Derek Ramsay willing to undergo tests if a child from his alleged marriage surfaces

"If I have a child with this woman... kung merong mga ganun, wala akong problema sa tests," offers Derek Ramsay if a child suddenly surfaces from his alleged marriage to a model in 2002.


Last Friday, September 9, sa Crowne Plaza Hotel Pasig City, magkasamang humarap sa entertainment press ang FHM Philippines September 2011 cover girl na si Lovi Poe at ang FHM Collections cover guy na si Derek Ramsay.

Parehong excited sa kanilang covers sina Lovi at Derek, pero very honored naman daw at hindi makapaniwala si Derek na siya ang napili para maging cover ng taunang FHM Collections.

"Ahm... Robin Padilla yun, Vic Sotto, Cesar Montano. I can’t even imagine myself, comparing myself to those guys. They’re... there," sabi ni Derek, sabay taas ng kamay bilang pahiwatig na nasa mas mataas na level na ang mga aktor na kanyang nabanggit.

Unang naging cover ng FHM Collections si Robin noong 2009, pangalawa si Cesar last year, habang si Vic naman ay ilang beses nang na-feature sa special issues ng magazine dahil sa pagiging "iconic figure" nito sa mga kalalakihan.

"It was an honor. Na talagang ang feeling...

"I can now make yabang na, I was the third," nakangiti pang pahayag ni Derek tungkol sa kanyang pagiging FHM Collections cover.

"MADAM"’S REACTION. Kumusta naman ang reaksiyon ng girlfriend niyang si Angelica sa kanyang cover? Matatandaang naging cover girl na rin ng FHM si Angelica.

"Ano ang reaction ni ’Madam’..." biro munang simula ni Derek.

"She really liked the photo shoot. Kasi sawa na rin yata siya na nakikita ako na topless," natawang sabi ng 31-year-old actor.

"Yeah, she’s always mad at me, coz I’m always nakasando at naka-board shorts at naka-tsinelas. Sabi niya, ’Magbihis ka naman, magbihis ka naman.’

"So, when she saw this cover and the photos inside, she was very impressed. Just like I was when I saw her FHM," pahayag pa ni Derek.

Mabuti nga’t naisingit sa busy schedule ni Derek ang photo shoot ng men’s magazine. Isa kasi sa pinakaabalang artista sa showbiz ngayon si Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa TV show niyang Biggest Loser ay may pelikula siyang ginagawa ngayon with Vice Ganda (Private Benjamin). Tinatapos din niya ngayon ang No Other Woman kunsaan kasama niya sina Cristine Reyes at Anne Curtis.

WHO’S HOTTER? Ipinapalabas na ang trailer ng No Other Woman, na showing na sa September 28, kaya tinanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek kung kanino ba kina Cristine at Anne ang may mas maiinit siyang eksena.

Hindi muna nakasagot si Derek at napailing, sabay biro, "Kay Vice Ganda! Ha-ha-ha!

"No. Both beautiful women [Cristine and Anne]. But Anne and I have done our very sexy scene, sa Monday [September 12] kami ni Cristine magsu-shoot ng..." hindi na natuloy ni Derek ang kanyang sinasabi at ngumiti na lang.

Pero para kay Derek, sino ba sa dalawa ang mas matindi ang performance sa pelikula?

"They’re very professional. They’re not just good looking people, they’re very good at their craft.

"Madaling gawin yung mga eksena, when it comes to... We’re very comfortable with one another. Mabibigat yung mga eksena kaya mahirap.

"And sabi nga namin ni Anne, ang friendship namin, lumevel up na nang todo."

WHO’S THE BETTER KISSER? Sino naman sa dalawang leading ladies niya ang better kisser?

Tumawa muna si Derek bago sumagot.

"I don’t know, I don’t know... I shut down. I’m not Derek when I do it. So, I wouldn’t know. You know, I’m my character. And I couldn’t...

"Well, what I can say is that they’re both good kissers," safe na sagot na lang ni Derek.

KID FROM ALLEGED MARRIAGE? Hindi naman palalampasin ang interview kay Derek na hindi natatanong ang tungkol sa diumano’y kasal niya sa isang modelo noong 2002.

Ani Derek, ibinigay na niya ang isyung ito sa kanyang abogado at hindi na nag-elaborate pa tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may mga nang-iintriga pa na bukod sa kasal diumano ni Derek ay may anak na raw ang Filipino-British na binata.

"Actually, that’s not the first time. They [mga intrigero] asked me this many times.

"I have three nephews, all white boys, two nieces, that I’m very proud to go around the mall carrying them on my shoulders."

Malamang daw ay doon nagsimula ang tsismis na may anak na siya. Pero kung ipipilit daw ng mga nang-iintriga na may anak na nga siya, payag siyang sumailalim ng tests.

"If I have a child with this woman, that’s what they still are starting... finding out, I said, kung merong mga ganun, wala akong problema sa tests.

"You guys know me already for how long... so that’s what I have to say about that," sagot pa ni Derek.

A LOT OF KIDS WITH ANGELICA. Kung ina ng kanyang magiging anak ang hanap ni Derek, hindi na niya kailangang tumingin pa sa iba, dahil sa girlfriend na si Angelica raw niya gustong magkaroon ng maraming anak.

"I want a lot of kids. I want like five, six kids. And she’s the same. Right now, we have four dogs. So, yun ang mga babies namin. Apat na mga aso."

Pero bago ang babies, kasal muna. At kailan nga nila balak lumagay sa tahimik?

"Hindi ko alam. Alamin muna namin. Hindi pa namin napag-uusapan.

"Pero marami pa kaming gustong gawin bago mangyari yun.

"We just have other things that we wanna do with our career. We want to see the world and when we get married, that changes everything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN