(UPDATED) Edgar Allan Guzman works hard to impress Ate Guy

"Wala pong nasasabi sa akin about diyan sa Star Cinema movie. Hindi ko po talaga alam," says Edgar Allan Guzman when asked about a report that he’s doing a movie with Star Cinema.


Lalabas nga ba sa isang pelikula ng Star Cinema si Edgar Allan Guzman?

Ang naunang pahayag ng indie film actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 9: "Wala pong nasasabi sa akin about diyan sa Star Cinema movie."

Sa mga report na lumabas, nabanggit ang posibilidad na makakasama siya sa pelikulang pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Subalit sa paglilinaw ng kanyang manager na si Noel Ferrer, kailangan pang magpaalam ni Edgar sa Regal Films.

Narito ang statement na natanggap ng PEP kanina, September 10, mula kay Ferrer (published as is):

"Yes, there is an offer from Star Cinema na gumawa si Edgar ng pelikula kasama si Direk Cathy Garcia-Molina (na naging direktor niya sa MMK) at ang idol niyang si John Lloyd Cruz.

"Isang karangalan kay Edgar na mabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho sina Direk Cathy at John Lloyd.

"Ngunit bilang contract star ng Regal Films, kailangang ipaalam kina Mother Lily at Roselle Monteverde ang pagsama ni Edgar sa pelikulang ito. Sana mapayagan siya."

ALL-PRAISE. Samantala, mas ikinatutuwa ngayon ni Edgar Allan ang natamong papuri mula mismo sa Superstar na bidang aktres ng Sa Ngalan ng Ina.

Sa latest interview ni Guy, with some press people, diumano ay sinabi ng Superstar-actress na mahusay at standout performers ang mga kabataang nakakaeksena niya sa serye na sina Edgar Allan at Alwyn Uytingco.

Parehong gumaganap na stepsons ni Ate Guy sa mini-series sina Alwyn, bilang Alfonso Deogracias, the blacksheep stepson, at Edgar Allan bilang Angelo Deogracias, a young police officer.

Two weeks ago, matinding kaba ang nadama ni Edgar Allan sa unang pagharap niya sa kamera with Ate Guy and Direk Mario O’Hara.

This time, maganda naman ang ngiti ni Edgar Allan as he heard encouraging words na umano’y nagmula kay Nora Aunor.

"A, siyempre, nakakagulat, di ba? Isang Superstar, kumbaga, ang nagsabi na next daw po na may potential [kami]," sambit ni Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami naman ni Alwyn, focuced naman po kami dito sa show namin.

"As in, bawat eksena, kailangan yung acting namin, hindi tamad; [o yung] lazy acting na tinatawag.

"So, ’yun. Ginagawa naman po namin para si Ate Guy, e, ma-impress din sa amin," sabi rin ni Edgar Allan.

"Nakakatuwa at nakakataba ng puso na isang Superstar, e, magugustuhan yung ginagawa namin sa show na ito," patuloy pa niya.

Incidentally, ang pinagwagiang Cinemalaya Filmfest New Breed entry ni Edgar Allan bilang lead actor, ang Ligo Na U, Lapit Na Me ay magkakaroon ng commercial run simula September 28.

"KABA" FACTOR. But Edgar Allan corrected PEP’s impression na tila wala na siyang kaba ngayon sa pag-arte sa mga eksena kasama si Nora Aunor.

"Gano’n pa rin naman po. May ’kaba’ factor pa rin," Edgar Allan humbly said.

"Pero ngayon, kahit papa’no, pag nakakasama ko siya [Nora], medyo relaxed na [ako].

"Alam ko na kung paano siya makisama sa mga tao, e.

"Ako na lang yung nag-a-adjust. Siyempre, kami yung dapat mag-adjust.

"Kasi, di ba, beterana siyang aktres. Senior siya and alam naman natin na Superstar siya.

"So kami ang mag-a-adjust," sabi pa ni Edgar Allan.

ON KAREL MARQUEZ. Of his other co-actors, Edgar Allan has good words for singer-actress Karel Marquez who plays his girlfriend, Carmela Ilustre, Christopher de Leon and Rosanna Roces’s supposed daughter in the drama series.

"Okay naman po si Karel," sabi ni Edgar Allan.

"First time namin nagkasama, sa Star Confessions [aired on August 24, on TV5].

"Yung kay April Boy Regino [episode na si Edgar Allan ang gumanap sa true-to-life story ng singer]. After that, dito [SNNI] na kami nagkasama ulit.

"Professional naman po siya," sabi pa ng aktor about his leading lady.

"’Yung mga eksena namin ni Karel, medyo nagtatalo, nag-aaway kami.

"Pero, sa amin, walang ilangan dito sa set ng Sa Ngalan ng Ina," sambit pa ni Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN