Hiro Magalona explains why his father wanted him to use the Magalona surname instead of another

Hiro Magalona on why his father wanted him to use Magalona instead of Peralta as surname: "One big reason po kung bakit ayaw ipagamit sa akin ni Dad ang family name namin is because of what happened sa elder brother ko. Male model po siya and he died two years ago. He was only 18 years old. Hindi maganda ang nangyari sa kanya kaya gusto ng dad ko na iwasan namin ang anumang may kinalaman sa entertainment business."


Masayang-masaya ang isa sa mga tween stars na si Hiro Magalona dahil sa panibagong season ng Reel Love Presents Tween Hearts.

Nagsimula na nga nitong Sunday (September 11) ang bagong season ng Tween Hearts, at nataon pang first anniversary rin ito ng naturang teen-oriented show ng GMA-7.

Pumasok si Hiro sa Tween Hearts noong summer special nito at hindi nga raw niya inakala na magtatagal ang character niyang si Ian sa show.

"Happy po ako, kasi nga nabigyan ako ng chance na makasama sa top-rating show na ito.

"Akala ko po noong una, guest lang ako for a few episodes. Pero, tumagal ang character ko.

"Hanggang sa nag-one year anniversary na ang Tween Hearts, kasama ako.

"Kaya thank you po sa GMA-7. Kasi nga, nabigyan ako ng chance to be part of this show na laging inaabangan ng marami every Sunday afternoon," pahayag ni Hiro nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shoot ng bagong music video nila for the show.

NEW MTV, NEW LOVETEAM. May bagong ka-loveteam si Hiro sa Tween Hearts. Siya ay si Kim Komatsu.

Noong una kasi, si Joyce Ching ang kanyang ka-partner hanggang sa mabuo ang love triangle nila with Kristoffer Martin.

"Magkakaroon nga po ng iba’t ibang kuwento na ang mga character namin," paliwanag ni Hiro.

"May mga mag-iiba ng partners at may mga bagong love triangles.

"Tapos na po ako sa love triangle kasi, e. Kaya may partner na ako.

"Si Kim na dating naka-love triangle nila Barbie Forteza at Joshua Dionsio.

"Hindi ko pa sure kung permanent ang team-up namin ni Kim kasi baka may ibang plot pa silang maisip.

"But we are all having fun sa Tween Hearts. We just finished shooting the new music video sa opening ng Tween Hearts.

"Kasi nga po, marami na kami at nag-first anniversary na nga ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya abangan nila parati sa opening ng Tween Hearts itong ginawa naming lahat," ngiti pa ni Hiro.

MANY BLESSINGS. Happy nga si Hiro sa tinatakbo ng kanyang career sa showbiz. After nanalo siya sa isang modelling contest, nagkasunud-sunod na ang projects niya.

Kasama rin siya sa top-rating fantasy-drama series na Iglot kung saan partner naman niya si Lexi Fernandez.

Nasa Walang Tulugan With The Master Showman ni German "Kuya Germs" Moreno pa rin si Hiro kung saan una siyang lumabas.

FATHER’S REQUEST. Ayon kay Hiro, hindi raw naging madali ang pagpasok niya sa showbiz dahil hindi pabor ang kanyang ama sa pangarap niyang maging artista.

Pero dahil nakikita ng ama na masaya siya sa showbiz, pinayagan na rin siya sa kalaunan. Pakiusap lang ng kanyang ama na huwag lang niyang gagamitin ang tunay niyang family name na Peralta.

Ang tunay kasing pangalan ni Hiro ay Hiro Jhenel Magalona Peralta. Ang ina niya ang siyang pinsang buo ng yumaong si Francis Magalona.

Ayon kay Hiro, "One big reason po kung bakit ayaw ipagamit sa akin ni Dad ang family name namin is because of what happened sa elder brother ko.

"Male model po siya and he died two years ago. He was only 18 years old.

"Hindi maganda ang nangyari sa kanya kaya gusto ng dad ko na iwasan namin ang anumang may kinalaman sa entertainment business.

"Pero dahil sa nakita naman ni Daddy na gusto ko ang showbiz, at hindi ko naman napapabayaan ang studies ko, pinayagan niya po ako.

"Yun nga lang, huwag ko lang daw po gamitin ang Peralta. Magalona na lang daw ang gamitin ko."

THE REASON. Napag-alaman ng PEP na ang kuya pala ni Hiro ang nabalitang teen model na si Benjie Peralta na natagpuang patay sa tapat ng isang condominium sa Quezon City noong 2009.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ay itinulak daw ito mula sa 18th floor ng naturang condo building. Ni-rule out na ng imbestigador na hindi isang suicide attempt ang nangyari kundi foul play raw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang taon na ang nakalipas at hindi pa rin nalalaman ng pamilya ni Hiro kung sino ang nagtulak sa kapatid kaya ito namatay.

"Pinagdarasal na lang namin parati kung sino ang taong iyon," sabi ng teen actor.

"Kung hindi po nawala si Kuya, siguro sikat na male model na siya ngayon.

"Siguro nga, sa pagpasok ko sa showbiz, paraan ito na ipagpatuloy ko yung sinimulan niyang pangarap.

"Hindi nga lang ako nag-concentrate sa pagiging model kundi naging artista pa ako.

"Kaya sa nare-receive kong blessings sa trabaho ko, I always think about my kuya.

"Alam ko na nandiyan lang siya and he’s happy na nasa showbiz na rin ako."

ALWAYS TAKE CARE. Lagi ngang pinapaalalahanan si Hiro ng kanyang mga magulang na mag-ingat at huwag basta sumama, o makipagkaibigan sa mga taong hindi niya kilala.

"Alam ko po na natatakot sila na baka kung ano ang mangyari sa akin.

"Pero, I always assure them na I will be okay. May nagbabantay naman sa amin kapag tapings.

"And I always call them up kapag tapos na ang trabaho ko, or kung may pupuntahan ako.

"I cannot blame my parents kung masyado silang protective sa akin.

"Gusto lang nilang safe ako at hindi na maulit yung nangyaring tragedy sa family namin.

"Ako naman po, I always pray na maging safe ako at walang maging problema sa anumang trabaho na gawin ko," pagtatapos ni Hiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN