Jennylyn Mercado reacts to report that Dennis Trillo did not promote his movie on Showbiz Central because of her

"Medyo matagal na rin kasi, e, mga six months, magse-seven months na rin yata. I think ito na yung tamang oras na, di ba, kalimutan na rin natin, mag-move on na tayo," says Jennylyn Mercado about her past relationship with Dennis Trillo.


Hindi nag-promote ang aktor na si Dennis Trillo ng Regal Entertainment movie niyang My Neighbor’s Wife sa Showbiz Central noong Linggo, September 11.

Kahit nag-promote si Dennis earlier that day sa musical-variety show na Party Pilipinas, wala siya sa nabanggit na showbiz-oriented talk show ng GMA-7 noong Sunday afternoon.

Ang tatlong kasamahan niya sa pelikula na sina Lovi Poe, Carla Abellana, at maging ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca ang live na nag-guest sa show para sa promo ng movie.

May balitang kumalat na kaya hindi pumunta si Dennis sa Showbiz Central ay dahil isa sa mga host ng show ang kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Matatandaang naging masalimuot ang paghihiwalay ng dalawa, na ang detalye ay ikinuwento ni Jennylyn sa June 2011 issue ng YES! magazine. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya sa isang segment ng Showbiz Central, ang tungkol dito ang inusisa kay Jennylyn ng kanyang co-hosts na sina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, Raymond Gutierrez, at John "Sweet" Lapus, pati na ang guest co-host nilang si Jolina Magdangal.

Ano ang reaksyon ni Jennylyn na siya diumano ang dahilan ng no-show ni Dennis sa programa?

"Hindi ko naman... hindi naman ako may-ari nito [ng GMA], sandali lang!" ang tumatawang sabi ni Jennylyn.

Hindi pa ba sila nagkita since nag-break sila? Hindi ba sila nagkakasalubong sa Party Pilipinas kung saan regular silang napapanood?

"Nagkakasalubong kami, nagngingitian lang kami. Pero siyempre hindi pa naman kami ganun kakumportable," sagot ni Jennylyn.

Wala pa bang move from either side para kalimutan na ang lahat at maka-move on na silang pareho?

"Medyo matagal na rin kasi, e, mga six months, magse-seven months na rin yata.

"I think ito na yung tamang oras na, di ba, kalimutan na rin natin, mag-move on na tayo.

"And darating din siguro yung time na magkakausap kami and maaayos naming lahat ng mga mapag- uusapan namin," sabi ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may offer na project ang GMA-7 kay Jennylyn na si Dennis ang leading man niya, tatanggapin ba niya?

Yes!" ang mabilis na sagot ng actress-singer.

"Yes, I think professional naman ako para gawin yun, e. Kasi trabaho yun, blessing yun.

"’Tsaka ayoko naman, di ba, na hihindian [ang project] dahil meron kaming hindi magandang [pinagdaanan]... di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN