Jake Cuenca back at GMA-7 to promote a movie

Marami ang nagsasabi na baka hanggang promo lang ang pagiging close ni Jake Cuenca (above) at Lovi Poe. Nasa cast ang dalawa ng pelikulang My Neighbor’s Wife.

"Hindi naman ako gano’n. Maraming nakakakilala sa akin and hindi ako yung gimikero or ginagamit lang ang leading lady because we have this project. Kapag nakipagkaibigan ako, totoo iyon. Walang fake doon. I want to keep a good relationship with the peopl


Muling nakatapak sa bakuran ng GMA-7 ang dating Kapuso talent na si Jake Cuenca.

Nangyari ang bihirang pagkakataong ito dahil sa promo ng pelikula niyang My Neighbor’s Wife with Kapuso stars Dennis Trillo, Carla Abellana at Lovi Poe.

Nagpapasalamat si Jake na pinayagan siya ng executives ng ABS-CBN na makapag-promote sa dati niyang tahanan.

Kung matatandaan, nagsimula si Jake sa bakuran ng GMA-7 via the teen-oriented show na Click noong 2004. Nasundan ito ng ibang shows tulad ng Love To Love, Hanggang Kailan, Forever In My Heart, Encantadia, at Majika bago siya lumipat sa Kapamilya network noong 2006.

"Natutuwa naman ako at nakatapak ulit ako sa GMA-7. Alam naman ng marami na original home ko ang Kapuso network at natutuwa akong makita ang ibang mga nakatrabaho ko noon.

"I’m also happy na pinayagan nga ako ng mga taga-Dos na mag-promote sa GMA-7. Sinabi ko naman kasi na magiging all-out ako sa promotion ng movie namin under Regal Entertainment dahil naging very close na ako sa mga co-stars ko na sila Dennis, Carla, at Lovi.

"Natuwa nga ako at binigyan ako ng blessing ng ABS-CBN to do this promo. Kaya tinupad ko lang yung promise ko sa mga kasama ko sa movie," ang sabi ni Jake nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after ng guesting niya sa Showbiz Central kanina, September 11.

LOVI POE. Dahil sa pagkakapareha niya kay Lovi Poe sa My Neighbor’s Wife ay biglang na-link sila romantically. Bukod kasi sa pagkakaroon nila ng isang sexy love scene sa pelikula, naging date pa ni Jake si Lovi sa nakaraang Star Magic Ball.

Nangiti lang si Jake sa tanong kung nililigawan ba niya si Lovi dahil base sa mga kinikilos nila ay parang meron na silang pagkakaunawaan.

"Hindi naman, kayo talaga. Nakita n’yo na lang na okey kami ni Lovi, hindi naman ibig sabihin na nanliligaw na ako," sagot ni Jake sabay ngiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like what I said, naging very close kaming lahat sa shooting ng movie. Particularly si Lovi, kasi hindi ko lang naman dito sa movie na nakatrabaho. We did a Bench Body campaign before at doon pa lang ay nagkakilala na kami and we’ve been good friends na.

"I asked her to be my date sa Star Magic Ball. Wala namang sigurong masama doon because it’s an event na you can bring anybody as your date.

"When Lovi said yes, siyempre masaya ako because first time siyang makaka-attend ng yearly Star Magic Ball. I want her to meet some of my friends din. It was a great night for both of us. We both had fun and yun naman ang importante."

Marami ang nagsasabi na baka hanggang promo lang ang pagiging close nila ni Lovi. Kapag pinalabas na ang movie ay baka hindi na sila makitang magkasama na.

"Hindi naman ako gano’n. Maraming nakakakilala sa akin and hindi ako yung gimikero or ginagamit lang ang leading lady because we have this project.

"Kapag nakipagkaibigan ako, totoo iyon. Walang fake doon. I want to keep a good relationship with the people I work with. Kaya itong nakikita nila sa amin ni Lovi, pangmatagalan itong pagkakaibigan namin," diin ni Jake.

NOT FRIENDS WITH MELISSA. Anyway, marami ang nagulat sa mga statements na pinakawalan ng ex-girlfriend ni Jake na si Melissa Ricks. Lumalabas na hindi naging maganda ang paghihiwalayan nilang dalawa kaya sa mga naging interviews nito ay tila wala siyang masabing maganda tungkol kay Jake.

Nabanggit pa ni Melissa na hindi sila friends ni Jake noong mag-break sila. Taliwas tuloy ito sa mga pahayag noon ni Jake na very good friends sila ni Melissa kahit na naghiwalay sila.

Kaya noong Star Magic Ball, ang ka-date ni Melissa ay ang dating ka-loveteam na si Matt Evans at nakikita ang maasim na expression nito kapag tinatanong siya ng mga TV crew regarding kay Jake na ang ka-date ay si Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakarating kay Jake ang mga sinabing iyon ni Melissa at inamin niyang nagulat siya dahil sa pagkakaalam niya ay okey sila ni Melissa noong mag-part ways sila earlier this year.

"Siguro, whatever Melissa says na lang, sige okey na sa akin iyon. I will respect that," diin ni Jake.

"Wala akong hindi magandang sasabihin sa kanya. Nagkaroon kami ng pagsasama before at ayoko namang tapusin iyon nang hindi maayos.

"If she thinks nga na hindi kami okey, then let’s respect that. Tatanggapin ko iyon. Basta ako, I always wish her the best. Alam ko na may bago siyang show and I hope it does well. I always wish her the best."

Ayaw na lang pag-usapan ni Jake ang tunay na dahilan kung bakit mukhang may galit pa rin sa kanya ang kanyang ex-girlfriend.

"Huwag na nating pag-usapan siguro kasi matagal na iyon. Gusto kong maging positive na lang. Huwag na nating balikan pa ang anumang negative na nangyari sa buhay natin.

"Ako naman, I consider what we had ni Melissa na maganda. Pinagmamalaki ko iyon. Unfortunately, may mga pangyayari na ’di natin mapipigilan. May mga nangyayari sa buhay natin na hindi natin gusto pero nangyayari, e.

"Since matagal na nga iyon, mas maganda if we both move on. Ako, personally, I want to be good friends with her. Ngayon kung hindi pa siya ready, okey lang. I know na someday, we can be friends and we can talk about this and just laugh about it," pagtatapos pa ni Jake Cuenca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN