Mariel Rodriguez says her husband Robin Padilla did not confront Zanjoe Marudo over a skit: "Hindi naman mababaw na tao si Robin."

When asked to comfirm if it’s true her husband Robin Padilla confronted Zanjoe Marudo over an alleged "offensive" skit at the Star Magic Ball, Mariel Rodriguez said: "It’s not the skit. Wala namang problem sa skit... Hindi naman mababaw na tao si Robin, ang tagal-tagal na niya sa industriya. Ang dami-daming nag-spoof sa kanya, okay lang naman."



Bukod sa suntukang namagitan between Matteo Guidicelli at Coco Martin, isa ring isyung lumabas sa nakaraang Star Magic Ball ay ang panunugod daw ni Robin Padilla kay Zanjoe Marudo.

Isang kuwentong lumabas ay na-offend daw ang action star sa skit na ginawa nila Zanjoe at Vhong Navarro, kung saan they touched on the past of Robin’s wife, Mariel Rodriguez.

Si Zanjoe at si Mariel ay dating magkasintahan.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and Cinema News were able to interview Mariel last Thursday in her dressing room sa Happy, Yipee, Yehey. Nagbigay ng pahayag ang TV host sa totoong nangyari.

"I don’t know if I should comment on that, but one thing for sure, hindi si Robin sumugod sa Star Magic Ball, hindi siya sumugod at all.

"I dunno kung ano ang sinasabi ng both camps pero... masasabi ko na walang kasalanan si Robin dito, wala siyang intention na makipag-away.

"Hindi ko alam kung saan kami pupunta that night, ride lang ako ng car. Sabi ko sa kanya, ’Ano ang ginagawa natin dito?’ Nagkape kami, nakaupo lang kami sa lobby [ng hotel]. Nakita pa namin si Kim Chiu, si Direk Malou, si EJ, si Diet."

Klinaro ni Mariel na wala itong kinalaman sa skit gaya ng nabalita.

"It’s not the skit. Wala namang problem sa skit... Hindi naman mababaw na tao si Robin, ang tagal-tagal na niya sa industriya. Ang dami-daming nag-spoof sa kanya, okay lang naman."

"If there’s anything Zanjoe would like to tell to Robin, Zanjoe should feel free to tell Robin, yun lang naman ang sa kanya. Ayoko kasi yung dating na sinugod ni Robin, di ba ganun ang lumalabas? Hindi naman ata fair na porke’t mayroon siyang history, ang lahat ng dating parang ganun," ang sabi ni Mariel.

"It wasn’t like that. I was there with Robin. It was not sugod, kasi when you say sugod, it’s like you’re ready to break someone’s head, parang suntukan na ito, hindi ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong uli namin kung ano ba talaga ang rason, pero tikom talaga ang bibig ni Mariel kahit alam niya ang totoong dahilan ng asawa.

"Siyempre alam ko, pero hayaan na lang natin kasi hindi naman ako ang involved. Gusto ko lang sabihin na hindi siya sinugod ng asawa ko."

Ang maganda sa nangyari ay nakapag-usap na si Robin at Zanjoe at naklaro na ang dapat klaruhin. Para kay Mariel, maliit lang ang mundo ng showbiz at nasa iisang bubong lang sila ng ABS-CBN.

"Yeah, they talked. Sa totoo lang, di ko na tinanong pero nag-usap na sila nung Tuesday.

"Kapamilya tayong lahat dito. Saka yun naman ang best in any gulo or situation. Mas maganda yung pag-uusap kasi actually sa pag-uusap, everything is resolved. Importante talaga ang communication."

MARIEL STAYING WITH BACKROOM. May ilang mga talents ang Backroom (of Boy Abunda) who have decided to leave nang magpaalam na si Tito Boy sa nasabing kumpanya.

Mariel assured us that she will stay with Backroom no matter what.

"Alam mo, nagpunta ako sa bahay niya [Tito Boy], naiiyak ako, ’Tito Boy, what’s going to happen to me?’ Kasi alam mo, si Tito Boy kapag meron akong mga katanungan, kapag may gumugulo sa isip ko, kapag naka-usap ko na si Tito Boy, OK na yun.

"But let’s give credit to Backroom because Backroom is a solid company with a hardworking staff. I will always be with Backroom, mahal na mahal ko ang pamilya ko sa Backroom.

"I cannot be selfish with Tito Boy; naiintindihan ko siya. We reach a point in our lives na i-we-weigh mo—ano ba ang mas mahalaga? Family or career?

"Hindi niya kailangan ang pera o fame. Ang kailangan niya ay panahon kasama ang kanyang Nanay. It’s going to be very hard but I don’t want to be selfish. I undersatnd kasi. Nung ako ang nagpakasal, nung ako ang nag-decide na unahin ang married life ko, naintindihan ni Tito Boy, so sino naman ako para di intindihin ang pangangailangan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana mas matagal pa ang panahon na makasama niya ang Nanay niya. Si Tito Boy, sa totoo lang, wala siyang commission, hanggang ngayon si Tito Boy nandiyan pa rin.

"Nakasanayan na ng system ko, naging very dependent ako kay Tito Boy. Dati pag nagri-ring ang phone ko tapos siya ang nagre-register, natatakot ako. Pero ngayon, mas masaya ako at kalmado ang pakiramdam ko pag siya ang kausap ko.

"Tsaka hindi ako binigyan ni Tito Boy ng choice, ’Mariel, I want you to stay with Backroom.’

"Love naman talaga ako ni Tito Boy," ang sabi ni Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN