Vilma Santos confirms support for son Luis Manzano’s political ambition

Vilma Santos on talks that son Luis Manzano is contemplating politics: "Hindi ko naman siya mapipigil. A, hindi madali kasi ang magtrabaho bilang isang public servant. Hindi madali, sakripisyo talaga. Kaya ang unang tanong ko nga sa kanya, ’Anak, okay na ba sa ’yo na isakripisyo mo yung mga talent fee mo?’"


Nadatnan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos sa Bago Bantay Elementary School, Quezon City, kaninang umaga, September 9, para sa Nutrition Campaign ng Bear Brand sa mga mag-aaral ng nasabing eskuwelahan.

As we all know, si Ate Vi ang ambassador para sa campaign ng milk product, along with Regine Velasquez at iba pa.

Masayang nakikipagkuwentuhan si Ate Vi, habang nanonood ng programa kasama ang mga nasa presidential table, at hinihintay niyang tawagin siya sa stage para sa kanyang speech.

Kasama ni Ate Vi sa isang mahabang lamesa ang chief executive officer ng Nestlé Philippines na si John Miller, councilor ng Quezon City na si Joseph Juico, at principal ng Bago Bantay Elementary School na si Ms. Adela Salvador, at ilan pang executives ng nasabing brand ng gatas.

Pagkatapos ng mga palaro at awarding para sa winners ng poster-making contest, ang speech naman ng actress turned politician ang sumunod.

Sa talumpati ni Ate Vi, sinabi niyang kasinghalaga ng kalusugan ang edukasyon.

"Paano natin magagawang maging competitive yung mga anak natin if thery are not healthy?" sabi ng Star for All Seasons.

After ng event sa Bago Bantay Elementary School, tumuloy naman ang grupo sa Bella Ibarra sa Quezon Avenue para sa pananghalian at presscon.

MOVIE WITH ATE GUY. After lunch, hindi na nakaiwas si Ate Vi sa mga tanong na may kinalaman naman sa kanyang buhay-showbiz.

Kung may possibility raw bang magkasama sila ng Superstar na si Nora Aunor, o si Ate Guy, sa isang proyekto? Or kahit man lang magkita nang harapan at magkumustahan?

"She has her own schedule and I have mine. Tulad ng sinabi ko, iba na kasi yung klase ng buhay mero’n kami ngayon, e.

"So, especially in my case na isa na akong public servant, at talagang I go around [kaya mahirap magtagpo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ito yung klase ng trabaho ko, na hindi nangangailangan ng camera.

"Actually, mas busy yun [public service]. Mas mahirap yun, because realidad na ng buhay yung hawak ko ngayon," saad niya.

Pero dagdag niya, "Sana... Sana, looking forward, but walang puwedeng magsabi when, e. Di ba?

"So, tingnan na lang natin. It’s better yung hindi mo alam na bigla na lang kayong nagkita.

"Pero para iplano lahat... i-magnify sa issue. Wala, e. Wala naman talagang may alam.

"Hindi na muna, kasi may kani-kanya kaming prayoridad na dapat gawin muna.

"So, pag nagkataon na puwede kaming magkita at nando’n talaga yung pagkakataon, palagay ko’y darating yun," nakangiting sabi ni Ate Vi.

LUIS IN POLITICS. Nabalita ang interes daw ng kanyang panganay na anak na si Luis Manzano na pasukin na rin ang politics. Medyo nangiting nanlaki ang mata ni Ate Vi bago sumagot.

"Hindi ko naman siya mapipigil. A, hindi madali kasi ang magtrabaho bilang isang public servant.

"Hindi madali, sakripisyo talaga.

"Kaya ang unang tanong ko nga sa kanya, ’Anak, okay na ba sa ’yo na isakripisyo mo yung mga talent fee mo?’

"’Kasi kung talagang magtratrabaho kang seryoso, anak, hindi na ganyan ang kikitain mo doon.

"’Kasi you have to give your time there as a public servant.’

"Sabi niya, ’Oo.’

"Kasi, kung iniisip ko rin. Kung 14 years na ako sa pagsisilbi sa Batangas as a public servant, palagay ko kinalakihan na rin niya, e.

"So, nakukuha niya yung klase ng trabaho meron ako.

"Sinasama ko siya kung saan may important occasions.

"Kung saan kami puwedeng makita niya na makakatulong. Kahit papaano, naa-absorb niya ito.

"Baka kung saka-sakali papasok siya sa politics, palagay ko, kahit papano meron na siyang pundasyon.

"So, yun lang. Kung gusto ng anak ko, I will support him," pahayag ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUIS-JENNYLYN ROMANCE. For sure, aware naman si Ate Vi sa mga naglalabasan tungkol kina Luis at Jennylyn Mercado.

"Sa lovelife niya, a... nakasuporta lang ako diyan.

"May alam ako pero, di ko sasabihin!" natatawa niyang panunukso sa press.

"Pero ano, malaki na anak ko. Mature na ’yan para magdesisyon para sa sarili niya.

"Basta bayaan mo muna siyang mag-enjoy ngayon.

"Para naman sa gano’n, pagdating ng time na mag-aasawa siya, masasabi natin na mananahimik siya.

"So, let him enjoy life. Let him enjoy life.

"And I am here not to meddle or not to impose on anything when it comes to his lovelife.

"Andito lang ako to guide him and to support him pag kailangan niya ako."

May pagkakataon ba na naipakilala na rin ni Luis si Jennylyn sa kanya?

"Oo naman. Oo naman. Nagkikita rin naman kami ni Jennylyn."

Sakaling tumakbong mayor si Luis at tuluyang pasukin ang politics, nagpahayag daw ng todong pagsuporta si Jennylyn sa anak ng governor.

Ano ang masasabi ni Ate Vi rito?

"E, di maganda. Maganda. Kasi ang pagsuporta naman po sa isang pulitiko, o yung public servant, kung naniniwala ka sa kanya.

"Yun ang pinakamagandang suportang puwede mong ibigay.

"Kaya mo siya susuportahan kasi naniniwala kang meron siyang magagawang maganda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN