PEP EXCLUSIVE: Daiana Menezes reacts to Sam YG’s statements about her engagement to GB Sampedro

"Yes, GB proposed, but I’m not getting married anytime soon. I’m still too young and it’ll take time pa for me to get to know the person I’ll spend the rest of my life with. Happy that the proposal was done by a Pinoy guy, aside from in love with the country, friends, work, Eat Bulaga!, I now have one more reason to want to stay longer here," Daiana Menezes said in a sta


Hindi nagustuhan ni Daiana Menezes ang mga binanggit ng dating na-link sa kanya noon na si Sam YG sa panayam dito na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan. (CLICK HERE to read related story).

Ani Daiana, hindi maganda para sa kanya ang sinabi ni Sam na hindi naging sila.

Hindi nagustuhan ni Daiana ang sinabi ni Sam na, "Yung sa amin ni Daiana... actually, hindi naman talaga siya naging official. But we were hanging out. We were dating. We both knew na talagang hanggang doon lang kami. Alam naman naming pareho yun."

Hindi rin nagustuhan ng Brazilian model turned TV personality ang tila pagpapahiwatig ni Sam na ikakasal na nga si Daiana.

TAKING HER TIME BEFORE MARRIAGE. Sa statement na ipinadala ni Daiana sa PEP via BlackBerry Messenger, totoong nag-propose na sa kanya ang kasalukuyang boyfriend na si Director GB Sampedro, pero wala pa raw kasalan na magaganap.

"Yes, GB proposed, but I’m not getting married anytime soon.

"I’m still too young and it’ll take time pa for me to get to know the person I’ll spend the rest of my life with. Happy that the proposal was done by a Pinoy guy, aside from in love with the country, friends, work, Eat Bulaga, I now have one more reason to want to stay longer here."

Sabi pa ni Daiana, conservative ang kanyang ama at kailangan pa raw na mamanhikan muna si GB bago tuluyan silang ikasal.

Isa raw sa mga rason kung bakit niya nagustuhan ang kulturang Pinoy ay dahil may pagkakahawig ang kultura dito sa mga Katolikong pamilya sa Brazil.

Meron ding kaugalian ng pamamanhikan sa Brazil.

"So, the same way... We’ll go thru the process, believe it or not, I won’t be marrying anyone in my life w/o my father’s consent. And yes, as per GB, he’s willing naman to go and meet my fam in Brazil and I don’t see anything wrong with it.. I’d rather take time with a solid relationship first, commit rather than have ’living in partner’ or ’pregnancy’ situation.."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT A ’HOMEBODY’. Hindi rin ikinatuwa ng Brazilian ang makahulugang pagsagot ni Sam nang tanungin ang tungkol sa pagiging "homebody" ni Daiana ngayon.

Sabi kasi ni Sam, noong nagde-date pa raw sila ni Daiana ay madalas silang lumabas. Maaari ngang ngayon daw ay may "lifestyle change" nang nangyari kay Daiana dahil kay GB.

Sabi naman ni Daiana sa kanyang statement, gusto rin daw niyang lumabas paminsan-minsan, pero dahil sa dami nga ng kanyang ginagawa na work-related ay hindi na siya makagimik.

Sa dami nga raw ng ginagawa niya ay kinailangan pa niyang bitawan ang trabaho niya bilang DJ sa TV-radio show niya na Todong-Todo, Bigay na Bigay sa 92.3 FM TV5 news channel.

Nakokompromiso na raw kasi ang kalusugan niya dahil sa slot niyang 12 a.m. to 4 a.m.

"So I would sleep around 5 am every day, wake up at 9 am and get ready for Eat Bulaga!

"After doing TV Radio for a while, di na kinaya ng katawan ko ang timeslot. But I love the radio show and the experience."

Balik sa "homebody" issue sa kanila ni Sam, heto ang statement ni Daiana:

"Well, as per my work, even if I feel like going out once in a while, I totally can’t, but I don’t feel sorry for it because I’ve had my freedom after travelling for 7 years and living in 6 countries parang walang gana lumabas, I’ve been performing in provinces at nyt, taping til late night and having shows at Zirkoh and Klownz.."

Sa katunayan nga raw, gusto pa niyang mag-improve sa dancing, singing at hosting. Masayang-masaya rin daw siya sa comedy breaks na ibinibigay sa kanya ng TV5.

Ilan sa mga shows na ibinigay ng Singko kay Daiana ay ang Ogags, My Darling Aswang, Iskul Bukol, at Lokomoko.

Ibinalita rin ni Daiana na mag-aapat na taon na siya sa Eat Bulaga! sa darating na Nobyembre, at utang niya raw lahat ng natutunan niya sa showbiz sa TAPE, Inc big bosses na sina Malou Choa-Fagar at Tony Tuviera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For a foreigner I guess I’m lucky to be part of the longest running show and work with the biggest artists in this country," sabi pa ni Daiana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN