Bembol Roco reunites with Nora Aunor in teleserye after 27 years

It was Direk Mario O’Hara who requested the TV5 production team to include Bembol Roco (above) in the cast of Sa Ngalan ng Ina, along with Nora Aunor and Christopher de Leon. The three actors were in the cast of Tatlong Taong Walang Diyos, the critically acclaimed film also directed by Direk Mario.


Eksaktong 27 years na ang nakalipas, ayon sa pagkakatanda ni Bembol Roco, mula nang huli silang nagka-trabaho ni Nora Aunor, at yun ay para sa pelikulang ’Merika (1984), dinirek ni Gil Portes, na kinunan entirely sa New York at New Jersey, U.S.A.

Mula naman sa Amerika, nagbalik sa bansa ang superstar, matapos ang walong taon, para gawin ang kasalukuyang itini-tape na mini-serye ng TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina, her comeback TV drama project with the award-winning writer-director, Mario O’Hara.

"It’s good! Ayos naman!" nakangiting sambit ni Bembol nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), in their recent taping, ang muli nilang pagta-trabaho ng Superstar, this time in a TV drama series.



"We haven’t worked together [yet] sa TV," banggit pa ni Bembol, "pero... oo naman, may bonding na kami. Meron nang pinanggalingan [ang samahan]; gano’n na katagal."



Bukod sa nabanggit na pelikulang kinunan sa States, nagkasama na rin sina Nora at Bembol, as early as in 1976, sa klasikong Tatlong Taong Walang Diyos ni Mario O’Hara.



In fact, it was Direk Mario who personally requested the TV5 production team to include Bembol in the cast, along with Nora Aunor and Christopher de Leon.



"Para kumpleto ang [lead] cast noon ng Tatlong Taong Walang Diyos," pagtukoy pa ni Direk Mario.



Sabi ni Bembol, masaya ang reunion nila ngayon ni Nora Aunor.



"Oo naman," nangiti uli si Bembol.



But as to his fondest memory of TTWD back then, Bembol begged off.



"Ah... ang tagal nang masyado. Hindi ko na maalala," nangiti uli siya. "Mga 35 years na din yun..."

Sa mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina, ay ginagampanan ni Bembol ang papel ni Mayor Deogracias, a well-loved alkalde (town mayor) na asawa ni Nora, as Donya Elena Deogracias.



SEASONED ACTOR. PEP also interviewed Bembol Roco last July, 2011, during the 7th Virgin Labfest, just before the start of the 7th Cinemalaya Filmfest, sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa Labfest play ay bida si Bembol Roco, sa dulang Balunbalunan, Bingibingihan, ng debuting playwright Debbie Ann Tan; gayundin sa Cinemalaya entry, Isda (Directors’ Showcase) ni Adolf Alix Jr.



Parehong nagwagi ng best actor awards si Bembol sa mga ginampanang papel.



Achievements such as these continually inspire the actor.



"Korek!" Bembol agreed. "Marami na ring plays. I’ve been very active sa stage; bumalik ako, kasi matagal na din akong nawala. Nuong 1984 ako huling nag-stage. Bumalik ako, mga 1996 yata, 14 years din ako nawala."



Like Ate Guy, Bembol also admitted staying out of the limelight for three years — from 1986 to 1989.



"Wala lang. Gusto ko lang mag-isip," he reasoned. "Nu’ng nagbalik ako, tuluy-tuloy na."



At sa gitna ng kanyang kaabalahan, sa teatro at pelikula, naglalagare pa rin si Bembol, sa kalagitnaan ng taon, sa dramaseryeng Sisid, sa GMA-7; at sa rehearsals para sa Tinarantadong Asintado, isang adaptation ng dulang Titus Andronicus (ni William Shakespeare), para sa Dulaang UP (DUP).



Nakatakdang magbukas next week (September 14) ang Titus Andronicus: Tinarantadong Asintado sa Wilfrido Ma. Guerrero, Palma Hall, ng UP Diliman, Quezon City. Si Bembol Roco uli ang lead actor ng nasabing dula.



ASWANG. Bembol is also doing a film for Regal Entertainment.



"Aswang. Kay Jerrold [Tarog]," banggit ni Bembol sa bagong movie project ng award-winning director.



Ano ang papel niya sa nasabing horror-drama?



"Aswang," banggit niya. "’Di ko pa nabasa ang buong script, e. Palagay ko, pang-ano ito... [pang-halloween].



"Naka-prosthetics ako. Anim na oras [ang paglalagay ng make-up/prosthetics]. Okey naman. Jerrold is very pleasant to work with," sabi pa ni Bembol. Kasama din sa cast ng pelikula sina Nina Jose, Lovi Poe at Precious Lara Quigaman, who plays Bembol’s wife.



FROM "HORROR-FANTASY" TO REALITY. Mula sa horror-drama, kundi man fantasy, dumako ang pakikipag-usap ng PEP sa higit na makatotohanang aspeto ng buhay ni Bembol Roco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bembol used to be known in showbiz by his real name, Rafael "Bembol" Roco Jr., tulad ng inilunsad siya bilang bidang aktor sa pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975) ng National Artist for Film na si Lino Brocka.



Through the years, mas nakilala si Bembol Roco sa mga serious dramatic films, na kabilang sa genre ng social realism.



Bukod sa Maynila... at "Mga Hugis Ng Pag-asa" episode ng Tatlo, Dawala, Isa (1974), also by Brocka, na nagsilbing screen test niya, agad nagmarka ang pagiging aktor ni Bembol Roco in the late ’70s, sa mga obrang Sa Piling Ng Mga Sugapa (1977) ni Gil Portes; Pagputi Ng Uwak, Pag-Itim Ng Tagak (1978) ni Celso Ad Castillo; at Alyas Boy Kodyak (1979) ni Ishmael Bernal, among others.



Noon ay maituturing ding isang matinee idol si Bembol, na nakipagsabayan sa popularidad, bilang screen leading man, kina Boyet de Leon, Jay Ilagan, at Mat Ranillo III.



Makapal pa ang buhok ni Bembol noon; nag-decide lang siyang maging kalbo mula nang gampanan, sa nasabing Bernal action-drama opus, ang mala-Telly Savalas role of the ’70s hit American TV action series, Kojak.



May balak pa bang magpatubo uli ng buhok si Bembol?

"Siguro, ’pagka tumanda pa ako nang konti," nakangiting sambit uli niya.

ON WIFE, COCO ARTADI, AND KIDS. Kumusta naman ang mga young actor-sons ni Bembol?



"We haven’t seen each other in a long time," wika niya. "Si Dominic, nakakasama ko dati sa Sisid; si Felix, hindi ko masyadong nakikita."



Tungkol sa love life ng mga artista niyang anak ay hindi nakikialam ang daddy nina Felix at Dominic.



"Wala... malalaki na sila," sabi ni Bembol.



Open ang aktor sa pagbanggit ng tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanyang pinakasalan, sa panahon ng kasikatan niya bilang aktor, ay ang fashion model na nakilala sa pangalang Coco Artadi.



"Si Coco... well, we’re separated, actually," banggit uli ni Bembol, tulad din nang malaon na niyang nasasabi sa mga interviews.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasama siya ng mga anak ko, nandu’n sila sa bahay [in Quezon City]," aniya pa.

Sa lima nilang anak ni Ms. Artadi ay isa pa lang daw ang nag-aasawa.



"Yung girl ko lang. Meron na akong apo," sabi pa ni Bembol.



The girl’s name is Katrina. "Pangalawa siya. Lima ’yan, e. Bunso na yung kambal [Dominic and Felix]," pagtukoy pa ng actor-dad.



"Si Rafael III yung panganay; Katrina Isabel (second, only daughter); Luis Gabriel; Teodoro Felix, at Ricardo Dominic," isa-isang pagbanggit nga ni Bembol sa pangalan ng mga anak.



Proud daddy si Bembol sa mga naging propesyon ng mga bata.



"Rafael III works in a call center," aniya. "Katrina, for the longest time, manager siya ng Folded & Hung [apparel company], pero ngayon, lumipat siya... [sa ibang company]; si Luis Gabriel, sa J. Morgan Bank."



At ang bunsong kambal ay kilalang young actors ngayon, sa TV at pelikula.



"Oo, happy naman. Abalang-abala [lahat]," matipid pang wika ng mahusay na aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN