Gabby Eigenmann on sister Andi finally naming father of her child: "I think it’s about time for her to speak up."

"If my sister wants to acknowledge the request of a DNA test, wala na kaming magagawa, sige. ’If you say okay, okay. But if you don’t like, we’ll support you.’ Kahit ano namang desisyon niya, susuportahan namin siya, e," says Gabby Eigenmann about his sister, Andi.


Nasorpresa ang karamihan ng mga dumalo sa launch ng Biblio noong Biyernes, September 9, sa pagdating ni Andi Eigenmann.

Si Andi ay nagpunta sa The Establishment bar sa The Fort, Taguig City noong gabing yun upang suportahan ang kanyang kapatid na si Gabby Eigenmann.

Si Gabby ang isa sa talents ni Perry Lansigan na tampok sa Biblio, ang coffee table book na naglalaman ng mga larawan ng lahat ng PPL contract stars.

Kontrobersiyal ngayon si Andi dahil sa pagdadalang-tao niya. At last week nga ay pinangalanan na niya sa kanyang blog kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

Hindi man sinasadya ay natuon ang atensiyon ng media na dumalo sa event sa pagdating ni Andi. Kaya naman hindi na rin nakaiwas ang young actress na magbigay ng kahit kaunting pahayag sa mga tanong sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

GABBY INVITED ANDI. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine kay Gabby, sinabi nitong personal niyang inimbitahan si Andi sa launch ng Biblio.

Kuwento niya, "Yes, I invited her. It came to a point na hindi ko ine-expect na she would make it.

"Pero I was constantly texting her and she said she’s on her way na.

"In-anticipate ko naman na masa-shock siya. Kasi when I texted her, when I invited her, she said, ’Is it televised?’

"And then I said, ’No, it’s just covered by some press people, mostly editors. But not to worry.

"’If you don’t want to say anything, it’s okay, I’ll be there. I’ll answer all their questions if they’re willing to ask me.

"’Kung ayaw mo mang sumagot, okay lang. Ako na ang bahala sa ’yo.’"

Ano ang reaksiyon ni Andi nang pagkaguluhan siya ng media?

"Okay naman. Na-shock nga siya. Sobra siyang na-shock. Akala nga niya wala nga lang, e...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, I was very apologetic... Sabi niya, ’Hindi, okay lang naman, alam ko naman na mangyayari.’

"So, sabi ko, ’Basta, I’ll be here. Hindi naman sa itatago kita, pero I’m here.

"’Kung ang mga tanong sa ’yo, as much as I can answer everything, I’ll answer it for you.’"

ANDI’S ANNOUNCEMENT. Last September 4 ay tinapos na ni Andi ang espekulasyon tungkol sa katauhan ng ama ng kanyang dinadala.

Sa kanyang personal blog ay pinangalanan ni Andi ang dati niyang boyfriend na si Albie Casiño bilang ama ng kanyang anak. (CLICK HERE to read related story.)

Tinanong ng PEP si Gabby kung ano ang naging reaksiyon ng pamilya Eigenmann sa announcement na ito ni Andi? In-expect ba nila na kay Andi mismo ito manggagaling?

"Yes, kasi the whole time... nung inilabas lahat ng news, ako, ’tsaka daddy ko [Mark Gil] lang ang medyo nagsalita about it, even my cousins, si Geoff [Eigenmann].

"Sabi ko nga, I think it’s about time for her to speak up. I mean, to say her piece...

"So, sabi ko, ’At least you said whatever you wanted to say para matahimik na.’

"E, yun nga, kinonfirm nga niya who the dad is.

"Sabi ko, ’At least, you can stand on your own, kumbaga. Kasi we’re here to support you kung ano man yung sasabihin mo, andito lang naman kami.’"

Bago pa man ang announcement ni Andi sa kanyang blog ay matagal nang usap-usapan na si Albie nga ang ama ng ipinagbubuntis ng young actress.

Pero, wala man direktang pag-amin o pagtanggi, iginiit ng kampo ni Albie na magkaroon ng DNA test upang matiyak kung sino nga ang ama ng dinadala ni Andi.

Ngayong direkta nang pinangalanan ni Andi na si Albie ang ama ng kanyang isisilang na sanggol, may alam ba si Gabby kung ano naman ang naging reaksiyon ng kampo ng young actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gabby, "I was interviewed a while ago. According to some reporters, sabi nga daw, na balak daw magdemanda, which I don’t see why.

"Pero kung ano man ang gusto nila, e, di gawin nila.

"Basta kami, we’re happy that... [and we’re not being] hypocrites, pero lahat naman kami, kahit sino naman, e... it’s always a blessing."

Ang tinutukoy ni Gabby na "blessing" ay ang pagkakaroon ng anak.

Sabi pa niya, "It can never be a mistake na pagsisisihan mo at the end of the day.

"You both fell in love, you made love... At the same time, you got pregnant.

"It’s a blessing.

"Kami, positive kami, e. We’re excited. We’re happy.

"She’s due sometime November. So, happy kami. It’s a baby girl. So, happy kami."

DNA TEST. Ano naman ang reaksiyon ng pamilya Eigenmann sa patuloy na "resistance" ng kabilang kampo?

"Honestly, we don’t care anymore, e," sagot ni Gabby.

"From what I’ve heard, they’ve been wanting to have a DNA test. Kami, what for?

"If my sister wants to acknowledge the request of a DNA test, wala na kaming magagawa, sige.

"’If you say okay, okay. But if you don’t like, we’ll support you.’

"Kahit ano namang desisyon niya, susuportahan namin siya, e."

Pero sinabi rin ni Gabby, para sa kanya, hindi na kailangan pa ng DNA test para patunayan kung sino nga ang ama ng dinadala ng kapatid niya.

Paliwanag niya, "Kasi why would she put... or why would she mention the father’s [name] if she’s not sure?

"Kasi ang pinapalabas nung kampo nila, my sister is a ’player,’ my sister is ’lalakero’... C’mon, let’s cut to the chase!

"She mentioned your name, you’re the father. So what now?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now, you’re requesting for... Alam mo ’yon, you demand [a DNA test] na kesyo pinapangalanan na yung anak nila, or pinapangalanan na yung magiging tatay.

"Honestly, we don’t care. I mean, ang ano ko lang, e, andiyan na, e.

"Obviously, he’s not man enough... obviously.

"Pero wala na kaming pakialam do’n. Akuin mo man o hindi, okay lang kami.

"We’ll be the father of your child. Kami na lang."

JUST AN OBSTACLE. Just in case magkasalubong o magkita sila ni Albie, ano kaya ang posibleng gawin ni Gabby rito?

"I’ve been contemplating on that," sabi ng Kapuso actor.

"It came to a point na I’m always in Katipunan; he lives nearby.

"Kung makita ko man, ano ang gagawin ko... I really don’t know.

"Pero ako kasi, positive ako, e. I’ve learned to forgive. Since God forgives, why can’t any human being, di ba?

"Pinatawad ko naman siya, e. Wala naman siyang kasalanan kung tutuusin, e.

"Ang kasalanan lang niya naman siguro is bakit di niya akuin.

"Pero honestly, we don’t care. Ang sa akin lang, you got my sister pregnant, we’re fine with that.

"You don’t want to step up... for being the father, we don’t care. Andito kami."

Patuloy pa ni Gabby, "Madami nang pinagdaanan ang pamilya namin.

"I’m sure from my grandparents to my dad, to my tita, to my other cousins, to my other brothers, maraming intriga.

"Pinagdadaanan lang naman ’yan, e. [It’s just an obstacle] in our lives.

"Kaya ngayon, my sister is experiencing it. She’s pregnant now.

"We don’t really care. Basta nandito kami to support her.

NAME OF ANDI’S BABY GIRL. Nagliwanag naman bigla ang mukha ni Gabby nang tanungin siya kung may naiisip ng pangalan ang kanyang kapatid sa baby nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When she turned 21 [last June 25], we were at her house. We were talking about the name of the baby already.

"I was so happy, I was so touched, sana i-retain niya... She’s planning on naming her baby girl, Gabrielle.

"E, I am Gabriel kasi, e. Natuwa naman ako na kinu-consider niya ’yon.

"Sabi ko, sana hindi magbago yung isip niya.

"Pero as of now, parang tatlong names ’ata ang pinag-iisipan niya, or tatlong names yata ang balak niyang gawin.

"Sabi niya, she might retain Gabrielle. Natuwa naman ako.

"Feeling ko lang, she’s naming it [the baby] after me... feeling ko lang ’yon!" masaya niyang sabi.

Hindi ba direktang sinabi sa kanya ni Andi na sa kanya isusunod ang pangalan ng anak nito?

"Well, binanggit naman niya," sabi ni Gabby.

"Pero siyempre, being a kuya, like, since the day she was born, I was there.

"I protected her... lahat naman actually ng mga kapatid ko, e, growing up...

"Maligo man o... tumae, sorry for the language, pero I was there to wash their asses. Lahat naman sila, e.

"So, close kami kahit papaano. Kahit anong mangyari, close kami.

"We all grew up in a broken family.

"I made it a point being the kuya, na kahit hindi tayo magkakapatid in full, kahit half-brother and sister tayo... We don’t treat each other half-brother and half-sister, e.

"I make it a point, kahit hindi kami nagkikita, we constantly text each other.

"Lalo na ngayon closer kami kasi siyempre during the time na...

"Kasi may kanya-kanya kaming buhay, e. Maliban sa career, maliban sa personal life, hindi naman kami nangingialam sa bawat isa, e.

"Pero now that she’s pregnant, mas tutok ako ngayon. It goes the same way with my other siblings.

"Like si Maxine [Eigenmann], katatapos lang ng binyag nung second baby niya. Ngayon, okey na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang lalo kaming nagiging close sa isa’t isa."

YOUNG MOM. At 21 ay magiging isang ina na si Andi, pero naniniwala si Gabby na magiging isang mabuting ina ang kapatid.

"Kasi, since first time lang niya mararanasan ’to, mommy niya pa, si Tita Jane [Jaclyn Jose]...

"Siyempre yung mommy niya will always be protective of her.

"I’m sure she’s... Kung excited man si Andi, mas excited yung mommy niya.

"Same thing with us.

"Lumalabas, parang first girl sa buong pamilya ng Eigenmann, e. First [female] great grandchild ng lola ko [Rosemarie Gil], ng lolo ko [Eddie Mesa].

"So, I’m sure there would be double effort, double excitement, kasi nga, si Andi pa.

"I’m sure everyone’s excited. Kaya nga hinihintay na lang namin, e.

"Kaya sana maging healthy yung baby come November."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN