LJ Reyes says it was her partner Paulo Avelino’s decision to move to another network

Ayon kay LJ Reyes, may mga advantages na magkaiba sila ng network ng partner niya na si Paulo Avelino.

"Maganda nga yun para makapag-explore kami. Masyadong maliit ang mundo kapag pareho kayo sa iisang network. Siyempre, maganda rin na mag-grow kami individually sa trabaho," LJ says.


Isa sa mga bagong talent ng PPL Entertainment Inc. ay ang Kapuso actress na si LJ Reyes.

Ipinakilala si LJ during the launch of Biblio, a book featuring PPL’s 14 artists nuong September 9 sa The Establishment bar at The Fort sa Taguig

Masaya raw si LJ as one of the newest talents of Perry Lansigan, ang president and CEO ng PPL Entertainment Inc.

"Nakakatuwa kasi alam mo na inaalagaan ka talaga ng management. Gumawa pa sila ng ganitong event to introduce, not only the old ones, pati ang mga bago. Na-a-appreciate ko talaga, at the same time, iba talaga ang alaga nila," aniya.

Dugtong pa niya, "Mas alaga kasi, mas hands on."

Ngayong araw naman na ito, September 11, ang alis ni LJ kasama ang anak na si Ethan Akio or "Aki" papuntang Amerika for their one-week stay with LJ’s mom and sister.

"For a week lang. For the green card at si Aki kasi, citizen do’n, kailangan ko rin siyang ibalik. Every year, kailangan ko siyang ibalik. Although, puwede ko siyang ikuha ng dual citizenship. Hindi ko lang maasikaso, kasi, busy talaga."

Kung matatandaan, noong manganak si LJ, Paulo Avelino was trying na mapuntahan ang mag-ina niya, pero, hindi nga ito nakaalis at kahit ngayon, hindi pa rin daw nila ito makakasama.

Iba raw noong umuwi siya sa Pilipinas pagkapanganak niya. Two months lang ang anak niya kaya madaling alagaan. Ngayon daw ay malaki at malikot na ito.

"Naa-anticipate ko na ang pagod dahil siyempre, ako lang mag-isa, ’di ba? E, yung anak ko, napakalikot. Ang likot talaga. E, sa eroplano, baka magulat siya, wala siyang space na maglalakad.

"Pero siyempre, [kailangan din ang] bonding din with my sister at saka sa mommy ko. Two months pa lang si Aki noong umuwi ako. Ten months nilang hindi nakita — beybing-beybi pa si Aki noong huli nila itong nakita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAULO’S DECISION. Ine-expect na rin daw ni LJ na itatanong sa kanya ng entertainment press ay ang naging desisyon ni Paulo na lumipat ng network from GMA-7 to ABS-CBN.

Pero ayon kay LJ, it was Paulo’s decision.

"Sabi ko rin naman sa kanya, ’Ikaw ang mag-decide. Ayoko na ako ang magde-decide for you. Ayokong sabihin sa ’yo ang opinyon ko.

"’Magbibigay lang ako ng pros and cons para mapag-isipan mong mabuti. Hindi ako magbibigay sa ’yo ng opinyon ko kung anong desisyon ang dapat gawin, kasi mai-influence ang decision mo.’"

Ayon kay LJ, decision daw yun ni Paulo at ng manager nito. May nakikita rin na advantages si LJ na magkaiba sila ng network.

Aniya, "Maganda nga yun para makapag-explore kami. Masyadong maliit ang mundo kapag pareho kayo sa iisang network. Siyempre, maganda rin na mag-grow kami individually sa trabaho."

Nakahanda ba si LJ sa mga posibleng intriga? Maaari ding ma-link si Paulo sa ibang Kapamilya actresses.

"Artista naman kami. Sanay naman kami. Ako pa nga ang nagsasabi na, ’Uy, bagay kayo ni ganyan.’ Siyempre, gagawa at gagawa siya ng project do’n. Siyempre, may ka-partner siya.

"Kasi, kapag nag-usap naman kami, hindi naman kami yung close-minded na, ay, ayokong magkaroon ka ng partner ro’n.

"E, hello, saan ka ba nakakita ng show na walang partner? Na walang leading man, ’di ba?"

Hindi ba siya yung tipong selosa?

"Kung walang dahilan, bakit ako magseselos, ’di ba? Kung may dahilan. Kung may valid reason, oo naman."

Ayon kay LJ, may feeling of security naman daw siya sa relasyon nila ni Paulo.

MEAN ROLES. Enjoy din si LJ sa kanyang role sa Time of My Life although, nandoon talaga ang meanness ng character niya.

"Ay naku Lord, hindi pa lumalabas, hindi pa ume-ere ang week 7 at saka week 8, yun ang talagang matindi. May mapapahamak talaga nang grabe dahil sa akin," ang natatawa niyang kwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero oo, natutuwa ako sa character. May pinaghuhugutan siya, e. Hindi lang naman dahil galit siya sa mundo."

Hindi naman daw niya napi-feel na galit sa kanya ang tao kapag nasa labas siya at may nakakakita or nakakasalubong siya.

"Marami na ang nakakakilala sa akin as Zyra pero LJ pa rin naman ako sa kanila. Hindi naman sila nagagalit.

"Siguro kasi, kapag nakikita naman nila ko, hindi naman ako yung nakasimangot. Hindi ako nagsusungit. Kaya ganoon din ang approach nila sa akin."

Kontrabida na talaga ang packaging sa kanya?

"Well, ang gusto ko lang naman kapag mga ganoong role, yung magandang character. Hindi naman necessarily basta kontrabida.

"Basta maganda yung character. Kasi, kapag medyo marami-rami ka na ring nagagawang projects, iba-ibang character na ang napi-play mo. Nagkakaroon ka na ng thirst for new characters, new things naman," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN