Lovi Poe admits she feels insecure about one part of her body — her breasts

Nakita na daw ni Jake Cuenca, ang leading man ni Lovi Poe (above) sa My Neighbor’s Wife, ang cover shoot niya for FHM where the actress is shown posing with an elephant.

"Yeah, I think nakita na rin niya. I guess, ask him. I think, natuwa siya noong may nakita siyang elephant," natatawang sabi ni Lovi.


Isa sa mga young actresses who can project wholesome and sexy at the same time is Lovi Poe.

On top of that, she is also a recording artist.

Happy naman si Lovi sa direksiyon ng kanyang career. Masaya din siya sa naging outcome ng kanyang first ever pictorial for FHM. She is the magazine’s September cover girl na kinunan pa sa Thailand ng photographer na si Mark Nicdao.

Lovi came to the press launch at Crowne Plaza Friday afternoon wearing a suit pero wala siyang suot na blouse under her jacket.

Aniya, "I think I can wear anything I want. Look at me now, I’m not wearing anything [under my jacket] and I don’t feel bothered," nakangiti niyang sabi.

Ang advice niya sa mga kababaihan on how to be sexy: "I think you have to accept your flaws and work on them."

Plano ba niya talagang magkaroon ng sexy image sa showbiz?

"For me, it’s not just about being daring. Nagkataon lang na [sexy yung] movie [ko] plus FHM nga. I am so very focused on my craft, with my acting. I think yun pa rin ang importante para sa akin."

Pero hanggang saan ang pagpapaseksing gagawin niya?

"You know, I guess, I can never tell because it’s... whatever comes kasi. I can do anything I want, what I feel like doing at the moment. Ganoon naman ako. Very spontaneous. Whatever I wanna do."

Aminado naman si Lovi na kung may insecurity man daw siya sa kanyang katawan, ito ay ang kanyang breasts. Natatawa naman itong tumanggi when asked kung may plano siyang magpa-enhance.

"No, I think, for me, of course, I have nothing against enhancement or anything. I think, [women] have the right to do whatever they want with their bodies to make them feel beautiful. For me ha, I’m just fine with it. I guess, I like it this way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong din kay Lovi kung sino sa mga actors ngayon ang gusto niyang makapareha.

"A lot of course, there’s John Lloyd Cruz, Piolo Pascual and then, Jericho Rosales."

Dahil puro Kapamilya actors ang nabanggit niya, nabigyan tuloy ito ng ibang kahulugan na baka gusto na raw niyang lumipat ng network.

"No, no. I got to work with mga Kapuso actors na rin naman."

Nakita na daw ni Jake Cuenca, ang leading man niya sa My Neighbor’s Wife, ang cover shoot niya for FHM.

"Yeah, I think nakita na rin niya. I guess, ask him. I think, natuwa siya noong may nakita siyang elephant," natatawang sabi ni Lovi.

Elephant ang napansin ni Jake at hindi ang kaseksihan niya?

"Sino ba naman ang hindi makakapansin sa elephant, ’di ba? I think, yun ang pinaka-highlight ng cover. Me, naka-pose ro’n sa elephant."

Nakita nga siya sa Star Magic Ball bilang ka-date ni Jake noong gabing yun. Bilang isang Kapuso, how was the experience?

"It was good. He took care of me and hayun, he never left me. He’s such a gentleman naman. Everyone made me feel welcome naman.

"It’s a good experience for me naman. I have friends naman there so, it wasn’t that difficult for me naman."

Hindi raw totoong nagkasalubong sila sa ball ng ex-girlfriend ni Jake na si Melissa Ricks.

"No naman. And you know, with me and Jake as friends, hayun, I don’t wanna focus on anything other than that.

"Whatever he has with anyone, it’s none of my business naman.

"And me, hanging out with Jake, it’s nothing naman. We’re basically good friends."

Ngayong gabi ang premiere night ng pelikula niyang My Neighbor’s Wife ng Regal Films with Jake, Carla Abellana, and Dennis Trillo.

Mayroon nga bang professional jealousy between Lovi and Carla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay no, yun nga ang maganda sa amin ni Carla, because we’re good friends. Seryoso ’to, nothing. One of the thing is, nalungkot nga ako natapos [na ang shooting].

"Kasi kaming apat, naging close kami. After nga naming mag-mall show, magkasama pa kami. We eat together and everything.

"So, wala, nothing, nothing. Kumbaga, yung mga tao lang ’yan sa paligid namin. Pero kaming dalawa, we’re fine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN