Dingdong Dantes shoots a movie with Kris Aquino, a TV soap with Rhian Ramos, and still manages to spend time with girlfriend Marian Rivera

Sobrang busy ngayon si Dingdong Dantes sa kanyang career. He is doing Segunda Mano na co-production nila ni Kris Aquino. Bukod dito ay meron pa siyang Aswang Chronicles. May bago din siyang soap sa GMA-7 na pagtatambalan ulit nila ni Rhian Ramos. Meron pang talent show na Protégé kung saan isa siya sa mga host. Andun din ’yong film niyang Dance With the Steel Bars na balitan




Last night, September 9, was PPL’s second anniversary celebration held at The Establishment sa The Fort.

Nandoon ang mga talents ng manager na si Perry Lansigan (PPL owner) na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Carl Guevara, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Janno Gibbs, Wendell Ramos, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Max Roces, at Wilma Doesnt.

Gayun din ang mga malalapit na taong bumubuo ng nabanggit na talent management agency, at ang members of the media including PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Isinabay sa nasabing okasyon ang launch ng Biblio, isang coffee table book na naglalaman ng mga glamorous pictorial ng lahat ng PPL talents.

Inilabas ito para makalikom ng additional funds para sa school building projects ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes.

"May projects kami na gagawin sa Mindanao " sabi ng aktor.

"Magtatayo kami ng mga classrooms doon. Kaya ’yong proceeds nito [mabibentang mga kopya ng Biblio] ay mapupunta doon.

"Nakakatuwa na maraming tumutulong sa Yes Foundation. Maraming nagdu-donate at naki-collaborate sa amin. Kaya mas marami kaming magagawa.

"In fact, magmula no’ng January, nakaka-12 areas na kami na napupuntahan. So, imagine what we can do kung mas maraming support."

At sobrang busy rin siya ngayon si Dingdong sa kanyang career. He is doing Segunda Mano na co-production nila ni Kris Aquino.

Bukod dito ay meron pa siyang Aswang Chronicles. May bago din siyang soap sa GMA-7 na pagtatambalan ulit nila ni Rhian Ramos.

Tapos meron pang talent show na Protégé kung saan isa siya sa mga host. Andun din ’yong film niyang Dance With the Steel Bars na balitang for international release.

"It’s nice na iba-ibang projects ang ginagawa mo. At gusto ko rin ’yong iba-iba ang ginagampanan kong roles," ang sabi ni Dingdong.

"Very thankful ako sa GMA sa mga ganitong opportunities na ibinibigay nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited din ako sa Segunda Mano. Nakapag-shoot na nga kami finally.

"Do’n pa lang, nakuha na namin ’yong feel kung ano ang magiging takbo ng pelikula.

"So, very very excited kami. And at the same time, natatakot kami dahil parami nang parami ang mga elemento sa script na nakakatakot."

WORKING WITH KRIS. What’s it like to work with Kris?

"Alam mo, parang ano sa akin, e... Kasi dati parati ko lang siyang napapanood, especially sa mga gano’ng klaseng movies.

"I must say that I’m a fan of horror movies.

"So, parang acting next to her, is like seeing her in her past movies. Na parang napapanood ko lang siya noon, tapos ngayon kasama ko na.

"So, napakalaking karangalan para sa akin iyon," sagot ni Dingdong.

Nasabi ni Kris sa isang interview sa Showbiz Central na ito na raw ang pinaka-stress-free project para kay Dingdong, kasi love daw siya (Kris) ni Marian Rivera.

"Totoo naman," nangiting reaksiyon ng binata.

"Sobrang magkaibigan sila. In fact, mas una pa nga silang nagkakilala.

"Pero... basta naman ako ang nakatrabaho, stress-free naman talaga, e. Especially kapag nasa set na.

"Malalaman n’yo ’yan kapag nakatrabaho n’yo na ako."

Kumusta naman si Kris bilang co-producer? All out ba siya sa production expenses o mas pabor sa cost-cutting?

"Wala pa naman kami doon.

"Ang mahalaga, ang napag-usapan namin is fair. And malaki ang tiwala namin sa mga makakatrabaho namin."

Kailan naman siya magdidirek ulit?

"Matagal pa. Mahirap kasi iyon.

"Alam ninyo kung wala itong mga ganitong experience ko bilang artista, e, hindi ko rin naman magagawa ’yong pagiging isang direktor.

"So tama lang din na makuha ko lang muna lahat ng experience na ito. At ’yong mga ganitong opportunities, para later on, e...

"Kumbaga, sabi nga nila, para mas marami kang bala pagdating do’n sa gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre gusto kong maidirek si Marian. Pero music video lang. Huwag full-length movie.

"Kahit naman sino willing akong idirek. Ang imporante sa akin, ’yong material."

TEAMUP WITH RHIAN. Sa pakikipagtambal naman niya ulit kay Rhian, hindi kaya magkaroon ng intriga? Kasi lagi ngang nagkakaroon ng issue sa pagitan ni Marian at ng ibang nagiging kapareha niya.

"Actually, never namang nagkaroon ng issue sa pakikipagtambal ko kay Rhian. Walang naging intriga sa amin," paglilinaw ni Dingdong.

"In fact, iyon siguro ang naging dahilan kung bakit naging smooth-sailing ’yong show namin na Stairway To Heaven.

"Probably, that’s also the reason why GMA is giving us another project. Because nakita nila ’yong success ng teamup namin."

Ano naman ang sabi sa kanya ni Marian with regards to his teamup again with Rhian?

"Wala. Ang importante sa kanya ’yong project, e. Nakita niya excited ako.

"So gano’n din sa kanya. Basta alam kong makakabuti sa kanya at maggu-grow siya bilang aktres, e, di nakasuporta lang ako."

Walang selos factor?

"Wala. Walang gano’n."

Secure na si Marian sa kanya ngayon?

"Dati pa naman."

Paano ba niya pinapa-feel na dapat lang maging secure si Marian?

"Sa akin na lang ’yon," nangiting sabi ni Dingdong.

HAPPY WITH MARIAN. Mukhang maganda naman ang takbo ng relasyon nila ngayon ni Marian. Pero bakit lagi pa ring may intriga na on the rocks na raw sila?

"Wala pong gano’n," ang sagot ni Dingdong.

"Honestly, mas nagkakaintindihan po kami ngayon. And masasabi kong mas matatag kami ngayon so... wala. Hindi totoo ’yon."

Ano ba ang nagpapatibay sa relasyon nilang dalawa?

"Siguro... pasensiya, tiwala, at pagmamahal."

Any wedding plans?

"Hindi pa namin napag-uusapan iyon. Ang mahalaga, may oras kami sa isa’t isa, kahit gaano kami ka-busy sa trabaho."

Pero si Marian, mukhang ready nang pakasal sa kanya anytime na yayain niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman. Maganda nga iyon, e. Na ready ka para sa kahit saan.

"And it means na talagang kampante ka sa sarili mo. At sa situwasyon mo. So... that’s very nice to hear.

"At ang maganda diyan, e, nagsusuportahan kami sa mga ginagawa namin."

’Yong ibang magkarelasyon, nauuna ang pagkakaroon ng baby bago ang kasal. Sa kaso kaya nila ni Marian?

"Siguro kapag nangyari na, saka ko masasabi. Hindi naman kami perpekto, di ba?

"Ang mahalaga, e, gawin sa tamang proseso ang mga bagay-bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN