Jake Cuenca apologizes anew to ex-girlfriend Melissa Ricks; hopes they can be friends again

"Sorry, I wish I was a better boyfriend. Sana one day, pag sapat na ang mga experiences ko sa mga bagay-bagay, balang-araw magiging mabuting boyfriend ako. Bata pa naman kami, we have so much to learn, we’re not perfect," says Jake Cuenca about his failed relationship with Melissa Ricks.


Pagkatapos mauwi sa hiwalayan ang dalawang taong relasyon nina Jake Cuenca at Melissa Ricks, tila masakit pa rin sa young actress ang nangyari at hindi pa ito nakaka-move on sa breakup nila ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)

Sa past interviews ni Melissa, sinabi nitong hindi pa siya handang makasama sa trabaho ang ex-boyfriend.

Nakapagsalita rin si Melissa na "respeto" lang ang hinihingi niya mula kay Jake, na akala tuloy ng iba na ang pinatutungkulan nito ay ang pagsasama ni Jake kay Lovi Poe sa nakaraang Star Magic Ball.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake last Sunday, September 11, sa ASAP Rocks, naging emosyunal ang aktor kasabay ng paulit-ulit nitong paghingi ng tawad kung nasaktan man daw niya si Melissa.

Hiniling rin ng aktor na sana raw isang araw ay maging magkaibigan silang muli ng dating kasintahan.

Sabi ni Jake, "For all the heartaches, for all the pains I’ve caused her, I’m sorry.

"I’ve apologized for that so many times already, but siyempre, sometimes relationships don’t work out.

"Pero hindi porke’t break na kami ay bubuklatin ko na at idedetalye, pero definitely we had stuff that didn’t work out.

"Maraming bagay na hindi kami nagtugma.

"Sana, one day, ipinagdarasal ko na maging magkaibigan kami."

Dagdag pa ng aktor, "I think it’s not that simple, it takes time.

"Nakikita n’yo naman na she’d say that, but there’s other stuff that she says as well.

"Kailangan pa niya ng space. She needs space, she needs time alone, she needs to feel all the success of her project.

"One day, and I pray for it, and I’m patiently waiting for it na sana mag-abot kami. Maging magkaibigan kami ulit, tanggapin niya ang apology ko.

"Right now, patience is a virtue. Kailangan munang maghintay, kailangang hanapin ang tamang timing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m just happy things are going for her."

Totoo bang siya raw ang nag-initate ng breakup nila ni Melissa?

"Sinabi ko na hindi ko idedetalye, pero marami akong pagkakamali.

"Sinabi ko na marami pa akong dapat matutunan.

"Sorry, I wish I was a better boyfriend.

"Sana one day, pag sapat na ang mga experiences ko sa mga bagay-bagay, balang-araw magiging mabuting boyfriend ako.

"Bata pa naman kami, we have so much to learn, we’re not perfect," saad ng 23-year-old actor.

NO REGRETS. Sinabi ni Jake na nalungkot din siya sa paghihiwalay nila ni Melissa. Pero kung ang young actress ay nakapagsabi na kung may natutunan man siya sa nangyari sa relasyon nila ni Jake, ito ay magtira ka sa sarili mo pag nagmahal ka.

Para naman kay Jake, wala siyang pinagsisisihan sa nangyari.

"Of course, I feel sad because I disappointed her.

"I feel sad kasi siyempre nakasakit ako ng tao.

"I feel sad na I didn’t meet her expectations.

"Nakakalungkot, pero siyempre it’s been six months already.

"I’ve dealt with it, I’m moving on.

"Ako kasi pag nagmahal ka," patuloy niya, "wala kang dapat pagsisihan, di ba?

"Paano naman ako may pagsisisihan sa dalawang taon na naging kami, it’s one of the best two years of my life.

"I was so happy, pero di nag-work out, wala tayong sisihin.

"If I have lesson to learn, I don’t know it yet.

"That’s why I’m still single, kailangan ko munang matutunan yun.

"I’m happy for her, natutunan niya agad yun, pero ako, I don’t regret anything.

"Minahal ko siya, di man nag-work out, minahal ko naman siya nang buong-puso at sinuportahan ko naman lahat ng ginawa niya."

Kung saka-sakali ba ay gugustuhin pa niyang maulit ang naging naging relasyon nila ni Melissa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ire-rewind ang buhay ko, wala akong ire-regret.

"Oo, uulitin ko. Kahit ito uli yung mangyayari, uulitin ko.

"It’s the best two years of my life, I was happy.

"Pero wala talaga, e, it didn’t work out, I’m sorry.

"’Tsaka kinakailangan niyang matutunan sa akin yun para sa susunod na relationship, mag-work out."

Ano naman ang masasabi niya sa sinabi ni Melissa na hindi pa raw siya handang makasama siya sa isang proyekto?

"Prerogative niya," sambit ni Jake.

"Ako, hindi naman ako namimili ng trabaho, but maybe not now, maybe in the future.

"Marami pang nangyayari, marami pang nagaganap ngayon. But marami na akong nakaaway, nakabati... napakaliit ng industriya talaga.

"I would be honored to work with her.

"I wish her all the best sa [Nasaan Ka] Elisa, alam ko ’yan, manonood ako.

"Panonoorin ko ’yan kasi alam kong pinaghirapan niya for so many months dahil hindi natuloy hanggang sa natuloy na."

Ayon pa kay Jake, naiintindihan niya kung sa ngayon ay nakakapagsalita ng hindi maaganda patungkol sa kanya si Melissa.

"Kasama sa pagmu-move on yun. Bilang lalake, tatanggapin ko ’yan at di ko mamasamain.

"Para sa akin, siya pa rin ang Melissa na nakilala ko noon.

"Walang nagbago dun kahit ano pang sabihin niya, di nagbago yun," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN