Aga Muhlach travels half the globe for Pinoy Explorer; wants daughter Atasha to finish high school before acting again

Aga Muhlach on allowing daughter Atasha to appear in the stage musical The Sound of Music: "Hindi, isa lang yun. Isa lang yun! Because you know, there’s one weekend that we’ll all gonna go to Batangas. Sa Mataas Na Kahoy kami [pupunta]. ’Let’s go! We’ll gonna leave ng seven in the morning ng Saturday. Then, my daughter came to me and said, ’Dad, I cannot go. Why?! I have rehearsal at one.


A dream show. That’s how one can best describe Aga Muhlach’s new show on TV5, Pinoy Explorer.

His first show as a certified Kapatid will pilot on September 18, Sunday, 6:30 p.m. after Pidol Wonderland.

For two weeks, Aga literally traveled more than half the world for Pinoy Explorer.

Kasama ni Aga sa pagtuklas ng maraming bagay sa mundo ng dinosaurs, glaciers, red fallen wood, at ilan pang kamangha-manghang bagay sa ating mundo ang TV5 executive na si Perci Intalan, some staff of the show, and its director, Rowell Santiago.

Sa ginanap na press conference last night, September 12, at SM Mall of Asia (MOA) Nido Discovery Science Center, Aga expressed his gratefulness to TV5.

Labis na na-enjoy ng aktor ang paglalakbay sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa kanya, gusto raw niyang balikan ang mga nasabing lugar together with his wife Charlene Gonzalez and kids Atasha and Andres.

Ilan sa mga lugar na pinuntahan ni Aga ay ang San Francisco, Wyoming, Alaska, Montana, and other places na ayon sa description nila ay "middle of nowhere."

Kuwento niya, "Itong biyahe kong ito was a lot different.

"Ang ginagawa kong programa, parang ako lang ang nandoon. Hindi siya gagalaw kung wala ako.

"Meaning, kung hindi ako magigising. Kung hindi ako darating. Kung mag-aalburuto ako, walang programang tatakbo talaga.

"But then, sa awa ng Diyos, it’s magical. Masaya. Masaya ang nangyari.

"And as a matter of fact, even up to now, yung hangover of our trips, hindi mawala-wala sa akin at ayokong tanggalin.

"As a matter of fact, dala-dala ko pa siya hanggang ngayon.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong show na gusto mong ipagmalaki talaga.

"At the same time, habang nangyayari ito, or ipapalabas pa lang, we’re thinking already of our next trip.

"Like, end of this month, or first week of October.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, mid of October, to travel again and first week of November to air hanggang February or March."

JUST LIKE DOING A FILM. Bagama’t bagong-bago para kay Aga ang mag-host ng isang show gaya ng Pinoy Explorer—na tinatawag nila ngayon as "edutainment"—wala raw siyang masyadong preparasyon para rito.

"There’s no preparation for me. Parang inisip ko na lang na parang role-playing ang ginawa ko. Na gumagawa ako ng pelikula.

"Ang hinihingi lang ng show na ito ay maraming memorization, which is kinda easy for me.

"Kapag gumagawa tayo ng pelikula, maraming lines na mine-memorize. So, hindi naging mahirap para sa akin."

Dagdag niya, "Ninenerbiyos ako noong unang binigay sa akin ang show na ito.

"I’ve always wanted to do a show like this. Kaya lang, alam ko na mahirap lumabas sa comfort zone ko.

"But then, sabi ko, siguro that’s the best thing for me to do.

"To get out of my comfort zone and do the show like this.

"Yun na nga, noong nangyari na nga, parang this is my calling. Feeling ko lang yun."

Yung enthusiasm na naramdaman niya while doing Pinoy Explorer, sabi ni Aga, ay maikukumpara noong ginawa niya ang Bakit Labis Kitang Mahal with Lea Salonga.

"Because that was, I think, my break also as a leading man, I think.

"Yung Bakit Labis Kitang Mahal, yun ang first movie ko, 1991.

"Yun ang first kong ginawa na nai-pair sa akin si Lea.

"Noong ginagawa ko yung movie na yun, iyak ako nang iyak do’n.

"Noong ginagawa ko ang pelikula, ayokong matapos ang pelikula.

"So, I was really into that. So, with this show, hindi ko akalain ang immersion ko at magiging sobra.

"I mean, kahit magsisigaw ka sa gitna ng maraming tao, wala namang nakakakilala sa ’yo.

"Tapos kapag nagpahinga ka, kahit maupo ka sa isang sulok lang, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Perci, noong nasa isang bayan daw sila ng Montana, with only 600 population, may isang nakakilala pa rin daw kay Aga. This means he has fans in any place of the world.

"Okay lang yun. Okay lang yung may nakakilala sa ’yo from time to time.

"Pero, iba yung may ginagawa ka na rito lang sa Pilipinas, nakakilala sa ’yo lahat.

"Hindi ka puwedeng tumayo sa gitna ng kalye.

"E, dun, dumadaan na sila, hindi ka naman kilala.

"At the same time, nakakapahinga ka talaga. Napapahinga yung utak ko."

SHOW ON POLITICS? Hindi rin maiwasan ni Aga na i-compare lalo na pagdating sa disiplina ng ilang bansang napuntahan niya at sa bansang Pilipinas. Tulad sa Montana na super-linis daw talaga.

Dahil sa concern niya sa kalikasan, Aga was asked kung bakit hindi rin siya mag-try pumasok sa pulitika.

"Naku, magpu-pulitika pa ’ko, baka maraming magalit sa akin!"

Why not a show on TV5 that tackles politics?

"Naku, wala akong magandang masasabi. Baka sabihin sa akin, napaka-negative naman niyan.

"E, totoo! Hindi... I was telling my son the other day. I picked him up in school, e.

"Di yung mga kotse sa daan magulo. Sabi ko, ’You know these cars, blah, blah, blah.’ My son, goes, ’Everybody’s a critic.’

"Sabi ko, ’Where did you get that?’ Sa cartoons daw. May character na parang ganoon."

AT HOME IN PINAS. But then, sa kabila ng mga lugar na napuntahan niya, masasabi pa rin ba niyang, there’s no place like home?

"Oh, yeah! Because of your family, your roots.

"But, yung kultura mo, hinahanap mo yung kultura mo.

"Kasi, maraming Filipino na ikinakahiya itong nakalakihan mong kultura.

"Pero, yun ang dapat na iangat mo. Kasi, kahit saang Asian countries ka magpunta, bakit ka nagagandahan sa lugar?

"Dahil sa kultura na ramdam na ramdam mo. Nandoon pa rin ang kultura nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung dialect nila. Yung salita nila.

"Kapag magalang sila, magalang. Dati yung Filipino, magalang.

"Pero kapag naiimpluwensiyahan ng ibang ano [kultura], nagiging parang akala mo, makaangat lang nang konti, nag-iiba na... Well, sayang."

AT HOME IN TV5. When it comes to movies, tipong next year na raw planong gumawa ni Aga.

"Kakatapos ko lang ng In The Name of Love, so next year.

"May naka-lineup dito sa TV5, so siguro, feeling ko, dapat yun ang susunod kong gawin.

"Kasi, nandiyan ako, e. At saka, niyayakap ko ang Singko dahil nakita ninyo naman ang suporta sa akin. Sobra."

Masaya raw si Aga sa bago niyang tahanan.

"Oh, yeah, even before I moved. When I decided that I’ll gonna move, I was happy with them.

"Maganda na yung usapan namin and when I moved nga, napatunayan naman nilang talaga.

"It’s the same thing. Kilala mo rin namang lahat. Ang liit lang ng Pilipinas.

"Kaya lang, parang it’s so nice na noong nasa Dos ako, akala mo yun lang ang mundo.

"Pero paglabas mo, parang, ’Wow, nandiyan lang palang lahat ’yan.’

"Pero, parang it’s the same thing. Ganoon lang talaga. But it’s nice, really nice. Sarap."

SHOWBIZ CAN WAIT. Natatawa’t naiiling na lang si Aga sa pagsabak ng anak na si Atasha sa theater via the musical The Sound of Music.

Nilinaw ni Aga na hanggang doon lang daw yun at hindi pa nito papasukin ang showbiz.

"Hindi, isa lang yun. Isa lang yun!" bulalas niya.

"Because, you know, there’s one weekend that we’ll all gonna go to Batangas. Sa Mataas Na Kahoy kami [pupunta].

"’Let’s go! We’ll gonna leave ng seven in the morning ng Saturday.’

"Then, my daughter came to me and said, ’Dad, I cannot go.’ Why?! ’I have rehearsal at one.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang medyo nabigla ako do’n. Parang, okay.

"Parang dalawang oras akong natunganga na hindi ako nakalabas ng bahay.

"Tapos, sabi ko, ’That’s it. That’s it. Yun na yun. No more. One lang ’yan.’

"She wants it, e, so, yun lang yun."

Pero tulad ng misis niyang si Charlene, excited din naman daw siya for his daughter.

"Of course, of course. I’m excited now, but when I see it... kasi, naisahan nila ’ko diyan.

"Parang, yeah, yeah. Before you know it, nandoon na siya.

"Okay naman. I don’t feel bad. It’s gonna be good for her.

"One-time experience and then she can just finish her studies hanggang high school na siya.

"Kapag college na siya, then she can decide."

Hindi naman daw niya pipigilan ang anak just in case gusto rin sumunod sa kanilang yapak ni Charlene.

"Yeah, of course. Hindi ko naman ipagkakaila sa kanya ang hanapbuhay naming ito."

Charlene said in her interviews that between Andres and Atasha, ang huli ang mas nakikitaan nila na may interes sa showbiz.

"Yeah, si Atasha talaga. Andres is a natural. But he’s a boy. He likes to play.

"Atasha is the serious type. She has her notes. She has her schedule for today.

"One o’clock, four o’clock I have this, seven o’clock, dinner with you guys.

"Ganoon siya. ’What time is your dinner?’ ’Seven, Daddy!’ ’Okay, thank you!’

"Lucky me!’" natatawang kuwento pa ni Aga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN