Rochelle Pangilinan defends Amaya co-star Marian Rivera: "Wala naman akong nakikitang negative sa kanya."

"Actually, nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon, naiintriga pa siya. Kung tutuusin, hindi lang naman ito ang unang beses naming magkasama. Yung Show Me Da Manny, isang taon mahigit din yun. Tapos, itong Amaya.... Actually, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon [naiintriga siya]. Kasi, wala naman akong nakikitang negative sa kanya," says Rochelle Pangilinan when asked about Amaya


Isa sa napapansin at napupuri sa kanyang pagganap sa epicserye ng GMA-7 na Amaya ay si Rochelle Pangilinan, who plays the role of Marikit.

Marami ang nangyayari sa character niya sa ilang buwan pa lamang na pag-ere ng Amaya. Ngayon naman, dahil sa mga insidente sa kanyang buhay, naging baliw naman ang kanyang character.

Natatawang hirit nga niya nang kumustahin namin si "Marikit" sa nakaraang Biblio launch at second year anniversary ng PPL Entertainment, Inc, sa Establishment, The Fort, "Hayun, luka-luka pa rin.

"Pero nag-e-enjoy ako sa role kasi, nalalaru-laro ko siya."

Inamin ni Rochelle na nang malaman niyang magiging baliw siya sa serye, kaba muna ang naramdaman niya.

"Una, kinabahan ako. Kasi, parang, ’Ano ’to? Sinaunang luka-luka?’

"So, paano mangyayari yun?’ Tapos, prinsesa ako na naging luka-luka.

"So, ’Ano ’to?’ Sabi kong ganoon. Hindi ko siya matanggap sa una. Parang, ’Paano ’to? Paano ko ’to gagawin?’

"Hindi ko alam kung paano siya titirahin kumbaga.

"Pero, nagtanung-tanong ako kila Tita Gina Alajar, Tita Irma Adlawan.

"’Paano po ’to? Baka po puwedeng ano?’ Tapos sabi nila, ’Ano lang, paglaruan mo lang siya.’

"Tapos, ’Ano ka, itodo mo. Pumunta ka sa edge. Hanggang doon.

"’Huwag kang mahiya. Ilabas mo lang. Ano ba ang nakikita mo?’"

POSITIVE COMMENTS. Masaya nga raw siya dahil na rin sa mga nakakarating na comments sa kanya.

"Sabi kanina ni Tita Wilma [Galvante, GMA-7’s SVP for Entertainment TV] kaya ang saya-saya ko ngayong araw, sabi niya, ’Ang galing-galing mo sa Amaya.’

"Para sabihin ni Tita Wilma yun, ang puso ko lumabas.

"Ang sarap-sarap sa pakiramdam.

"Yung hirap. Yung iyak, yung ngawa, wow, may nakaka-appreciate!

"Ang sarap naman. Parang alam mo yun? Bukod sa thank you, wala na akong masabi."

HAPPY SET. Isa pa raw sa ipinagpapasalamat ni Rochelle sa pagiging bahagi ng Amaya ay ang samahang meron sila sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang saya-saya namin sa Amaya. Consistent ang saya namin sa set. Wala namang pagbabago.

"Walang nangyayaring, ano [masama]. Wala akong napapansin na pangit.

"Okay naman ang flow. Walang nega."

NO PROBLEM WITH MARIAN! Madalas ngang natatanong si Rochelle about Marian, how she is as a co-star.

Consistent si Rochelle sa pagsasabi kung gaano sila nagkakasundo at kung anong klaseng co-star ang bida ng kanilang epicserye.

"Actually, nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon, naiintriga pa siya.

"Kung tutuusin, hindi lang naman ito ang unang beses naming magkasama. Yung Show Me Da Manny, isang taon mahigit din yun.

"Tapos, itong Amaya....

"Actually, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon [naiintriga siya]. Kasi, wala naman akong nakikitang negative sa kanya."

FAMILY AFFAIR. Bukod sa co-stars sila ni Marian, magpinsan din ang boyfriends nila na sina Dingdong Dantes at Arthur Solinap.

Sa ginanap na launching ng Biblio, kitang-kita ang pagiging malapit ni Rochelle sa pamilya ni Arthur.

At ayon nga kay Rochelle, "E, kasi, sobrang ang bait-bait nila.

"Kahit na alam mo yung hitsura pa lang nila, parang anong [mataas na] family.

"Pero, parang haping-happy ako na i-accept nila ako as ako.

"Na nagpapaseksi sa TV, sumasayaw na kuntodo sa TV.

"Pero, sa personal naman, hindi naman ako ganoon. Pero, ang nakita nila, yung ako."

Kuwento pa rin ni Rochelle, "Yung nanay ni Carlo [Gonzalez], nakakatuwa.

"Palagi niyang sinasabi na, ’Uy, alam mo, idol na idol kita.’

"Si Tita Baby Gonzalez, palaging sinasabi nga ng nanay ni Arthur na kamukha ko nga raw si Tita Baby.

"Noong makita ko siya, oo nga. At saka, isa pang maganda sa kanila, wala sa kanila yung pangmamaliit factor. Wala talaga."

IS HE THE ONE? Nakikita ba niyang sila na nga ni Arthur?

"Sana. Sabi nga sa church, walang sana-sana prayer. Ito na yun.

"Hindi puwedeng walang sana-sanang prayer kay God, e. Ito na yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hopefully, after two or three years, makaipon lang kami.

"Alam ninyo naman ang trabaho natin, hindi puwedeng laging nasa taas. Puwedeng any time [malaos], di ba?"

LIKE A PRINCESS. Nagkaroon na rin siya ng ibang mga nakarelasyon. Anong nakikita niyang difference ng relationship niya ngayon with Arthur?

"Well, palagi naman na kapag nagkakaroon ka ng present relationship, palaging sinasabi mo na ito na ang masaya, di ba?

"Pero sa akin, itong ngayon na nangyayari, ewan ko, ngayon lang ako naging masaya na ganito.

"Ngayon lang ako... na kung yung ibang ex ko, tinatrato ako noon bilang babae. Ngayon, tinatrato niya ako bilang prinsesa.

"So, yun ang pagkakaiba. Kaya ang saya-saya."

PPL TALENT. Isa sa mga bagong PPL talents na ipinakilala si Rochelle noong Friday sa Biblio launch sa Establishment, Bar along with LJ Reyes, Wendell Ramos, Janno Gibbs, Wilma Doesnt, and Max Collins.

At kahit nanggaling na siya ng ilang taon sa pangangalaga ng dati niyang manager na si Joy Cancio noong member pa siya ng Sexbomb, iba pa rin daw ang feeling.

"Actually, noong pinakilala ako, ’Rochelle Pangilinan, ganyan-ganyan.’

"Parang ano ba, wala na akong mahihiling. Lovelife, career, family, ang saya-saya na.

"Nasabi ko na lang, ’Thank you, Lord’, nang naka-smile. ’Thank you, Lord. Thank you, Lord.’ Ganoon na lang."

Aminado si Rochelle na kahit paano, nanibago rin daw siya noong si Perry Lansigan na nga ang nagma-manage sa kanya.

"Of course, nanibago ako. Ang pagkakaiba kasi, hindi na dancer ang kasama ko.

"Mga ibang artista na. Ang daming pagbabago. Kailangan baguhin ko. Ako mismo, kailangang mag-adjust.

"Pero sa saya, sa turingan ng pamilya, na family tumuring si Mama Perry at family rin tumuring si Ate Joy [noon] na ang sarap.

"Hindi ako nahihirapang mag-adjust sa ugali ng bawat isa. Masaya kasi kapag nakikita mo sila, puwede mo rin silang sabihan kung bakit masama ang loob mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung ganoon. Wala kang kailangang itago.

"Puwedeng-puwede kong sabihin that I made the right choice.

"Hindi ako nagsisisi. Bagkus, napakasaya ko talaga ngayong gabi na part ako ng PPL."

FOREVER ATE. At ang maganda kay Rochelle, kahit nga wala na siya sa dating grupo niya na SexBomb, hindi pa rin daw nawawala ang communication niya sa mga ito.

"Oo naman. Yung iba, Ipinapakausap ko kay Mama Perry kung may raket.

"Yung ibang Sexbomb naman sa ibang kakilala ko [ipinapakiusap]. Kasi, kailangan din naman ng trabaho," sabi niya.

Siya pa rin ang ate ng grupo?

"Oo. Yun talaga, e.

"At saka, ten years mahigit yun. Hindi ko na mababago yun, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN