Shamcey Supsup admits making a "big mistake" during the Miss Universe 2011 pageant

"Sabi ko, it’s okay kung hindi ako matawag sa Top 16. Kasi sabi ko, lahat naman kami magaganda. Pero nung tinawag ako, parang na-shock ako at hindi ako makapaniwala. Nakita n’yo naman yung reaction ko, di ba? ’Yes, God! Thank you!’" says Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup.


Bago ang panayam ni Shamcey Supsup sa Bandila kagabi, nakapanayam muna siya ni Dyan Castillejo para naman sa TV Patrol.

Una munang tinanong kay Shamcey kung ano ang pakiramdam niya na nakasama siya sa Top 5 at naging 3rd runner-up.

"I’m just so happy, I just wanna people would be proud of me. Sabi ko, I don’t want to let them down," sagot ng 25-year-old beauty queen.

Inasahan ba niya na mapapasama siya sa Top 15? Top 10? At Top 5?

"Sabi ko, it’s okay kung hindi ako matawag sa Top 16. Kasi sabi ko, lahat naman kami magaganda.

"Pero nung tinawag ako, parang na-shock ako at hindi ako makapaniwala.

"Nakita n’yo naman yung reaction ko, di ba? ’Yes, God! Thank you!’"

Akala pa nga raw ni Shamcey ay hindi na siya makakasama sa Top 10 dahil sa isang "big mistake."

"Before that, I thought I’m not gonna get in the Top 10, I made a big mistake.

"I did not take off my sarong sa leeg ko during the swimsuit competition.

"Sabi ko sa sarili that time na hindi ako matatawag sa Top 10. I said, ’Lord, pag ako tinawag sa Top 10, it’s a miracle!’"

Saang part siya ng competition pinaka-nahirapan?

"Sa lahat ng parts ng competition, it was the Q & A [question and answer] that was really..." huminga nang malalim si Shamcey, at sinabing, "made me worry.

"During that time, the heart beating so fast."

Ano ang natutunan niya sa pageant?

"Well, life is unpredictable," sambit niya.

Ano sa palagay niya ang magiging pagbabago sa buhay niya pagkatapos niyang maging 3rd runner-up sa Miss Universe?

"I don’t know, siguro how people will treat me, will be different.

"About who I am as a person will never change. Even when I won Bb. Pilipinas-Universe before, hindi ako nagbago.

"Basta sa akin, that’s the only thing I can hold on to—my personality, my character, I was brought up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I won’t change for anything even for the crowd."

What is she looking forward to sa pagbalik niya sa Pilipinas?

"Sleep and the food!" bulalas niya.

"Sobrang miss ko na kumain ng rice. Kasi hindi ako sanay ng bread.

"They have meat, pero iba, e. Iba pa rin ang pagkain sa Pilipinas e."

Sino ang nag-ayos ng buhok niya at nag-makeup sa kanya during the pageant?

"Yung hair, yung nag-ayos yung taga-Miss Universe. Yung makeup ko, ako lang, kasi mas gamay ko na yung face ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN