Lovi Poe reveals abusive relationship in the past

Naging mapangahas si Lovi Poe sa kanyang pelikulang, My Neighbor’s Wife, maging sa FHM September issue kung saan siya ang cover kasama ng isang elepante.


Ibang-iba na si Lovi Poe sa ngayon.

Nang masilayan siya sa showbiz noon, shadow lang siya sa kanyang sikat na ama, ang king of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. na mas kilala sa tawag na FPJ.

Pero unti-unting umukit ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng showbiz si Lovi. Hindi naging hadlang sa kanya ang palagiang pagkukumpara sa kanyang amang minahal sa industriya mula noon hanggang ngayon.

Pero sa bawat paghakbang niya paitaas, ay hindi maiiwasang may mga kalakip itong intriga at isyung laging ipinupukol sa kanya. Mula sa pagkakaroon ng iba’t ibang boyfriend daw, hanggang sa kanyang pagpapa-seksi ay maraming puna ang inabot ni Lovi.

Pero hindi ito naging hadlang para ipakita sa tao na kaya rin niyang tumayo sa sariling paa, being herself, being Lovi.

Naging mapangahas si Lovi sa kanyang pelikulang, My Neighbor’s Wife, maging sa FHM September issue kung saan siya ang cover kasama ng isang elepante.

At sa interview ni Lovi kanina, September 11, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, maraming "Forbidden Questions" ang binitawan ni Mo Twister na sinagot naman ng dalaga.

Isa na nga rito ang pagiging "abused girlfriend" daw niya noon sa isang nakarelasyon.

Narito ang buong panayam ni Mo kay Lovi sa segment na "Answer Mo."

Mo Twister (MO): Hi Lovi, how are you? Thanks for being here. Congratulations unang-una sa magazine. Sobrang ganda, I’m sure you’re very proud of it.

Lovi Poe (LP): Thank you, thanks Mo.

MO: Okay, I’m sure you get this question all the time. FPJ, FPJ. Kasi siyempre you know, your father was one of the greatest icons in our country. Growing up, were you treated by Sir FPJ as a princess or medyo matapang na tomboy din, kasi yun nga, action star siya?

LP: No, you know what, I didn’t grow up with everything like, handed down to me. Kumbaga, I had to work on everything as in, my mom never spoiled me and my dad never spoiled me so I had to work hard to get everything that I want. So ayun, there are times pa nga na hindi ko nakukuha kung ano yung gusto ko. So no, definitely not a princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MO: Pero halimbawa sa mga tao na dito sa industriya, mga friends mo sa school, parang do you think you were treated differently kasi yun nga, daddy mo si FPJ?

LP: No, no, no.

MO: Oh really?

LP: Yes, everything parang the same. Kasi I don’t see myself din naman as his daughter. Parang, I know I am, but I think I don’t like to put it in my head.

MO: Yung mga guys that date you or ask you out on dates do they get intimated, kahit na medyo, you know, wala na dito si FPJ. Do you think they get intimidated kasi, oh my gosh, you know, the king!

LP: I think — I’m not sure about intimidated — but I think, I’m actually very thankful nga because of the legacy that my dad left me. I think yung respect na nakukuha ko from men, I think, yun, I think that’s what I get sometimes.

Sa takbo ng panayam ni Mo, naging kumportable na sila parehong dalawa ni Lovi sa mga maiinit pang tanong, kaya naman, hindi na pumepreno ang matapang na DJ-TV host sa kanyang mga sumunod na "Forbidden Questions."

MO: Sino yung biggest flirt sa ’yo na hindi mo pa nadi-date?

LP:
Biggest flirt sa ’kin? Oh my God! You know what, wala, Mo. Nakakainis!

MO: Lovi, it’s just flirting, tingnan mo naman ’to [sabay turo ni Mo sa FHM cover ni Lovi kasama ang isang elepante]. No, c’mon, c’mon, showbiz personality na you had a crush on pero hindi n’ya na-gets lang.

LP: I had a crush on? Oh my God! Wala, Mo naman please. Ikaw na lang. I could have, at that time, just kidding! At least, just kidding, just kidding.

MO: Ibulong mo na lang sa akin I won’t say it, I won’t say it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito lumapit si Mo kay Lovi at ibinulong naman ng dalaga ang sagot sa tanong ni Mo.

LP: Liar! I don’t remember anyone. Ikaw na nga!

MO: No, I won’t say it, I won’t say it.

LP: Shoot, basta, clue na lang! Nakasama ko na siya sa work, yun! Mahirap yun ha, konti lang yung nakasama ko sa work.

MO: Yun lang?

LP: Yeah!

Kasunod namang topic na tinalakay ni Mo ay ang tungkol sa mainit na issue ng "cheating" kung saan, isa ito sa tema ng bagong pelikula ni Lovi na My Neighbor’s Wife kasama sina Carla Abellana, Jake Cuenca at Dennis Trillo.

MO: Your movie, My Neighbor’s Wife, is about cheating. Have you cheated in a relationship before?

LP: No.

MO: Yung pini-flirt-flirt mo? [Sabay na nagkatawanan ang dalawa.]

LP: No, I haven’t cheated actually, technically! No, only in my head I guess, just kidding hahaha. No, I haven’t cheated, I mean in technical terms, of course.

MO: If you’re gonna, eto, theme of the movie ano, if you’re going to steal someone’s boyfriend, playfully, who would it be?

LP: Steal someone’s boyfriend? God, this is so hard, steal someone’s boyfriend, no the thing with me, I, I, I don’t wanna do that, I hate girls who do that. I mean, because if that happens to me I’d be so pissed, so that’s one thing for me na, para sa akin, a guy has to be single first before I actually entertain [him] or gano’n.

Medyo naging malalim na ang usapan between Lovi and Mo, naging mas mature na si Lovi sa kanyang mga kasagutan kaya naman naging seryoso na ang kanilang usapan.

Vocal na rin kasi ang dalaga sa mga maiintrigang tanong kaya naman tinanong ni Mo kung saan nga ba nanggagaling ang pagiging "palaban" sa buhay ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LP: I think, I’ve gone through so much, e. I don’t wanna elaborate on things but then, uhm, the thing that I went through like before, in front of a lot of people, it was really difficult to actually stand your ground and actually show everyone, [to] fight for what you believe in, I think.

MO: Too much for 22 years old?

LP: Yes! Too much, of course.

MO: I don’t wanna... do you regret it but do you think... life has been unfair to you a little?

LP: Well you know what, there are times na I think na parang this is quite unfair, I mean, I’m just 22 and then I feel like I’m 50 already and everything, but at the same time, I feel blessed because once I grow older I believe I’ll experience more hardships in life and I think I can face them na because right now, 22 pa lang ako parang...

MO: Battle tested?

LP: Yeah! Nakayanan ko na, what more pa paglaki ko I think.

MO: We’re seeing a lot of this on the rise recently na, parang in relationships, a female has been hurt and stuff like that. Looking back and without naming names or anything, kasi you know, I don’t want to put them in that light but have you ever been like, physically abused by a boyfriend?

LP: I guess, I guess, yeah, but just to clarify, not pa, not the last one. Pero I don’t wanna talk about it.


MO: So not the last [one], he was not that type?

LP: Yeah, yeah!


MO: But you have gone through that?

LP: I guess, yeah!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN