Piolo Pascual reveals that he will do another TV series for ABS-CBN

"Sa katunayan nag-confirm na yung mga kasama kong cast para sa soap. I just got the confirmation today and first week of October start na kami ng taping," says Piolo Pascual about his upcoming show on ABS-CBN.


Nakatakdang lumipad patungong Singapore sa darating na weekend ang matinee idol na si Piolo Pascual.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Piolo kanina, September 14, sa kanyang rehearsals para sa album tour niya sa Singapore, sinabi niyang excited na siya para sa naturang tour.

"I’m bringing a live band with me," saad niya.

"So, I’m really excited!

"Actually, first time kong magpe-perform with a band, kasama pa si Yeng Constantino."

Bukod pa rito, sa October ay nakatakda ring mag-album tour si Piolo sa Hong Kong.

ON ACTING. Aminado si Piolo na nag-e-enjoy siya sa kanyang pag-awit. Ngunit, hindi daw ito nangangahulugan na titigil na siya pag-arte.

"First love ko ang acting," pahayag ni Piolo.

"Di natin puwedeng tanggalin natin ’yan sa agenda natin sa buhay.

"Kasi, doon tayo nakilala at yun talaga ang parang bread and butter ko."

Dagdag pa niya, "So, yung singing, it’s an opportunity for me to do something else other than acting.

"So ini-exhaust ko lang din yung puwede kong gawin.

"But siyempre, ang first love ko pa din ay acting."

Isiniwalat din ni Piolo na may upcoming TV series siya sa Kapamilya network, na sisimulan nang i-shoot sa susunod na buwan.

"Sa katunayan nag-confirm na yung mga kasama kong cast para sa soap.

"I just got the confirmation today, and first week of October start na kami ng taping."

Huling napanood si Piolo sa Noah, kung saan nakasama niya ang child star na si Zaijian Jaranilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN