Shamcey Supsup: "I think what makes a winner is not just winning the crown, but being able to accept that hindi ikaw yung nanalo."

"I think we should be happy also for Miss Angola that she won, and I think she also deserves the crown," says Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup sa kanyang nakamit na tagumpay sa katatapos lang na beauty pageant. (CLICK HERE to read related story.)

"Hanggang ngayon, when I woke up hindi pa rin ako makapaniwala," saad ni Shamcey sa interview sa kanya ng Bandila kagabi, September 13.

"Kahit yung roommate ko, sabi niya sa akin, ’Congratulations!’ And I said, ’Oo nga, ’no, yun nga pala yung nangyari kagabi.’

"Parang hindi pa rin totoo!"

HER WINNING ANSWER. Bukod sa napahanga ni Shamcey ang mga judge sa Miss Universe, na ginanap sa Credical Hall sa Sao Paulo, Brazil, marami ring personalidad ang humanga sa kanya.

Ang higit na nagpahanga sa kanila ay ang sagot ni Shamcey sa naging tanong ng Miss Universe judge na si Vivica A. Fox: "Would you change your religious beliefs to marry the person you love?" (CLICK HERE for related article.)

Ang naging sagot ni Shamcey sa tanong ay ito:

"If I had to change my religious beliefs, I would not marry the person that I love because the first person that I love is God who created me. And I have my faith and my principles and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too."

Pero nang tanungin si Shamcey kung papaano nga ba niya nabuo ang sagot na iyon sa loob lamang ng 30 seconds, sinabi niyang ito raw ay dahil sa bilin ng kanyang ina na si Marcey Supsup.

"Oh, hindi ko naisip na itatanong sa akin ’yan in a pageant," pahayag niya.

"But before kasi, my mom and I... My mom is really strict and she always tells me na dapat yung magiging boyfriend ko, yung asawa ko, should be a Christian first, and that our relationship should be centered with God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, walang kinalaman sa pageant or sa Question-and-Answer, it’s just what she taught me and it just came out naturally."

MISS UNIVERSE TITLE. Bagamat masaya ang marami sa pagiging 3rd runner-up ni Shamcey sa Miss Universe 2011, tila mas lamang pa rin ang panghihinayang ng ating mga kababayan.

Pero, hindi ganito ang pananaw ni Shamcey.

Aniya, "I think everything is just, you know, part of the plan.

"And para sa akin, I’m really happy to be part of Top 5.

"Among 89 candidates and you end up in Top 5, that’s a great achievement already.

"And I already said that in a competition, there’s a winner, someone will lose, someone will win, di ba?

"And we should, like, accept things for what they are.

"I think what makes a winner is not just winning the crown but being able to accept that hindi ikaw yung nanalo.

"Dapat maging grateful ka on whatever is given to you."

Gayundin, dinipensahan ni Shamcey ang kinoronahang Miss Universe 2011 na si Leila Lopes ng Angola.

"Well, una, masaya dahil they consider me as the Miss Universe.

"Pero, kumbaga sa akin, we’re not the judges there and I accept the fact that I’m third runner-up and I’m very happy.

"I think we should be happy also for Ms. Angola that she won, and I think she also deserves the crown."

HER PERSONAL LIFE. Matapos ang kanyang pagkapanalo, bukod sa umani siya ng papuri ay dumami rin ang naging tagahanga ni Shamcey.

Kaya naman hindi naiwasang tanungin kung meron na siyang boyfriend.

"Yes," ang naging sagot ng 25-year-old beauty queen.

Wika niya, "Di kasi ako showbiz, e.

"I’m honest and I want the people to know about it."

Samantala, hindi pa raw alam ni Shamcey kung ano ang mangyayari sa kanya matapos ang tagumpay niya sa Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t know what’s gonna happen," sabi niya.

"I’m so excited!

"I know there are a lot of plans for me there.

"I’ll be back siguro in three days or four days, di pa ako sure kung kailan talaga yung balik ko, but I’ll be back soon."

At ang kanyang mensahe para sa mga Pilipino na nagpakita ng suporta sa kanya: "Maraming-maraming salamat!

"Galing sa puso ko, kumbaga, every time that I feel down here lagi lang ako nagbabasa ng mga comments, ng mga messages ninyo sa akin and nawawala yung sama ng loob ko.

"Kumbaga, when I’m there, hindi ako si Shamcey, ako si Philippines kasi yun ang tawag sa akin, e.

"So, I did this for all of you and thank you!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN