Ahron Villena denies gay benefactor sent him through college

Ahron Villena on rumors that he has a gay benefactor: "Nagtapos po ako ng kursong HRM sa Trinity [University of Asia] na halos lahat ng kinikita ko, doon po napupunta. At kung may gay benefactor ako, hindi na ako magtatrabaho. Hihingi na lang po ako nang hihingi sa kanya. Hindi na po kailangang magpuyat at magtrabaho."


Unang project bilang artista ng Kapatid network ni Ahron Villena ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa. Makakasama niya rito sina Arci Muñoz at Leandro Muñoz.



Sa interview ni Cristy Fermin sa Paparazzi noong Linggo, sinabi ni Ahron na minsan lang niyang nakita ang ina, at ito ay noong magpunta siya sa Japan.

Matapos nito ay hindi na niya nakita at nakausap pa uli ang kanyang ina. Hindi raw niya madalas nakakasama ang kanyang ama dahil may sarili na rin itong pamilya.



Kung ang mga mahal sa buhay ni Ahron ang pinag-uusapan, nagiging emotional ang aktor. Lumaki kasi siyang hindi niya nakikita ang kanyang ina.

Nang mapunta ang usapan tungkol sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang lola, naiyak na si Ahron.

"Kasi po, yung lolo ko po namatay na last year. September po yun. Magwa-one year na.

"So, sila [lolo at lola] pong dalawa ang tumayong mga magulang ko," lumuluhang pahayag ni Ahron.

"Sabi ko nga, nagpapasalamat ako dahil nandiyan pa siya.

"Sana mabigyan pa siya ng mas mahabang buhay."

GAY BENEFACTOR? Matagal nang natsitsismis ang pagkakaroon daw ni Ahron ng gay benefactor na siyang tumulong sa kanya para matapos niya ang kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) sa Trinity University of Asia.

"Sa totoo lang, nagtapos po ako sa sarili kong pagsisikap.

"At yun pong mga naipon ko, nagagastos ko dahil doon.

"Pero, sabi ko nga, may mga tumutulong at gusto ko pong magpasalamat sa kanilang lahat.

"At tumatanaw po ako ng utang na loob at pinapahalagahan ko sila kung sino man sila. Alam naman nila kung sino po sila.

"Nagtapos po ako ng kursong HRM sa Trinity na halos lahat ng kinikita ko, doon po napupunta.

"At kung may gay benefactor ako, hindi na ako magtatrabaho.

"Hihingi na lang po ako nang hihingi sa kanya. Hindi na po kailangang magpuyat at magtrabaho," diin niya.


JANNA DOMINGUEZ. Nang mausisa naman si Ahron tungkol sa komedyanang si Janna Dominguez na girlfriend ngayon ng ex ni Iwa Moto na si Mickey Ablan, hindi naman itinanggi ni Ahron na minsan ay naging magkasintahan sila nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na po yun. Kami po ni Janna, last year pa po yun.

"Mga April pa po yun no’ng natapos. Bago pa po ako mag-Survivor.

"Okey pa po kami bago ako umalis hanggang sa bumalik ako," salaysay ni Ahron.

GOOD WORDS FROM HIS EXES. Hindi na niya naituloy ang susunod na sasabihin dahil sinabi ni Cristy na walang masamang kuwento ang mga nagiging ex niya sa kanya.

"Ako po kasi, hindi po ako nagbubuhat ng bangko, pero ako po.. hindi po ako malambing.

"Pero hindi ko po ipinapakita sa girlfriend ko na hindi siya importante.

"As much as possible, pag magkasama kaming dalawa ibinibigay ko sa kanya.

"Like kung saan niya gusto kumain. Kung anong movie ang gusto niyang panoorin.

"Lahat tinatanong ko muna sa kanya. Kung ano ang gusto mo gagawin ko,’" paliwanag niya.

VERY GOOD BOY. Base sa kuwento ni Cristy, isang mabait na tao si Ahron.

Aniya, siya mismo ang humingi ng interview para personal na pasalamatan ang aktor sa ginawa nitong pag-alaga sa kanyang ina noong naratay ito sa ospital sa St. Luke’s, bago ito binawian ng buhay.

Mula sa pinapasukang Trinity University of Asia na katabi ng St. Lukes, lumilipat daw si Ahron sa naturang ospital para bantayan ang kanyang ina.

Sa puntong ito, naiyak na rin si Cristy dahil sa kabaitan ng aktor sa kanyang pinakamamahal na ina.

Tumugon naman si Ahron ng pagsasabing malaki rin ang pasasalamat niya kay Cristy dahil sa maraming tulong na naibigay nito para sa kanyang career sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN