Luis Manzano explains absence at Star Magic Ball; denies major fight with Jennylyn Mercado

"We are very much open sa kung anuman ang namamagitan sa amin. Bakit ako aamin kung hindi naman talaga kami? I don’t see the point that I have to answer just to satisfy a bunch of people. I would like to think dahil ayoko namang nag-a-assume that we are an inspiration to each other," says Luis Manzano about his relationship with Jennylyn Mercado.


Nilinaw ni Luis Manzano ang isyung nagkaroon diumano sila ng matinding away ni Jennylyn Mercado kung kaya’t pareho silang hindi nakadalo sa Star Magic Ball last week.

Sa panayam ni Luis sa The Buzz, sinabi nitong, "Hindi talaga ako nakapunta.

"I was supposed to go with Jen. Naayos na po namin ang plano.

"Siguro a week before, imbitado po kami ni Jen. Pero, hindi po kami tumuloy.

"May mga nagsabi na nag-away kami. Hindi, magkasama pa rin kami noong gabing yun.

"Nagkataon lang that we had things to do. Pero, hindi po kami nag-away."

Ayon pa kay Luis, ang totoo raw ay paganda nang paganda ang anumang samahan o relasyon na meron sila ng Kapuso actress.

"Everything is falling into place," sambit niya.

"Sinabi ko naman na, lampas-lampas naman at milya-milya naman ang formality sa MU [mutual understanding].

"Pero wala pa yung formality na she’s my girlfriend, or I am her boyfriend, e, wala pa naman.

"We are very much open sa kung anuman ang namamagitan sa amin.

"Bakit ako aamin kung hindi naman talaga kami? I don’t see the point that I have to answer just to satisfy a bunch of people.

"I would like to think dahil ayoko namang nag-a-assume that we are an inspiration to each other."

FUTURE MAYOR? Samantala, sa mga susunod na taon, posible raw na tulad ng kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos, ay pasukin na rin ni Luis ang pulitika.

In fact, sa isang event daw, pabiro na itong ipinakilala as "the next mayor of Lipa City."

Sabi naman ni Luis, "Well, last election, may nag-imbita na sa akin for that position.

"Sa akin naman is, when the time is right.

"Hindi ko binase sa ginagawa ng pamilya ko.

"It may serve as an inspiration but not necessarily as a pattern para sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, nakita ko kung paano napakalaking tulong na nagawa ng buong pamilya ko—kay dad [Edu Manzano] noong Vice Mayor pa siya [ng Makati], kay Tito Ralph [Recto], and kay Mommy—sa tao.

"I guess, lahat tayo, may responsibilidad and siguro, that’s one proper venue. Kung paano ka puwedeng tumulong and to give back.

"Hindi ko pa isinasara ang pinto ko and never kong isasara ang pinto ko sa pulitika."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN