PART 2. Matteo Guidicelli says his brawl with Coco Martin was a "big, big, big misunderstanding"

"Sana hindi talaga nangyari yung nangyari. Sorry talaga sa text na naging misunderstanding. Pasensiya na talaga at sana, makapag-usap na tayo and, you know, sana, we just be friends again and start again from zero," says Matteo Guidicelli to Coco Martin.


Sa pagpapatuloy ng panayam ni Boy Abunda kay Matteo Guidicelli sa The Buzz kahapon, September 11, tinanong ang aktor kung wala ba silang naging "major, major fight" ng girlfriend niyang si Maja Salvador.

"Noong nag-teleserye na siya, yung with Coco [Martin]," pag-amin ni Matteo, na ang tinutukoy ang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin, kung saan naging magkapareha sina Maja at Coco.

Sabi pa niya, "Yun ang simula do’n, yun ang major, major fight namin.

"Yung tinext ko na siya. Tinext ko si Coco about sa mall show nila."

Ang "stolen kiss" ni Coco kay Maja ang tinutukoy rito ni Matteo.

"Parang nailang ako. Hala...then, second, then third.

"After the third, I texted him [Coco]."

Nagpaliwanag naman si Matteo kung bakit siya nag-text kay Coco.

"Alam mo, Tito Boy, this is my first showbiz relationship. And, hindi talaga ako sanay. I wasn’t used to what will gonna happen.

"I thought about him, my emotion took over. And naunahan ako sa emotion ko."

So, seloso siyang talaga?

"Opo," pag-amin naman ni Matteo.

What about Maja?

"Opo," sagot din niya.

STOLEN KISS. Muling tinanong at pinalinaw ni Boy kay Matteo ang nangyari sa mall show.

"Yung third mall show, tinext ako ni Maja, ’He [Coco] kissed me.’

"Nabigla ako. I didn’t tell her anything anymore.

"Pero para sa akin, I started getting emotional.

"Tinext ko siya [Coco] agad. I asked him, ’Bro, what’s your problem?’

"Tapos, sabi niya, ’Bakit ba, anong nangyayari?’

"And I was saying, ’Alam mo naman.’

"Sabi niya, ’Mag-usap na lang tayo.’ He offered to talk.

"And I told him, I’ll talk to him when it’s the right time. ’I’ll see you when I see you.’

"After that, nagalit si Maja sa akin. Sabi niya, ’I told you not to get jealous and everything.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, wala akong magawa, Tito Boy. Minahal ko si Maja at nagseselos talaga ako, e.

"She didn’t talk to me so, akala ko, ’eto na. Galit na talaga siya.

"She wasn’t talking to me for two days. For me it was a long day."

Ano ang ginawa niya para mapaamo si Maja?

"So, I have to think of something. Napanood n’yo ba ang Amnesia Girl? What John Lloyd [Cruz] did? Bumili ako ng post-it note.

"Wala rin akong pera that day, credit card P4,000 and P2,000 cash lang ang pera ko na nandoon sa wallet ko.

"So, pumunta ako do’n sa Dangwa. I filled my whole car with flowers sa loob.

"Then, I went to her house. Nasa ASAP siya and I called her mom, ’Tita, may gagawin lang po ako sa kuwarto ni Maj.’

"Tita trusted me with the key for the house. So, the whole... from 12 to 3, I was doing post-it in her banyo and in her walk-in-closet."

At sa post-it, nakasulat daw doon ang, "The reasons why I love her.

"And then, in her bed, I stuffed it with flowers."

Sa interview ni Matteo sa The Buzz ay ipinakita ang mga larawan na kuha sa kuwarto ni Maja.

Kuwento pa ni Matteo, "Then, I called her cousin. She doesn’t know about it. Maj doesn’t know about it.

"She’ll get mad about me for saying this. But I called her cousin and sabi ko, ’Please tell Maja to go to her house first, then sabay kayo.’

"I just parked at the end of the street and then, later on, 3:30 [p.m.] she arrived and after that, I heard her scream.

"Umakyat ako ng gate. I went inside and yun, she saw me, she was speechless.

"Kasi nga, Tito Boy, akala ko siya ang nag-scream. Hindi pala, ang cousin niya!" natatawang sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAR MAGIC BALL. Pagkatapos daw noon ay nagkabati na sila ni Maja. Hanggang sa nangyari nga ang insidente sa Star Magic Ball noon lamang nakaraang linggo.

"Everything was good. Everything was okay, and then, Star Magic Ball," sabi niya.

Although magkahiwalay silang dumating sa Ball, wala raw silang problemang dalawa at that time.

Ani Matteo, "It was amazing time. Lahat ng mga artista ng Star Magic gathered together in one spot."

Hindi naman daw isinayaw ni Coco si Maja that night, and they didn’t share the same table, at malayo raw sila sa isa’t isa.

Kuwento ni Matteo, "We’re having good time. Then, after around one, one-thirty [a.m.], there’s still Star Magic Ball.

"They moved spot at Salon de Ning, the bar in Peninsula. So, we went there.

"Maja was there, Kim [Chiu] was there.

"Maja was sitting down so I told her, ’Let’s go up na, let’s go up.’

"’Wait, we’ll wait for Kim.’ So, ako, okay, I’ll use the CR muna.

"So, I went out. I went to CR, I went to Kuya John [Estrada], Kuya Randy [Santiago]."

THE CONFRONTATION. Pagbalik daw ni Matteo sa lugar ni Maja, doon niya nakita si Coco.

"Pagbalik ko ng club, nakita ko si Coco na nasa harap ni Maja. Lumapit kay Maja.

"So, nilapitan ko po si Coco. Inakbayan ko po siya. I placed my arms around his shoulder.

"Sabi ko sa kanya, ’Bro, ba’t hindi mo ko pinapansin?’"

Bakit niya sinabi yun kay Coco?

"Kasi, the whole night, hindi po kami nag-hi," sagot ni Matteo.

Why didn’t he say hi to Coco?

"Wala, I just don’t think about it. I passed by him and he still not do anything. That’s my first effort.

"And I think, that was my mistake. Parang na-misunderstand, na-miscommunicate kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niyang kuwento, "So, I went up there. I placed my arm over his shoulder.

"Sabi ko, ’Bro, bakit hindi mo ko pinapansin?’

"Sabi niya sa akin, ’Kasi, bro, inaaway mo ako, e.’"

Klinaro ni Boy ang palitan nila ng salita ni Coco. May lambing o galit ba siya nang tanungin niya si Coco kung bakit hindi siya nito pinapansin?

Paliwanag ni Matteo, "That time, Tito Boy, wala akong galit sa kanya. I just want to clear things.

"Kim was there and even clapping because we are hugging.

"Maya-maya, sabi ko sa kanya, ’Bro, mag-usap na lang tayo sa labas,’ while hugging.

"Tapos, sabi niya, ’Okay, sa labas, tara, bro.’

"At that point, Tito Boy, I understood my miscommunication with him.

"I understood, when I think about it now, and I understand na baka he got the wrong message I’m sending. He got the wrong...."

Ano ba ang ginawa niya o sinabi that triggered Coco?

"Noong sinabi ko na, ’Bro, usap tayo sa labas.’ Baka he thought something else pa.

"So, yun, I was... inakbayan ko pa siya. Umikot kami.

"Pag-ikot namin, sinuntok niya ako sa mukha."

Bakit siya sinuntok ni Coco?

"I was trying to analyze things po, also rin, after two steps, parang may step do’n and my arms are around his shoulder.

"Baka ang feeling niya, bumigat ang braso ko in his shoulder. So, he felt threatened, he felt provoked."

Si Boy na ang nagsabi na baka raw ang feeling ni Coco, "nakakalalaki" si Matteo.

Sabi naman ni Matteo, "I was really caught off guard. Punching here. I fell back.

"When I fell back, everybody just came in the picture. They held Coco. They held me."

Aminado naman si Matteo na pareho silang nakainom ni Coco noong panahong yun.

Boy then asked, nasaan si Maja nang mangyari ang insidenteng yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maja was just sitting there in front of us. Nandoon lang siya nakaupo.

"She was very, very shocked. She didn’t know how to respond.

"Then, she stood up and she went to me right away. She took me upstairs."

On his part, what was on his mind that time?

"At that time, anger lang, anger," sagot ni Matteo.

"I was very, very mad and everything. Maja was mad at me also.

"Kasi, sabi niya sa akin dati, ’Don’t get mad at him. Don’t get jealous. Just understand.’

"But again, my emotion came again. It went to the head of me."

MESSAGE TO COCO. Nangyari ang mga nangyari. But looking back, ano ang mga gusto niyang sabihin lalung-lalo na kay Coco?

"Unang-una po, Tito Boy, I’d like to say something na, I learned something from there.

"It’s not always how I think about. It’s not always how the other person thinks about it."

Hindi pa raw sila nakakapag-usap, pero ano ang gusto niyang sabihin kay Coco?

"Co, pasensiya na talaga sa nangyari. It was a big, big, big misunderstanding.

"Sana hindi talaga nangyari yung nangyari. Sorry talaga sa text na naging misunderstanding.

"Pasensiya na talaga at sana, makapag-usap na tayo and, you know, sana, we just be friends again and start again from zero.

"Kasi, I always tell myself, Tito Boy, nandito ako sa industriyang ito to make people happy. To make people smile. Not to create problem."

After what happened, ano sa tingin ni Matteo ang maling nagawa niya that night?

"I guess, in-approach ko si Coco the wrong way, and from that approach, it caused everything else, di ba?

"And I guess, I was just being jealous again."

Ano ang paniniwala niya ngayon kina Maja at Coco, at sa tambalan nila?

"I’ve learned a lot. And I will be happy if they’ll work together again because there’s a lot of people who love their loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m also a fan of Minsan Lang Kitang Iibigin."

Nandoon ba ang pangakong hindi na siya magseselos?

"O... opo!" natatawang sagot ni Matteo.

Naniniwala rin si Matteo na walang relasyon sina Maja at Coco, at "purely professional" ang kanilang samahan.

Ano naman ang gustong sabihin ni Matteo sa kanyang mga magulang na biglang nasangkot sa gulong ito?

"First of all, Ma, Pa, my lolo, I’m very sorry for everything that happened.

"You know me. You don’t even raised me to be like this.

"But I promise, I learned from this mistake, and I think it has made me a better person.

"It made me learn how to control my emotion first.

"I’ll show you that I’m a better person now and I’ve learned a lot from it and no more fighting."

DEFENDING MAJA. Ipinagtanggol din ni Matteo si Maja sa mga akusasyon na kesyo "two-timer" daw ito dahil sa insidenteng nangyari sa pagitan nina Matteo at Coco.

Aniya, "Unang-una po, hindi po talaga totoo.

"There was never a love triangle.

"Maja is a very, very professional person."

Mas mahal ba niya ngayon si Maja?

"Yes, Tito Boy," mabilis na sagot ni Matteo.

Humingi rin ng paumanhin si Matteo sa kanyang fans.

"Sorry po sa gulo. It was a very big misunderstanding at aayusin po naming lahat ’yan.

"I’ll assure you, everything will be okay."

Sa huli, ano naman ang gusto niyang sabihin sa sarili niya?

"Matteo, i-control mo ang sarili mo."

And for Maja?

"Maja, maraming-maraming salamat sa lahat.

"I know she really wants the best for me.

"Nandito ako para sa ’yo. Suportahan ko kung ano ang gagawin mo.

"Mahal kita," pahayag ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN