako, o hindi. Nahihiya ako.

"Siguro nga. Hindi ako masyadong maano [malapit] sa bosses. Unlike yung iba na ma-PR," pag-amin niya.

Natawa uli si Ahron sa tanong namin na baka hindi siya malapit sa mga influential figure sa mga istasyong pinanggalingan niya.

Nakuha ni Ahron ang nais naming tukuyin dahil sa mga tsismis na mas nabibigyan ng maraming projects at starring roles ang mga "paborito" ng ilang TV executives.

"May gano’n ba?" ngingiti-ngiti niyang bulalas.

"Ayaw ko namang mag-comment about that. Hindi ko naman alam ang kalakaran sa ganyan.

"Basta ako, mabigyan ng project, go! Siguro nga hindi ako masyadong close sa mga bosses.

"I’m not saying na palakasan ito, pero, well, happy ako kahit paano nabigyan ako ng Dos.

"Nang lumipat man ako ng GMA-7 para sa Survivor, na akala ko na mabibigyan ng show, kahit teleserye.

"Hindi ko naman inaasahan na magbibida ako, pero kahit isang show na support [ang role ko], pero hindi nila ako nabigyan.

"Pero, eto ngang ABS-CBN, kahit paano nag-offer uli at nabigyan naman nila ako ng project uli. Okey lang naman."

Wala ba siyang natatanggap na proposal sa mga influential gays sa dating TV networks na pinagtrabahuhan niya. Or, paramdam man lamang ng pagkakaroon ng interes ng mga itong tulungan siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, gano’n? Wala, e, " pahayag niya.

"May gano’n ba yun?

"I’m not saying na against ako sa gano’n. Pero siguro, hindi ako type ng mga executives kung saan man.

"Basta! Ayaw kong makialam sa kanila. Okey lang kung may projects sila, ako wala.

"Basta ako, ginagawa ko lang yung part ko bilang artista.

"Kung may mga director na gusto akong i-cast, happy na ako.

"Pinagkatiwalaan nila ako na isama sa mga projects nila," opinyon niya.


DISGRUNTLED WITH GMA-7? Aminado naman si Ahron na nadismaya siya sa kinahinatnan ng career niya sa GMA-7.

"Konti. Lahat ng mga kasamahan ko nabigyan ng show, especially si Solenn [Heussaff] na nabigyan ng show. Nagtuluy-tuloy siya.

"Si Akihiro [Sato]... Actually, lahat sila nag-stay. Parang ako lang ang umalis.

"Well, sabi ko nga sa manager ko, kahit anong role okey lang.

"In fairness naman sa manager ko, gusto rin niyang mamili ng role for me.

"’Siyempre, kahit paano, matagal ka na showbiz at may napatunayan ka naman. Hindi nga lang talaga tuluy-tuloy.

"’Kumbaga, kung kukuha tayo ng projects, I’ll make sure na hindi ka man magbida, tatak ka naman sa mga tao,’" ayon daw sa kanyang manager.

SEXY CENTERFOLD. Sa Survivor pa lang ay kitang-kita na ang magandang pangangatawan ni Ahron. Pero, hindi ito nangangahulugan, ngayong mabibigyan siya ng chance na mag-lead sa TV5 ay sasabak na siya nang todo sa sexy.

"Sa Mutya, nag-sexy na ako. Now, let’s see. Kung ano ang kaya kong gawin sa Cosmo sa September 15. Manood ka!" hamon niya.

Kasama si Ahron sa Top 10 Centerfolds ng Cosmopolitan magazine na rarampa sa Cosmo Bachelor Bash.

Aniya pa, "Masaya ako dahil first time kong makasama sa centerfold. Happy ako dahil akala ko kasama lang ako sa 69 bachelors lang.

"Pero napasama ako sa Top 10. Kasama yung mga Azkals and the rest of the GMA at ABS [stars].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung go daring [ako]? Hindi naman sobrang daring. Siguro for now, topless lang muna.

"Walker endorser rin naman ako. No’ng nag-pictorial ako sa Walker, brief kung brief ang ipinakita ko doon.

"Pero sa mga malls, parang hindi sila open sa gano’n. Masyadong mahigpit.

"So, yung mga lumabas ko lang, topless, sando, jeans.

"Yung pictorial ko ng Walker, yun lang ang masasabi kong daring. May damit, tanggal ang damit.

"May pantalon, tanggal ang pantalon hanggang sa brief ko lang nakita.

"Yung butt exposure? Huwag na muna, hindi pa ako ready sa ganyan.

"Actually, wala namang kaso sa akin kung maganda naman yung kalalabasan ng story. Maganda naman yung istorya.

"Parang indie. Si Coco [Martin] nag-start sa indie. Si Edgar Allan [Guzman] nag-start na sa indie. Basta, yung may quality.

"Yung indie film na Ligo na U, Lapit Na Me ni Direk Eric Salud, sobrang nagandahan ako.

"Sabi ko nga, parang gusto ko ng mga gano’ng klaseng movie," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN