Tween star Alden Richards takes an offbeat role in The Road

"Ang role ko po dito, malungkot na bata na mentally challenged. Yung role ko po dito, heavy po talaga. Tapos, malungkot yung naging childhood. Hindi maganda yung memories niya. So, parang nadala niya hanggang sa lumaki siya," says Alden Richards about his role in The Road.


Marami ang nagsasabi at nakakapansin na among the latest crop of stars of GMA-7, si Alden Richards ang isa sa pinu-push ngayon ng network in terms of projects and exposure.

Masaya naman ang young actor nang marinig ito sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the shooting of the movie, The Road, in Lagro, Quezon City last September 6.

Aniya, "Sana po. Sana maganda ang pasok ng project po ngayon.

"At saka, medyo nakikita ko naman po na supportive naman po ang network. Kasi, ang dami pong project.

"Tapos, heto po, may gagawin kaming soap ulit, yung Sundo na pang-primetime naman."

Makakasama ni Alden sa nabanggit niyang soap sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, at Aljur Abrenica.

CHALLENGING ROLE. Malaki at challenging ang role na ginagampanan ni Alden sa horror-suspense movie ng GMA Films na The Road. May pagka-offbeat kasi ang character na ginagampanan niya sa kanyang ikalawang pelikula.

"Ang role ko po dito, malungkot na bata na mentally challenged. Yung role ko po dito, heavy po talaga.

"Tapos, malungkot yung naging childhood. Hindi maganda yung memories niya.

"So, parang nadala niya hanggang sa lumaki siya," paglalarawan pa niya sa kanyang character.

Nagulat nga raw si Alden nang siya ang mapili to portray the role.

"Parang noon po, napag-usapan din po namin nila Ms. Annette Gozon [GMA Films president] yung mga future projects.

"Parang nabanggit nga po ni Ms. Annette na ilalagay daw po ako do’n agad.

"So, sabi po ni Ms. Annette, heavy raw po yung role. Sabi naman po niya, yun nga, parang psycho, parang may sayad."

Wala naman daw problema kay Alden na gumanap ng isang offbeat role kahit maituturing pa lang siyang baguhan.

"Okay lang po sa akin na offbeat ang role at saka, para sa akin, sobra ko po talagang pinaghandaan ’to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung script po, ilang beses ko na binasa. Siguro po, tatlong beses, paulit-ulit," sabi niya.

Bukod sa inilagay raw ni Alden ang kanyang sarili sa character niya as Abet, nanood din siya ng mga pelikula, gaya ng Silence of the Lambs at Psycho.

"Actually, yung mga movies po na yun, ang laki rin po ng naitulong dahil parang binigyan ako ng idea kung paano i-attack yung role ko dito sa The Road," sabi ni Alden.

Very grateful din ang young actor na naidirek siya ni Yam Laranas dito sa The Road.

"Very thankful po ako na napasama po ako sa direksiyon niya. Batikan po si Direk Yam pagdating sa horror film, e."

Napanood daw ni Alden ang past movies ni Direk Yam gaya ng Sigaw at Patient X bilang mahilig daw siya talagang manood ng horror films.

Bukod sa The Road, kasama rin si Alden sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na Ang Panday 2.

CONTEMPORARIES. Samantala, sa paglipat ng co-star noon ni Alden sa Alakdana na si Paulo Avelino sa ABS-CBN, nararamdaman ba niyang magkakaroon siya ngayon ng mas maraming opportunity sa GMA-7?

"Hindi naman po," sambit niya.

"Unang-una, magkaiba naman po kami ng age range ni Paulo.

"At saka, noong una pa naman po, hindi ko naman kinonsider na competitor si Paulo.

"Kasi, mabait naman po siya sa akin, noong magsimula po ako. Okay naman po ang pakikitungo niya sa akin."

Wala namang maisip si Alden na talagang kasabayan niya o kakumpitensiya.

"Parang wala naman po. Like sa tweens po, wala naman, kasi iba-iba naman po kami ng field. Iba-iba naman po kami ng expertise.

"Kaya wala po, wala po akong nakikitang kakumpetisyon sa showbiz ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN