Nikki Gil denies having a joint bank account with Billy Crawford; they’re saving individually for the future

Nikki Gil on having a joint bank account with boyfriend Billy Crawford: "Nag-iipon na talaga ako for myself. Siya naman, nag-iipon na rin siya. Ini-invest niya ang earnings niya sa properties. Hindi naman panghabang-buhay ang showb business. Joint account? Wala. Kaloka ’yang joint account na ’yan! Wala, malayung-malayo. Joint hearts lang kami."


"Boring" ang description ng iba sa relasyon nina Nikki Gil at Billy Crawford, kung ang pagbabasehan daw ay ang mga intriga at issues na naipukol sa relasyon ng dalawa.

Kung ang iba kasing relationship ay palaging pinag-uusapan at nasasangkot sa iba’t ibang mga intriga, kabaligtaran naman ito ng relasyong Nikki at Billy.

Tahimik ang dalawa, at kung may lumabas mang issue ay agad namang nabibigyang-linaw.

When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Nikki recently, kinuha namin ang kanyang saloobin sa impresyong "boring" ang relasyon nila ni Billy.

"Ang kuwento niya [Billy] sa akin, may nag-comment daw na parang, ’Ang boring ng relationship ninyo.’

"Alam mo naman ang lolo mo [Billy], very emotional lalo na pagdating sa amin.

"Pero, sa ibang banda, naisip naman niya, ’E, ano nga naman kung boring kami?’

"Siguro, ang sinasabi niya, sa tingin ng ibang tao, very boring kami kasi kailan nga ba naman kami huling napag-usapan? Bukod sa wala naman talaga kaming malaking problema.

"Kapag may minor tampuhan, hindi namin nilalabas. Hindi na namin pinapalaki, kasi kami lang naman ang nasa relationship. Hindi ibang tao.

"Sa paningin ng tao, in terms of the showbiz standard of what an interesting relationship might be like...

"But, yun na nga, mas gusto ko naman na boring, pero alam mong sa altar ang patutunguhan namin.

"Kaysa naman sa maingay kami, pero after ilang buwan, maghihiwalay na rin kami.

"Save yourself the heartaches. Puso mo ’yan, kailangang pangalagaan mo," saad niya.

JOINT BANK ACCOUNT? Since nabanggit niya ang salitang "altar," mukhang sa kasalan na nga raw talaga mauuwi ang relasyong Nikki-Billy.

Inamin sa amin ng TV host/actress na nag-iipon na sila, pero hindi raw ito joint account na maaaring isipin ng iba.

"Any girl dreams of that [wedding]. Na tapos na sa pag-aaral, na nagawa na ang obligasyon sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, yun naman ang susunod na step. Pero, sa ngayon, hindi pa naman.

"Kasi pag pinasok mo ’yan, kailangang handa ka at hindi ka lang nadala ng emosyon mo.

"Kailangang handa ka emotionaly, physically, financially, spiritually.

"Nakita ko na naman kay Billy yung gusto kong makasama. Pinaghahandaan ko na rin yun.

"Nag-iipon na talaga ako for myself. Siya naman, nag-iipon na rin siya. Ini-invest niya ang earnings niya sa properties.

"Hindi naman panghabang-buhay ang show business.

"Joint account? Wala. Kaloka ’yang joint account na ’yan. Wala, malayung-malayo.

"Joint hearts lang kami," sambit pa niya.

JUST NIKKI! Sinabi ni Billy na tinalikuran na raw niya totally ang playboy image na naikabit sa kanya noon. Hindi rin naman itinago ng singer na si Nikki ang isa sa rason kung bakit siya nagbago.

Ano ang reaksiyon dito ni Nikki?

"Mas na-flatter ako nang sinabi niya na hindi lang para sa akin, para rin sa sarili niya.

"Because the moment na gawin mong rason ang babae, pag naghiwalay kayo, babalik ka rin sa old ways mo.

"Billy, he changed not just for me but for himself. Tumanda na siya. Na-outgrow na niya yun.

"Nagsawa na siya. Nakita niya na walang point kung bakit niya gagawin yun.

"Kung siya [ay] may anak na babae, gusto ba niya na may ka-date yung anak niya na ganung klase ng tao?

"So, nakita niya yun. Naabutan ko siya na hindi na siya ganun.

"Nakita ko, nag-mature na siya. Hindi ko na na-experience yun."

For Nikki, past is past at hindi niya ito tine-take against her boyfriend.

"You can’t. You shouldn’t," sabi ng singer-actress.

"Marami tayong puwedeng baguhin, pero kung may isang bagay na di natin puwedeng baguhin is yung nakaraan.

"So, para isumbat mo yun sa tao habambuhay, kung ano... Panginoon nga nagpapatawad, sino ba tayo para hindi magpatawad?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Bago pa man magsimula ang kasalukuyang taon ay nabanggit na babalik sa United Kingdom si Billy para ayusin muli ang kanyang international career.

Kung dati ay wala pang detalye, mismong si Nikki ang nagsabi sa amin na tuloy na tuloy na ito at may mga detalye na sa pag-alis ng boyfriend.

It’s gonna be a long-distance relationshjp for Nikki and Billy this time.

"Eto nga nga tayo, as the days go by, yung mga planu-plano na ’yan, nagiging mas concrete.

"Nagkakaroon na ng mga sulatan. Tawag, nagkakaroon na ng mga petsa.

"The reality of taking care of a long-distance relationship, medyo nag-uumpisa na siyang mag-sink in.

"Nandun na yung usapan naming, ’Paano na ’yan? Apat na buwan, limang buwan, anim na buwan.’

"Saka, hindi lang yung ’what if’, heto na. Mayroon nang mga petsa. ’O, ganito ako mawawala.’"

HOPING FOR THE BEST. Naniniwala ba siya ba na ilang samahan lang daw ang nagwo-work pag naging long distance na ang isang relasyon?

"Yun na nga ang malaking question. Yun na nga ang sino-solve na nga namin. Ang issue na ’yan.

"I’m reallly not one who will keep him from going, and I will not.

"Gusto ko ito for him. So, if it means kahit forever, Skype na lang tayo. Go! Kaya nga may technology.

"Sinong di kakabahan? Not that I don’t trust him, or he doesn’t trust me.

"Kaya nga relationship, kailangang magkasama kayo.

"Kailangan mayroon kayong mundong parehong ginagalawan.

"Pag nagkahiwalay kaming sobrang tagal, magkakaroon kami ng ibang mundo at mas effort talaga to make it work.

"Hindi naman trust ang issue. Mahirap lang, malungkot.

"You’re used to doing things together and then mag-a-adjust ka."

NOT HER CUP OF TEA. Karamihan sa mga young actresses ngayon ay unti-unti nang nagbabago ng image. From teenybopper roles, open na sila to mature, daring, and sexy roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa ngayon ay inaabangan pa rin ng marami kung sasabak din daw kaya sa ganitong pagbabago si Nikki.

Sabi naman niya, "Taun-taon nae-encounter ko ’yang tanong na ’yan. Lagi ’yan.

"Yung magpapa-sexy na ba ako? Buntis ba ako?

"Regarding sa pagpapa-sexy, masasabi ko na for this year, hindi pa rin.

"Bukod sa ayaw ko, hindi naman talaga ako yun. Wala talaga sa personality ko.

"Siguro, pag ginawa ko yun, sasabihan lang ako na ’trying hard’.

"Ginawa ko ’yan, sasabihin lang nila na ’di bagay’. Bukod sa it’s not my cup of tea.

"I’m saving them from it. I’m doing them a favor by not doing it.

"In faireness kay Billy, for someone who has been in the business for 25 years, very conservative pa rin siya pagdating sa ganyang bagay.

"Para sa kanya, ’Sabihin mo na trabaho lang ’yan, ginawa mo pa rin.’

"May ganun siyang factor. Okay lang din naman sa akin. Di ko naman ginagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN