PART 1. Matteo Guidicelli still with Maja Salvador; says brawl with Coco Martin made them "stronger"

"You know, there were lots of ups and down. A lot of people don’t like me to be with her. Pero alam mo, sinasabi ko sa kanya, ’You know, kung mahal mo ako, mahal kita, gagawan natin ng paraan,’" says Matteo Guidicelli about his relationship with girlfriend Maja Salvador.


Sa taped interview ni Matteo Guidicelli sa The Buzz kahapon, September 11, ay muli niyang hinarap ang ilang mga katanungan kaugnay nangyaring engkuwento sa pagitan nila ni Coco Martin sa Star Magic Ball noong madaling-araw ng September 4, Linggo. (CLICK HERE to read related story.)

Dito rin sa interview sa kanya ni Boy Abunda isiniwalat ni Matteo ang kanyang relasyon sa young actress na si Maja Salvador, na sinasabing dahilan ng naging away nila ni Coco.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Matteo sa noontime show na Happy Yipee Yehey! noong September 5. (CLICK HERE to read related story.)

Pero kahapon, matapang na hinarap ni Matteo ang mga katanungang naglalaro sa isipan ng karamihan.

Ipinaalala ni Boy kay Matteo ang naging interview niya kay Maja Salvador sa The Buzz noong nakaraang Linggo, September 4. Nang tanungin niya ang young actress kung may relasyon sila ni Matteo, sumagot si Maja ng: "Opo, pero pagkatapos ng nangyari, hindi ko na alam." (CLICK HERE to read related story.)

Kaya ang unang kinumusta ni Boy kay Matteo ay kung silang dalawa pa ba ni Maja pagkatapos ng nangyaring insidente last week.

"Opo, kami pa po, Tito Boy. We’re doing good.

"Palagay ko po, itong event na ito, what happened made us stronger," nakangiting sagot ng car racer turned actor.

Mahal ba niya si Maja?

"Siyempre po," mabilis niyang tugon.

Pero, gaano niya ito kamahal?

"Sobra-sobra po."

A LOVE STORY. Dahil last week lang nga umamin si Maja sa tunay na estado ng kanilang relasyon, tinanong ni Boy si Matteo kung paano sila nagsimula, nagkaligawan.

"Dati pa po, noong magsimula ako sa showbiz, she’s one of my showbiz crushes," pag-amin ni Matteo.

What does he like about Maja?

"I know nothing about her before. I just like her cute face. Ang galing-galing sumayaw.

"From what I saw on TV, she’s very, very nice and very humble. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Matteo kung saan sila unang nagkita ni Maja.

"You know the restaurant in The Fort, yung Ave? Me and my racing team, we always go there every Sunday, Saturdays... we always go there.

"And for some reason, it all started one Sunday. I saw her there and my racing team, ’Who’s that girl?’ ’Oh, that’s Maja, ganun-gano’n.’

"Next Sunday, when we went there again, nakita ko siya ulit. ’Bakit nandito na naman si Maja?’

"So, nasabi ko sa kaibigan ko, ’You know, next Sunday kapag nakita ko ulit si Maja, meant to be ’to.’ Parang joke lang.

"So, we have different seat that time. Pagpasok ko, wala si Maja, wala yung grupo nila.

"Sabi ko, wala... Tapos mamaya, somebody opened the door and that’s Maja...

"And her reaction, for 10 seconds, was like this, literally, Tito Boy. Ako rin, tumingin ng ganito... My friend said, ’What’s your problem?’

"And I didn’t know, with her friends, she said the same thing. ’When I see Matteo that night...’

"And I just found out later. She said the same thing with her friends."

Ang ibig sabihin ni Matteo ay pareho sila ni Maja ng sinabi na kung magkita ulit sila noong araw na yun ay "it’s a sign."

Normal na palitan lang daw ng "hi!" ang naganap sa kanila at that time, wala rin daw pag-uusap.

Ang direktor ni Matteo sa Agua Bendita na si Malu Sevilla ang napagsasabihan daw niya na crush nga niya si Maja; without knowing na Direk Malu is close to Maja.

Hanggang sa malaman niya ang susunod niyang project mula sa kanyang Star Magic handler.

"Tita Cris told me na, ’Matteo, you’ll gonna do this Inday sa Balitaw, Wansapanatym.’

"So, ako, ’Sige po, sino ang kasama ko?’ ’Si Maja Salvador.’ So, okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We have two shooting days and si Direk Erick Salud, he was our director.

"And I was so torpe, Tito Boy. I was nervous and shy.

"Tapos si Direk Erick, ’Malapit na ang Star Magic Ball [last year], date mo siya [Maja].’

"Ako naman, ’Direk Erick, baka mag-no ’yan sa akin.’

"Tapos, nagparinig na kami sa set. Tapos sabi ni Maja, ’Uy, four years na akong walang date, ba’t idi-date kita?’

"So, parang ako, hala, I’m not gonna ask her, she might say no.

"Three a.m., pack-up na ’ko. Pero hindi ako umalis. Trying to say bye, then greeted everyone.

"Tapos, pack-up na siya, and then pumunta siya sa kotse. Then, ako rin, sinusundan ko siya, pero parang I’m not following her. ’Bye, Ma, bye!’

"We’re BBM friends already then after a few hours, nakita ko sa BBM, I saw the sign.

"Parang, ’About me ba ’to?’ But I was thinking, baka about me ’to. Baka... ayun.

"Then, few days before Star Magic Ball... I was at the Ball earlier, we, like, had a prod and she was there, she has a room upstairs.

"So, I didn’t have a date the whole night. I don’t want to ask her. I’m shy or anything.

"I texted her, ’Maja, may date ka ba mamaya.’

"Sabi niya, ’Wala.’

"’Can you be my date?’ Sa text, ha.

"Then, sabi niya, ganoon ba, ganoon kapersonal. You won’t ask me personally?’

"So, ako, ’A, gusto mo ng personal, ha?’ So, ’Maja, anong number mo?’

"Akala niya, pupunta ako sa taas to ask her. I went to the banyo and I dialed her room number.

"I said, ’Nandiyan po si Maja? Then Ate Carla, our friend, said, ’Si Matteo’ and they all scream!

"’So, Maja, do you want to be my date later?’ And I heard the background, sumisigaw. Hala, hala!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos si Maja, ’We’ll see. Come here upstairs, we’ll see.’

"So, pumunta ako sa taas and we went to Star Magic Ball together.

"And after a few days, we’ve been texting and we go out, group date with a lot of people."

THE FIRST "I LOVE YOU." Kailan ang first "I love you" nila?

"We had our first date, sa set, sa kotse. Sa loob ng Starex ko.

"Tapos, bumili ako ng pagkain. Nag-date kami do’n.

"Sabi ko, ’Maja, ito ang first date natin. Alam mo na ilang weeks na tayong magkasama...’

"And I said, ’Maj, mahal kita.’"

At sinagot naman daw ito ni Maja ng, "Mahal din kita, Matteo."

Hindi na nga lang ni-reveal ni Matteo ang exact date na naging sila o kung kailan siya sinagot ni Maja.

Simula raw noon, naging okay naman ang relationship nila ni Maja.

"It was great, Tito Boy. You know, there were lots of ups and down. A lot of people don’t like me to be with her.

"Pero alam mo, sinasabi ko sa kanya, ’You know, kung mahal mo ako, mahal kita, gagawan natin ng paraan.’

"Marami kaming instances na nag-away kami."

Marami rin daw silang mga hindi pagkakapareho.

"Marami kaming opposite, Tito Boy. As in, marami.

"But it’s very nice. Naisip ko, parang she teaches me a lot and I teach her a lot, too."

To be continued...


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN