Ahron Villena is all set for the Cosmo Bachelor Bash on September 15

Puspusan na ang paghahanda ni Ahron Villena para sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash sa September 15. Todo ang pagwo-workout at pagda-diet niya upang maging fit at sexy sa darating na event. "Abangan na lang nila para at least may ano naman, may excitement silang makikita doon. Mae-excite yung mga girls," sabi ni Ahron tungkol sa pagrampa niya.


Isa sa mga rarampa ngayong taon sa Cosmo Bachelor Bash ang aktor na si Ahron Villena.

Gaganapin ang annual event na ito bukas, September 15, sa World Trade Center.

Isa rin si Ahron sa 69 hottest bachelors na nai-feature sa September 2011 issue ng Cosmopolitan magazine.

Ayon kay Ahron nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa naganap na presscon noong September 6 sa Richmonde Hotel Eastwood, masayang-masaya at excited siyang rumampa sa Bachelor Bash.

"It’s a surprise," sagot niya nang tanungin kung anong espesyal na handog niya para sa audience.

"Abangan na lang nila para at least may ano naman, may excitement silang makikita doon. Mae-excite yung mga girls."

Nagkuwento rin si Ahron tungkol sa naging pictorial nila para sa nasabing magazine.

"Hindi ko ine-expect na magbi-brief lang ako nung photo shoot," kuwento niya.

"Pero nung nag-start na, okay na, comfortable na ko."

Ano naman ang naging reaksyon niya nang makita ang resulta ng pictorial?

"Nagulat ako kasi sabi ko, parang ang taba ko. Feeling ko malaki ako or... I don’t know.

"Pero, maganda. Maganda yung pagkakapili nung photo.

"Thank you for Cosmo people for choosing that photo," nakangiting saad ni Ahron.

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga kaibigan at pamilya ni Ahron tungkol sa kanyang sexy pose sa magazine?

"Actually, yung family ko, hindi pa nila alam. May magazine na ako, so siguro pag-uwi ko sa Batangas, ipapakita ko sa kanila.

"And my friends naman, nalaman nila [tungkol sa pictorial], pero hindi pa nila nakikita kung ano yung nasa loob ng mag, kung ano yung ginawa ko.

"For sure, hindi naman sila masa-shock kasi wala naman akong pinakitang legs, e, hanggang dito lang [sa hips]."

Hindi tulad noon, mas confident na ngayon sa kanyang sarili si Ahron pagdating sa pagpapa-sexy.

Ayon sa kanya, "Well, nowadays, as I can see naman, karamihan talaga ng artista at models, lahat nagpapa-sexy, parang nagiging normal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang not only only for the girls, pati for the guys nagpapatalbugan.

"So, for me, kumbaga, kailangan mo lang maging confident sa sarili mo and alam mo how to handle yung mga bagay bagay."

MORE SEXY PROJECTS. Hindi raw ito ang magiging huling sexy pictorial ni Ahron.

Ayon sa kanya, ngayong nakapag-pose na siya ng sexy for Cosmopolitan ay kaya na rin niyang harapin ang iba pang daring projects na darating.

"Of course, oo naman. Kumbaga, nasimulan ko na.

"If given a chance, like here, mabigyan ulit ako ng opportunity dito sa Cosmo, why not? Tatanggapin ko.

"Mas daring pa ang gagawin ko," pabirong sabi ni Ahron.

Bagama’t matagal nang nakikitaan ng potensyal si Ahron sa pagpapa-sexy sa harap ng camera ay hindi pa ito gumagawa ng sexy projects, maliban sa pagta-topless nito sa ABS-CBN series na Mutya kung saan isang lalaking sirena ang karakter niya.

Subalit tulad na rin ng nauna niyang sinabi, willing din siyang magpaka-daring kahit sa TV at movie projects na gagawin niya.

Kung sakali, handa ba siyang gumawa ng isang indie film na may temang sexy?

"As long as maganda yung script. And, kumbaga, talagang kasi sa nakikita ko ang dami ngayong indie na panlaban sa Cannes [Film Festival], sa ganito, sa ganyan.

"Ako, I’m open to do an indie movie talaga."

How about portraying a gay character at magkakaroon ng intimate scene with another male actor?

"Ako, no problem. Wala akong problema as long as maganda nga yung script and talagang... yung talagang ano, hindi siya basta-basta lang.

"Kumbaga, gusto ko ding maging versatile actor kahit papaano, di ba? Like Coco Martin, nag-start siya sa ganyan, so gano’n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN