Maja Salvador hopes to patch things up with Coco Martin soon

Maja Salvador on the current state of her life despite controversies: "Ako, lagi po akong masaya kasi sabi ko nga sa mga interviews ko dati, hindi naman laging masaya. Halos lahat ng puwedeng pagdaanan ng isang tao, mararamdaman din. Magpagdadaanan niyo talaga. Tao din po ako, isa rin po akong oriduinaryong tao na puwedeng pagdaanan lahat ng pinagdadaanan ng ordinaryong tao."


Lilipad ngayong linggo patungong Amerika ang grupo ng ilang lead stars ng piling teleserye ng ABS-CBN para sa Teleserye Royals 2011 U.S. Tour.

Kabilang dito ang mga bida ng Minsan Lang Kita Iibigin na sina Maja Salvador at Coco Martin na kamakailan ay nasangkot sa intriga noong nakalipas na Star Magic Ball. (CLICK HERE to read story)

Kahapon, September 12, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang controversial actress na si Maja Salvador sa opening ng bagong branch ng ine-endorso nitong Chic Nails Spa sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Sa gulong kinasangkutan din ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli, maraming fans ng CocoJam (bansag ng fans sa Coco-Maja loveteam) ang nag-iisip kung ano ang kahihinatnan ng pagkakaibigan ng kanilang mga idolo.

Ngunit tulad ng mga fans, ipinagdarasal din ni Maja na maayos na sa madaling panahon ang gusot sa pagitan nilang tatlo.

"Sana makapag-usap kami [ni Coco] soon kasi meron kaming U.S. tour," saad ni Maja.

Ganoon din naman ang naging sentimiyento ni Matteo nang makapanayan ito ni Boy Abunda sa programang The Buzz noong Linggo, Setyembre 11 na nagsabing sana ay magkausap niya si Coco upang klaruhin ang isyu. (CLICK HERE to read related article)

Sa magaganap na tour, makakapareha pa rin ba ni Maja si Coco?

"Yes. We’re a loveteam. So, siguradong maaayos lahat. Makakapag-usap kami," ang matipid na sagot ng aktres na ngayon ay bida sa indie film na Thelma.

"Abangan pa rin nila ang CocoJam sa U.S. tour," nakangiting saad ni Maja.

Dadayo sa Alaska, Hawaii, San Francisco at iba pang piling siyudad sa U.S. ang naturang show na tatagal ng halos isang buwan.

Hindi kaya maging sanhi na naman ito ng alitan sa pagitan nina Coco and Matteo?

"You can ask Matteo," sagot ni Maja.

RELATIONSHIP WITH MATTEO GUIDICELLI. Hindi naman matinag si Maja sa kanyang desisyon na huwag nang magsalita tungkol sa kanilang relasyon ni Matteo at ang mga isyung kinasangkutan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you so much," ang sabi niya sa ABS-CBN reporter na si Ginger Conejero nang simulan nitong tanungin ang aktres tungkol sa kanyang boyfriend na noong Linggo din sa The Buzz ay nagkuwento tungkol sa love story nila ni Maja. (CLICK HERE to read related article)

"Na-kuwento na po lahat ni Matteo and, I think, tama na po ’yon."

Nagbigay na lamang ng statement si Maja kung bakit ayaw na niyang magsalita pa ukol sa relasyon nila ni Matteo.

"Siguro sa amin na lang din yun. Siguro enough na na nalaman ng public na we’re together. Hanggang do’n na lang.

"Parang, we decided na not to update everything in public, di ba? Okay na ’yon. Okay na lang na alam niyo na na we’re together.

"May mga inputs na kayong nalaman sa The Buzz, so, ’yon na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN