Ina Feleo explains why Rap Fernandez became her "date" at the Star Magic Ball

"Parang feeling ko, with this film, hindi ko alam kung pang-best actress talaga yung pinakita ko. Kasi, yun nga, yung mga usual na hinahanap na pasabog na mga bonggang breakdown, bonggang galit, medyo wala naman akong ginawang mga ganoon dito. Kumbaga, quiet lang yung performance ko rito. At saka ang daming magagaling this year," says Ina Feleo about her performance in the movie Ikaw Ang Pag-ibig.


Si Ina Feleo ang lead actress sa pelikula ni Marilou Diaz-Abaya na Ikaw Ang Pag-ibig, mula sa joint venture ng Star Cinema, Archdiocese of Caceres, Marilou Diaz-Abaya Film Institute, at ng Art Center.

Gumaganap si Ina rito bilang si Vangie Cruz, isang career woman na ang buhay ay biglang magbabago nang magkasakit ang kanyang kapatid na newly ordained na pari, si Father Johnny (Marvin Agustin), na na-diagnose na may acute myeloid leukemia (AML).

Dalawang beses nang tumanggap ng Best Actress award si Ina sa Cinemalaya para sa indie films na Endo (2007) at Sanglaan (2009).

Sa tingin kaya ni Ina, posibleng manalo ulit siya ng acting award para naman sa pagganap niya rito sa Ikaw Ang Pag-ibig?

"Siyempre ako, aaminin ko talaga na I really appreciate awards.

"Kumbaga, dahil siyempre pag artista, talagang ang laking bagay pag nanalo ka ng award. Ang laking bagay pag na-appreciate yung ginawa mo.

"Pero parang feeling ko, with this film, hindi ko alam kung pang-best actress talaga yung pinakita ko.

"Kasi, yun nga, yung mga usual na hinahanap na pasabog na mga bonggang breakdown, bonggang galit, medyo wala naman akong ginawang mga ganoon dito.

"Kumbaga, quiet lang yung performance ko rito. At saka ang daming magagaling this year.

"Pero siyempre, hindi matatanggal yung umaasa ka rin ng award."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ina sa presscon ng Ikaw Ang Pag-ibig noong Martes, September 6, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

LOVE SCENE WITH JOMARI. Si Jomari Yllana ang gumaganap na asawa ni Ina sa Ikaw Ang Pag-ibig. May love scene sila sa pelikula.

Hindi ba nailang si Ina sa eksena nilang yun ni Jomari dahil first time time pa lang naman silang nagkatrabaho?

Ayon sa aktres, "Nung una ko siyang nakita in person, medyo nasindak ako. Kasi may pagka-initimidating ang presence niya, sobrang serious.

"Tapos nung nagsasalita na siya, nagkausap na kami, ay, hindi naman pala siya ganoon. Okey naman pala siya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, ayun, nagkakabiruan na kami.

"Si Jom, serious talaga siya as a person. Yung loko niya, serious pa rin yung tone kahit nagdyo-joke, ganyan.

"Ako naman, parang ang ingay-ingay ko sa set.

"Nagwo-work din yun sa amin na parang kinu-comedy ko siya lagi, tapos siya yung serious.

"Naging comfortable na kami sa isa’t isa kaya siguro wala na akong ilang factor sa kanya nung kinunan yung intimate scene namin."

RAP FERNANDEZ. Nali-link ngayon si Ina sa panganay na anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez na si Rap Fernandez. Ano ba ang totoo tungkol sa kanila ni Rap?

"Ay, wala, friends lang talaga kami ni Rap," sagot ng anak ni Direk Laurice Guillen at ng yumaong aktor na si Johnny Delgado.

Bakit sila ang magka-date sa Star Magic Ball last September 3?

"Nung Star Magic Ball, ako talaga ang nag-ask, silang dalawang magkapatid—si Rap saka si Renz.

"Sabi ko, ’Wala akong date. Tapos, wala pa rin akong masyadong kakilala sa Star Magic dahil kapapasok ko pa lang doon. Gusto ninyo, sabay-sabay na lang tayong pumunta doon para medyo kumportable naman ako dun sa Ball?’

"Ganoon lang yun. Hindi ko naman alam na maiintriga pala kami dahil nakita kaming magkasama doon.

"Pero walang malisya yun, talagang friends lang kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN