Carla Abellana admits boyfriend Geoff Eigenmann will be "uncomfortable" watching her daring scenes in My Neighbor’s Wife

My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg">

My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg">

"Kahit minsan, ang nakakagulat pa, yung mga hindi natin akalain, di ba? Nagkakamali rin. Na napaka-sensitive na issue, na I’m sure wala namang may gusto na maka-experience ng gano’n. Pero, hindi ko naman pinag-iisipan si Geoff na baka gano’n siya. No naman. Importante sa isang relasyon ang trust. Kung wala niyan, wala," says Carla Abellana when asked her opinion on betrayal.


Sa red-carpet premiere ng pelikulang My Neighbor’s Wife noong September 11, halos lahat ng nanood ay nagulat na napapayag nga si Carla Abellana na gawin ang mga passionate kissing scenes at love scenes niya with both Jake Cuenca and Dennis Trillo.

Talagang hindi siya nagpatalbog kay Lovi Poe na walang kiyeme rin ang mga ginawang sexy scenes.

Tanong nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres na unang nakilala sa kanyang sweet at wholesome image, gaano katagal niya kinundisyon ang sarili para sa mga gano’ng mga eksena sa pelikula?

"Sobrang mabilis lang," aniya. "Less than a month lang yung preparation namin para sa pelikulang ’to.

"Mabuti na lang nakapag-workshop kami. Nakapag-story conference kami.

"Tapos binasa ko nang maige yung script nang paulit-ulit.

"So, very short time talaga yung preparation ko for the role.

"Sobrang hirap din ng preparation for this. Naintindihan din naman kaagad ng family ko na yung role na gagawin ko ay medyo mature at daring.

"But really, itinuloy ko itong pelikulang ito kasi it’s more than that. Na sexy at mature ang role ko.

"Mas marami pa silang makikita sa pelikula, e. Napakaganda ng lesson ng istorya.

"And it’s an opportunity na rin for me to... show my acting ability," saad niya.

CONFIDENT WITH GEOFF. About infidelity ang tema ng pelikula. Nagkakaroon ba siya ng takot na baka ang boyfriend niyang si Geoff Eigenman ay maging unfaithful din?

"Siyempre naman, kahit sinong tao, may takot once you get into a relationship. Lalo na siguro sa maaga mag-aasawa.

"Ang infidelity kasi, talagang nangyayari ’yan sa paligid natin, e.

"Kahit minsan, ang nakakagulat pa, yung mga hindi natin akalain, di ba? Nagkakamali rin.

"Na napaka-sensitive na issue, na I’m sure wala namang may gusto na maka-experience ng gano’n.

"Pero, hindi ko naman pinag-iisipan si Geoff na baka gano’n siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No naman. Importante sa isang relasyon ang trust. Kung wala niyan, wala.

"Talagang magka-crumble ang relationship ninyo.

"Kasi isa ang trust sa basic foundation ng relationship. Kailangan may trust sa isa’t isa."

FROM EXPERIENCE? Nakaranas na ba siya na yung karelasyon niya ay naging unfaithful? O, siya mismo ang hindi naging tapat sa partner niya?

"Huwag namang ako ang maging unfaithful!" natawa si Carla.

"Ayokong mangyari iyon. Gagawin ko ang lahat para maiwasan yun.

"Naranasan ko nang may naging unfaithful sa akin.

"Kasi being unfaithful, hindi naman lang ibig sabihin na... may ibang babae yung guy, di ba? Puwedeng unfaithful in many ways.

"But not naman infidelity. Basta may mga mistakes na gano’n. Unfaitfhulness.

"Pero wala na yun. Sobrang tagal na no’n. Past na yun. At hindi na mangyayari ulit yun."

Yung ex-boyfriend ba niya bago si Geoff ang tinutukoy niya?

"Hindi na. Huwag na nating sabihin kung sino yun. Huwag na," iwas ni Carla.

OTHER GOODLOOKING MEN. Kapag magkasama ba sila ni Geoff, may times na tumitingin din siya sa ibang lalake lalo kung talagang cute, o guwapo nga?

"Parang hindi pa nangyayari," sambit niya.

"Wala pa naman akong nakikita kapag magkasama kami na talagang natigilan ako, o tinitigan ko yung tao, or anything.

"May mga crushes ako na celebrities. Pero honestly, dito sa local show business, wala.

"International, sa Hollywood, marami akong crushes. And madalas kinikilig-kilig ako kapag nakikita ko sila.

"Pero dito naman sa atin, wala naman. Kay Geoff lang ako kinilig!" tawa pa niya.

Nasa U.S. si Geoff ngayon kaya wala ang aktor sa premire night ng My Neighbor’s Wife.

Ayon kay Carla, "May pinuntahan siya roon na family affair. Na sumakto naman sa premire night na wala siya rito. Pero walang problema iyon."

Ang tinutukoy ni Carla na "family affair" ay ang pagpapakasal ng ama ni Geoff na si Michael de Mesa sa non-showbiz girlfriend nitong si Julie Reyes sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Babalik naman siya in a week. So, ang dami pang time na mapanood niya ang pelikula.

"Kapag napanood na niya ang pelikula, magugulat yun. Definitely magugulat siya.

"I’m sure magiging uncomfortable siya nang konti. Pero at the same time, I’m sure matutuwa din siya for me. Sobrang magiging proud siya.

"Kasi, ito na ang sinasabi niyang challenge, e. Na gawin ko raw. Na i-take ko raw yung challenge.

"Ar least, kapag nagawa ko yung pelikula, alam niya na nagawa ko yung challenge."

SHE’S NOW A SEX SYMBOL? Paano kung after the showing of the movie ay maging sex symbol na ang dating niya sa mga kalalakihan?

Ngayon pa lang nga ay desirable na at kapanta-pantasya ang dating ni Carla sa paningin ng maraming guys.

"Ay! E, di okay! Sa kanila na lang yun!" tawa niya ulit.

"Any appreciation for doing the film, kung anuman ang mapanood nila sa pelikula, sobrang magiging thankful ako for that.

"Kung may mapansin man sila, o matuwa man sila."

Maraming kalalakihan ang nagwi-wish na ituluy-tuloy na raw sana ni Carla ang pagpapa-sexy niya. Panininindigan na nga ba niya ang pagiging daring onscreen?

"Hindi naman. I’m sure magiging mas maaalaga pa kami ngayon. Parang all the more na magiging careful kami.

"So, I’m sure hindi naman ito sunud-sunod na lahat na lang ng magiging pelikula ko, o roles ko, e, ganito na ang tema. Hindi naman.

"Pili pa rin ’yan siyempre. And hindi naman ako puwedeng ma-stuck lang sa ganito. Di ba?

"Ang ganda na you work on different genres. Tapos, iba-ibang stories. Iba-ibang level of maturity."

GOODBYE GMA-7? Bakit nga pala may tsismis na parang lilipat na rin yata siya sa ABS-CBN?

"Hindi ako lilipat. Well, mag-i-expire na po ang aking kontrata sa GMA[-7].

"Last soap ko na po yung ngayon na Kung Aagawin Mo Ang Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala naman akong balak lumipat. Depende kung hindi ako ire-renew ng GMA, di ba?

"Pero siyempre, may loyalty and my faithfulness belongs to GMA.

"Mahal ko ang GMA as my home network. And I’m so thankful sa lahat ng opportunities na naibigay nila sa akin.

"So, wala naman. Wala namang offer or anything.

"Ang alam ko lang, my contract is expiring. And siyempre nasa GMA na yun if they want to renew it.

"Kung ire-renew pa nila ako, I’m sure naman tuluy-tuloy lang ang soap opera.

"Sana mabigyan pa [ako] ng chance to work with other leading men. And sana, more movies."

Sinu-sino bang leading men ang gusto niyang makatrabaho?

"Sa Kapuso? I’ve worked with Geoff, now I’m working with Mike Tan.

"Hindi ko pa nakakatrabaho si Dennis [Trillo] sa isang full soap talaga.

"Sino pa ba? Mark Anthony Fernandez... Dingdong Dantes."

HAPPY FOR ANDI. Ano naman ang reaksiyon ni Carla tungkol sa pinsan ni Geoff na si Andi Eigenman, na hanggang ngayon ay nakasalang pa rin sa kung anu-anong intriga mula nang umaming buntis ito?

"I saw nga Andi on TV. Sabi ko nakapaganda niya.

"Tinext ko nga si Geoff na, ’Andi is on TV being interviewed. She really looks good,’ sabi ko.

"So I’m happy for her. It just goes to show that she’s happy, di ba? Especially with the decision to keep her baby.

"Lumalabas yun. Nasa aura niya yun. Na nagbu-bloom siya.

"Yung issue naman with Albie [Casiño na sinasabing tatay raw ng ipinagbubuntis ni Andi], I honestly don’t know anything about that.

"Never ko namang na-meet si Albie. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pinaguusapan ng family ni Andi regarding that.

"Pero... di ba? Basta masaya si Andi, okey na yun. And maraming mag-aalaga sa baby niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The whole Eigenmann clan is behind her. Sinabi na nila ’yan. So okay yun. Good."

MRS. GEOFF EIGENMANN? Kailan naman niya planong mag-asawa?

"Eee.. hindi ko alam! Matagal pa. Not anytime soon.

"Siguro konting trabaho pa. Konting ipon pa. Tapos, we’ll see kung kailan ako magiging ready.

"Hindi rin naman ready pa si Geoff, I’m sure. Marami pa kaming dapat na ma-experience at matutunan.

"And it takes time talaga. Hindi puwedeng madaliin yung ganyan.

"So, hindi naman kami nagmamadali. Hindi pa namin napaguusapan ang tungkol diyan. Hindi pa kami ready."

My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg">


My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg"> My Neighbor’s Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/31048/carla-abellana-admits-boyfriend-geoff-eigenmann-will-be-uncomfortable-watching-her-daring-scenes-in-" data-desc="Carla wishes to work with Dingdong Dantes in the future." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5a8b35ce.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN