Iwa Moto says she doesn’t know if Mickey Ablan’s current girlfriend Janna Dominguez is pregnant or not; claims that Mickey wants a reconciliation

Ayaw man sana niyang sabihin, pero nasabi na rin ni Iwa Moto na may balak daw ang dati niyang boyfriend na si Mickey Ablan na makipagbalikan sa kanya. Idinaan daw ni Mikey ang mensahe sa kanyang Twitter account. Kasalukuyang nasa Osaka, Japan si Iwa.


Tikom pa rin ang bibig ng magkasintahang Mickey Ablan at Janna Dominguez kaugnay sa isyung buntis daw si Janna.

Binawalan kasi si Janna ng kanyang manager na si Gwen dela Paz na sagutin ang isyu. Pagdating na lang daw ni Gwen mula sa Canada tsaka nila pag-uusapan ang susunod nilang hakbang.

Ayaw na rin ni Janna magsalita kung tungkol lang kay si Iwa Moto ang mga tanong. Si Iwa ang dating girlfriend ni Mickey.

Na-contact ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mickey sa pamamagitan ng kanyang Twitter account pero sinabi nitong wala naman daw isyu.

Sinubukan naman ng PEP na kontakin si Iwa, na halos dalawang buwan nang nasa Osaka, Japan.

Ayon kay Iwa, wala raw siyang alam tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni Janna.

Wala naman daw siyang komunikasyon sa dalawa.

Nagkaroon daw sila ng palitan ng mensahe ni Mickey sa Twitter, pero nagtalo lang daw sila.

"Nag-tweet siya sa akin ng private message sa closed account ko. Hanggang sa nagtalo kami tapos me nag-post na sa Facebook ko tapos nagkagulo na," simulang kuwento ni Iwa.

Meron lang daw siyang deretsong komunikasyon sa anak ni Mickey na si Ysabel at sa Mommy ng dating boyfriend.

Hindi naman daw nagbago ang pagtingin niya kay Ysabel at mahal na mahal pa rin daw niya ito.

Ang ipinagtataka lang ni Iwa ay bakit pa nakikipag-communicate si Mickey sa kanya.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyayari, siguro gusto niyang makapag-reach out din pero hindi ko rin alam kung anong intentions niya. Basta ako, naiinis ako siyempre kasi ang layo ko na nga e, andito na ako sa Japan, iba na yung buhay ko, iba na yung inaasikaso ko pero until here, hinahabol pa rin ako ng past ko," dagdag pa niya.

Ayaw man sana niyang sabihin, pero nasabi na rin niyang may balak si Mickey na makipagbalikan sa kanya, na idinaan sa pagpapadala ng mensahe sa kanyang Twitter account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating sa akin basta, nandito na ako sa Japan. Nag-message siya sa akin, nagkaroon [kami] ng argument and pinost ko yung message namin," sagot nito sa PEP.

"Kasi naawa na rin ako sa partner niya, sabi ko, ’Me partner ka na; ako din nakikipag-date na ako. Maawa naman tayo sa mga taong nasa paligid natin.’

"Sabi niya, kasi tinanong niya ako if I’m still willing to come back to him. Sabi ko, ’Me GF ka na, respetuhin natin yung GF mo. Kasi kung kayong dalawa na, bulgaran naman kayo diyan e, hindi niyo naman ako nirerespeto kung anong ginagawa niyo at pinagsasabi niyo. E, ako meron akong respeto,’" deretsahan niyang pahayag.

"Kung sinasabi mong buntis si Janna, malamang last na yun. Kasi kung buntis siya, siguro panahon na respetuhin siya ni Mickey at hindi na makipag-communicate sa akin!"

Nakarating na rin daw sa kanya ang buntis issue na iyan, pero ayaw naman niyang mag-comment dahil hindi naman daw niya ito nakakausap o nakikita.

"Ako kasi to see is to believe. Sige lang, e di kapag lumaki yung tiyan, buntis, congrats!" natatawang sagot nito sa PEP.

"Ganun talaga ang buhay, kung mahal nila ang isa’t-isa ituloy nila yun. Basta ako, abangan nila ako pag umuwi ako diyan. Me isa pa akong aasikasuhin bago matapos ang isyu naming dalawa ni Mickey.

"Siguro kelangan ko lang ayusin yung mga bagay-bagay sa amin na naiwan, na nakabitin, yun lang," makahulugan niyang pahayag.

TYING UP LOOSE ENDS. Kaya sinundan namin ng tanong kung kasal ba ang tinutukoy nito.

"Kasal? Hindi ko alam hindi, wala. Basta antayin niyo na lang kapag umuwi ako may bagay pa kong dapat ayusin. Definitely, and sana matapos ko yun, para sa ikakatahimik ng lahat," sagot niya.

Sa ngayon ay pinagkakaabalahan daw muna nito ang citizenship niya sa Japan. Kung matatagalan pa raw ito, hihintayin na lang daw niyang makuha ang visa niya at saka siya magpapasiya kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro naman naiintindihan niyo yung part ko na mas gusto kong manahimik kesa sa pagpiyestahan ako.

"Napagpiyestahan na yung buhay ko. Mas pinili ko na lang manahimik and siguro, kaya ako nagsasalita ngayon, kung sino man ang ma-o-offend sa mga sinasabi ko ngayon, pasensiya na po.

"Sinagot ko lang po once and for all, para matapos na, para pag-uwi ko diyan, konti na lang yung haharapin ko," pagtatapos ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN