Vilma Santos explains "babaero" tag of son Luis Manzano; excited to start movie with Kim Chiu

"Basta, as far as I know, I’m living a very comfortable life. Awa ng Panginoong Diyos, my family is intact. Kung sa pera, hindi na ako mag-e-aim pa. Pagiging governor ko, awa ng Diyos, palagay ko’y mahal naman ako ng Batangas. Showbiz career ko, kahit papa’no marami pa rin namang nag-o-offer. Ibig sabihin, hindi pa rin ako nakakalimutan," says Batangas governor Vilma Santos.


Marami ang naiintriga kung bakit laging nagbibiro si Batangas Governor Vilma Santos na "babaero" ang panganay niyang anak na si Luis Manzano.

Natanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star For All Seasons, in a recent interview, kung babaero nga bang talaga ang actor-TV host.

"Ano lang siya... mahilig magkagusto sa babae!" natawang sagot ng actress-politician.

"Hindi naman siya babaero, kasi kapag nagmahal ang anak ko, grabe rin, e.

"Nakikita ko ’yon, e. Siguro nakikita n’yo rin.

"’Yan [Luis], to the point kapag nagmahal ’yan ng babae, pupuntahan ka kahit saan. Dadalhan ka niya ng pagkain. Lahat ng kaya niyang ibigay.

"Basta kapag nagmahal siya, grabe! Dahil siguro napaka-emosyon niyang tao.

"Kaya kung minsan, kapag nasasaktan siya, grabe rin.

"Kaya lang, siguro kaya gano’n, naghahanap siya kaagad ng puwede siyang lumigaya. Gano’n.

"Pero ako, hindi ako naba-bother. Kasi binata naman ang anak ko, e, di ba?

"As long as marunong kang magmahal. Marunong kang rumespeto. Hindi ako naba-bother kasi binata siya.

"Baka naman later on... bayaan mong mag-enjoy. Para kapag nag-asawa, sawa na."

Dagdga pa ni Ate Vi, "Mabait ang anak ko. Sobra.

"Kaya minsan, kapag meron ding tumitira sa kanya, tahimik ako. Pero siyempre, nasasaktan ang nanay. Oo.

"Pero huwag lang sobra-sobra, kasi aalma rin ako.

"Hindi puwede... Huwag. Huwag."

RYAN CHRISTIAN. Ang bunso naman ni Ate Vi na si Ryan Christian, may ipinapakilala na rin ba sa kanyang mga babae ?

"Mga classmates, pero nagdadala na rin siya sa bahay.

"Nagkataon kasi ang mga anak ko, puro barako. Puro lalake.

"Ako lang ang babae sa pamilya, e. So, kapag may dinadala, hindi naman ako ’yong makulit na ’huwag.’

"Actually liberated ako na, ’Sino ’yan?’ Liberated akong nanay.

"So, walang problema. So far, so good.

"Sa klase ng trabahong meron ako ngayon, hindi gano’n kadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Asawa ng isang Senador [Ralph Recto]. May dalawang anak na binabantayan ko pa. Tapos Governor.

"At gusto ko pa rin ang pagka-artista ko."

Guwapo si Ryan Christian. Marami na nga ang nag-aantabay na tuluyang pasukin na rin nito ang showbiz.

Pero ayon kay Ate Vi, "Gusto rin naman niya, e. Kaya lang, parang si Lucky noon, education muna.

"Kapag nakatapos siya at gusto niyang mag-artista, fine. Gusto niyang mag-politiko, fine. Nakasuporta lang ako.

"Pero at this point, education muna. Sayang, e. He’s very intelligent.

"Huwag munang showbiz. Kasi, at the end of the day, future naman nila [mga anak niya] ang nakataya. Di ba?"

MOVIE WITH KIM CHIU. Sunod na naikuwento ni Ate Vi ang tungkol sa story conference kamakailan para sa pelikulang gagawin nila ni Kim Chiu para sa Star Cinema, ang The Healer.

Nakapag-usap na raw sila ng young actress.

"Oo naman. She’s so sweet," sabi niya tungkol kay Kim.

"Ano... nahihiya, e. Ang tawag niya lagi sa akin, ’Governor.’

"Sabi ko, ’Puwede Ate Vi na lang?’

"Hindi raw siya makapagsalita. Sabi ko, ’Paano tayo magtatrabaho?’

"Sabi ko, ’Ate Vi na lang.’

"Tapos, sabi ko rin, ’Huwag kang mag-alala, dadalhan kita ng maraming siomai sa shooting.’

"Paborito niya ang siomai, e, di ba?

SOMETHING NEW. "Pero I’m excited, kasi itong magkakasama kami sa isang pelikula... Naalala n’yo ang Anak?" pagtukoy ni Ate Vi sa pelikulang pinagsamahan nila noon ni Claudine Barretto.

"’Yong bagets pa rin si Claudine noon, e. Naaalala n’yo? Parang ang feeling ko, gano’n.

"’Yong hindi dahil sa loveteam kung hindi... may bagong chemistry, e, di ba?

"So, ako ngayon, na naghahanap din ng bagong puwedeng kong gawin sa tagal ko na sa industriya, ang feeling ko, bago ito.

"Parang masarap paglaruan. Masarap i-prepare.

"E, Chito Roño pa [ang direktor]. Tapos, horror-suspense pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, exciting, e. Bago. Iyon ang excitement ko—bago.

"I’m really excited with this movie kasi something new to offer.

"Unang-una, siguro teenager pa ako no’ng ginawa ko ’yong Anak ng Aswang, ’yong mga pelikula kong horror no’ng araw.

"Ngayon, gagawa ako ng isang suspense na... hindi naman ito horror na may lalabas na aswang. Hindi, e.

"Alam n’yo uso ngayon na... mga faith healer? ’Yong mga hindi nakakapagpagamot sa doktor, ang istorya, diyan iikot.

"So, it’s something new, tapos with Kim Chiu pa.

"Sa akin, excited ako kasi bago. Iyon lang naman ang puwedeng makapagpa-excite sa akin kapag may puwedeng bagong gawin.

"Maganda ’yong movie.

"And if we will talk about Chito... Alam n’yo naman ang kalibre ni Chito, sa totoo lang.

"E, ilan na ba ang nagawa ko kay Direk Chito?

"Pang-apat na yata ito—Ikaw Lang [1993], Dekada ’70 [2002], Bata Bata, Paano Ka Ginawa? [1998]... Fourth na ito, di ba?

"A, ’yon pa, sinasabihan ko si Kim Chiu, natatakot daw siya kay Direk Chito!" tawa ng multi-awarded actress.

"First time daw niya with Direk Chito Roño.

"Sabi ko, huwag. Kasi si Direk Chito, kung sinasabi nilang napaka-istrikto, matututo ka diyan.

"Sabi ko, kasi ang maganda sa kanya, kahit sumigaw-sigaw ’yan, hindi puwede kay Chito Roño ang puwede na.

"Which is good, kasi at the end of the day, kaming mga artista naman ang makikinabang diyan, e, di ba? Na hindi siya pumapayag na puwede na.

"And ang gusto ko rin, ’yong Star Cinema, nag-a-adjust. Hindi ako pinipilit na kailangang every day [ang shooting].

"Kasi alam nila ang trabaho ko rito [sa Batangas], e.

"Kapag sinabi kong hindi ako puwede this day, kasi may importante akong dapat gawin sa Batangas, okey sa kanila ’yon. So, uma-adjust talaga.

"E, hindi naman lahat puwedeng mag-gano’n, e, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATE VI MISSES DOING FILMS. Inamin din ng Star For All Seasons na na-miss niyang gumawa ng pelikula. Ang huli niyang pelikula ay ang All My Life na ipinalabas noong 2009.

Aniya, "Ang dami kong offers na hindi natatanggap.

"Hindi sa ayokong tanggapin. Hindi lang kasi puwede, because sa trabaho ko.

"I also want to do an indie film. Diyan din ako excited ngayon. I want to try.

"Marami na ring na-offer... La Independencia, tapos with due respect kay Cherrie Pie [Picache], na happy ako na sa kanya napunta ’yong Isda.

"Kahit gusto ko ang project, hindi ko magawa lahat kasi time din ang iku-consume niya, e.

"Kung puwede dalawa o tatlong pelikula sana. Pero hindi nga gano’n, e, dahil sa trabaho ko as governor.

"Pero gusto ko talagang makagawa ng indie na... anything goes. Exciting din iyon.

"I miss showbiz," sambit pa niya.

"And looking forward ako next year. Gusto kong magkaroon ako ng TV show.

"One movie a year, tapos isang TV show na once a week, happy na ako do’n."

Ano kaya kung ibalik ang musical-variety na Vilma!, with bonggang opening dance number siya every week?

"Hindi na!" natawang sabi ni Vilma.

"Merong pinaplano ang ABS-CBN, pero I’d rather not talk about it muna. Kapag natuloy na ito, maybe next year.

"So, masaya na akong isang movie and the isang TV show na once a week. Kuntento na ako do’n.

"Kumbaga, napagbigyan ko na ’yong artist side ko. And then, trabaho naman as governor."

Natawa naman si Ate Vi sa pabirong tanong sa kanya na siguro raw ay "poor" ang sex life niya ngayon sa dami ng kanyang ginagawa.

"Kailangan ’yon!" nangiti niyang pabirong sagot din.

"Basta, as far as I know, I’m living a very comfortable life.

"Awa ng Panginoong Diyos, my family is intact. ’Yon lang naman ang dinadasal ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sa pera, hindi na ako mag-e-aim pa.

"Basta iyon lang ang dinarasal ko lagi—intact ang family ko, happy.

"Pagiging governor ko, awa ng Diyos, palagay ko’y mahal naman ako ng Batangas.

"Showbiz career ko, kahit papa’no marami pa rin namang nag-o-offer.

"Ibig sabihin, hindi pa rin ako nakakalimutan. Hindi ko man mapagbigyan lahat.

"So far, I’m living comfortably. I’m not aiming for more," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN