Rhian Ramos happy that Marian Rivera trusts her to be Dingdong Dantes’s leading lady again

"Happy ako to have that kind of trust. And gusto ko ring malaman niya [Marian], na ngayon na nandito sa akin yung trust niya, hindi ko ia-abuse iyon or anything," said Rhian Ramos when she learned it was okay with Marian Rivera that she be paired anew with her boyfriend.


Kahapon, Sunday, September 11, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview si Rhian Ramos matapos ang kanyang appearance sa Party Pilipinas ng GMA-7.

Unang napag-usapan ang tungkol sa hosting job niya for In The Limelight showbiz talk show sa GMA News TV 11 at pagiging isa sa co-host ni Manny Pacquiao sa Manny Many Prizes.

May balita kasing baka mapilitan siyang i-give up ang isa sa mga ito dahil sa gagawin niyang bagong soap with Dingdong Dantes.

"Wala pa rin akong confirmation kung ano ang mangyayari sa schedule ko," aniya.

"But they’re trying naman na iayos lahat," referring sa mga taong namamalakad sa kanyang career

"Kasi, sayang naman din. Kahit naman ako, ayoko na may mawala sa akin na show."

WHICH TO GIVE UP? Pero kung talagang kakailanganin na bitawan niya ang isa sa dalawang nabanggit na programa, alin ang pakakawalan niya at alin ang gugustuhin niyang i-retain?

"I’m not sure. Kasi, pareho siyang may perks.

"Yung maganda sa Limelight, iyon lang yung show ko na nasa GMA News TV.

"Parang nasa ibang light talaga ako. Yun ang puwede kong sabihing show na... sa news ako. Gano’n.

"So, ayoko namang mabawas iyon sa resumé ko or something!" medyo natawa niyang sabi."

Paliwanag pa ni Rhian, "Kasi parang feeling ko, magandang thing [credential] yun to have under my belt.

"Na, I do news. I can host, and then, umaarte at kumakanta. Yung gano’n.

"As for Manny Many Prizes, maganda kasi yung live na interaction sa audience. You have to think on your toes talaga.

"Natututo akong mag-adlib. At saka parang marami akong nata-touch na lives.

"Kahit hindi naman ako mismo yung nagbibigay ng pera. Feeling ko, marami pa rin akong nata-touch na lives kasi tumutulong ako sa pagbigay ng prizes.

"So, ayun. Parehong sad kung hindi ako makakapili kung ano ang mas gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gano’n talaga kapag nagkakaroon ng soap. Kasi yung pati yung schooling ko ngayon, medyo nati-threaten din.

"Because nasasagasaan din yung araw na puwede akong mag-school.

"I’m [taking up] a fashion course right now. So, hindi ko alam kung maitutuloy ko pa siya.

"Tanggap ko naman na talagang kapag nagkaroon ka ng isang soap, lalo na kapag primetime, yun talaga ang nagiging buhay mo for the three months na umeere siya.

"Iyon talaga ang buong buhay mo. Iyon ang priority mo. Na kailangan mo talagang gumawa ng sacrifice."

OKAY WITH MARIAN RIVERA. Nag-workshop na ba sila ni Dingdong para sa bagong soap na muling pagtatambalan nila?

"Nag-workshop na kami as a group. Pero sa pagkakaalam ko, may isi-set din na workshop na kaming dalawa lang," sabi niya.

Nagpahayag si Marian kamakailan na okey naman sa kanya ang muling team-up nina Rhian at Dingdong. Wala naman daw problema sa aktres kahit sino ang makapareha ng boyfriend niya.

Hindi raw alam ni Marian kung bakit nagkakaroon pa rin ng mga isyu na nagsiselos siya. May lumalabas pa rin daw na kung anu-anong intriga gayong wala naman daw talagang problema on her part. (CLICK HERE to read related story.)

"I’m grateful for that," reaksiyon ni Rhian.

"Happy ako to have that kind of trust.

"And gusto ko ring malaman niya [Marian], na ngayon na nandito sa akin yung trust niya, hindi ko ia-abuse iyon or anything.

"So, ayun. Masaya rin ako, kasi after ng Stairway To Heaven [unang pinagtambalan nila ni Dingdong], maraming fans na nagtu-tweet sa akin.

"Na parang... gusto nilang magkaroon ng isa pang gano’ng klaseng show.

"Na heavy drama. Tapos kami ulit ni Dingdong.

"Ngayon, happy ako na may soap ulit kami. At okey ang lahat."

STRONGER NOW. Pero siguradong iintrigahin pa rin ang muling pagtatambal nila ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, hindi ko alam kung ano pa ang maitatapon nila my way na hindi pa nila nagagawa.

"So, parang... hindi na ako katulad ng dati. Na parang yung kinakagat ko na lang ang mga kuko ko everytime na nakakarinig ako, ’Oh, my gosh, may intriga!’ Hindi na ako gano’n, e.

"Parang every time na nakakarinig na ako ng intriga na hindi totoo, parang natatawa na rin lang ako."

Strong na siya talaga? She can finally say na tough na siya pagdating sa intriga, o kahit sa anumang problema?

"Oo. Oo. At saka lagi kasing lumalabas ang totoo, e. So okey lang."

Malaking bagay ba yung hindi birong issue at kontrobersiya na pinagdaanan din niya dulot ng maintrigang hiwalayan nila ni Mo Twister?

"A, I think, hindi ko mapi-pinpoint kung ano mismo yung nagpapalakas sa akin.

"Kasi, siguro isa na roon yung five years na rin akong nasa industry. So, sanay na sanay na ako.

"So, I think, every time na may naririnig ako, uhm... ayun.

"It makes me stronger. Hindi na ako natatakot!" nangiting sabi pa ni Rhian.

May reaksiyon ba siya sa madalas na nasasabi ni Mo, na kapag natatanong ang TV host about her, ayaw raw mag-move on ni Mo?

Maghihintay lang daw siya ng ikalawang chance para muli siyang ligawan at magbakasakali to win her back.

Paulit-ulit nga rin ang mensahe ng paghingi ng sorry ni Mo sa kanya since wala na nga silang communication ngayon.

"Uhmm... siyempre naa-appreciate ko yung apology," sabi ni Rhian.

"At saka, ah... wala. Actually, forgiven na rin naman [si Mo].

"At parang sa time na yun, parang feeling ko... Okay, half a year ago na siguro yun or more.

"So, ayun, bina-value ko talaga ang mga sorry. Once na nakakarinig ako ng sorry, parang okey na."

Sa ngayon, ano ang gusto naman niyang iparating kay Mo? Gusto ba niyang sabihing, "Mag-move on ka na kasi wala na talagang pag-asang magkabalikan tayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O, maghintay lang si Mo at baka nga puwede maging sila pa rin sa bandang ending?

Natawa si Rhian bago nakapagbigay ng kasagutan.

"I think hindi yun up to me. It’s up to him."

Pero hindi raw nga magmu-move on si Mo. Patuloy raw itong maghihintay ng pagkakataon na muling maligawan siya kung saka-sakali.

Natawa ulit ang young actress.

"Sabeee?! O, e, well, I can’t say naman na talagang I have a problem with that.

"Kasi di ba, buhay naman niya yun... ng ibang tao?

"So, ako rin, mararamdaman ko kung ano yung gusto kong maramdaman, di ba?

"So, hindi ko puwedeng sabihin sa ibang tao kung ano ba yung dapat niyang maramdaman.

"So, okey lang din. At saka... ayun, parang feeling ko, it’s all in the past. So, okey na ako ngayon.

"Hindi ako yung isang tao na naghu-hold talaga ng grudge."

Bakit zero pa rin ang lovelife niya ngayon? She is not dating anyone, at hindi rin nag-e-entertain ni isang suitor man lang?

"Uhm, hindi ko alam. Kasi siguro ano, e... alam mo din yung tao kapag open, o hindi open [magpaligaw]?

"So, parang siguro nakikita rin nila sa akin na hindi rin ako willing!

"Hindi rin ako willing ngayon, na parang nag-focus na talaga ako one hundred percent sa work.

"And, uhm... wala. Parang do’n ko na lang talaga ibinigay ang lahat ng oras ko. Yung buhay ko nando’n na."

Hanggang kailan ’yong pagpu-focus lang muna niya sa work?

"I can’t say, e. Hindi ko alam kung kailan ako magiging ready. Until ready na ako," pagtatapos ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN