Kris Lawrence admits he almost married Katrina Halili

"There was a point that we thought we were ready. But I guess, buti na lang... I guess it was one of those young decisions. Kinda puppy-lovish kind of thing... Napaisip muna kami. And buti naman nakapag-isip kami," says Kris Lawrence (in photo) about his aborted wedding with Katrina Halili.


Mas masaya raw ngayon ang R&B singer na si Kris Lawrence sa kanyang career dahil marami siyang pinagkakaabalahan.

Una na rito ang pagpasok ng isang endorsement sa kanya—ang direct-selling company na Marikina Shoe Exchange (MSE), kasama ang iba pa niyang mga kapatid sa management company ni Arnold Vegafria na sina Carla Abellana, Iya Villania, John Prats, at Billy Crawford.

Katatapos lang din ni Kris ng kanyang unang musical play na Sweet Charity kunsaan nakapareha niya si Nikki Gil.

Nasimulan na rin niya ang kanyang ikatlong album.

Regular pa rin siya sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Umaasa si Kris na mabigyan siya ng tuluy-tuloy na tsansang pasukin ang acting ngayong natikman na niya ang pag-arte sa teatro at ilang guest appearances sa mga teleserye.

"That’s the plan," sambit ni Kris sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Sabi pa niya, "That’s why I wanted to do the theater, para training."

SINGING CAREER. May limang taon na rin si Kris sa showbiz mula nang manalo siya sa second season ng singing search ng ABS-CBN na Search For The Star In A Million noong 2006. Aminado naman siyang nabagalan siya noon sa takbo ng kanyang singing career.

"I was, yes. Totoo po," sabi niya.

"Because I was...wala lang. I just felt like... parang... I don’t know... Ang bagal nga.

"Pero mabagal in a sense na I’m not reaching my full potential.

"But when I stepped back, maybe it’s just my own desires lang.

"Kasi okey naman yung financial ko. Okey naman yung buhay ko.

"Nakakapag-shopping naman ako if I wanna buy what I want.

"I have a house, car... yung mga kasambahay.

"You know, I still live a good life."

Hindi makapaniwala si Kris na may mga taong humulang siya ang susunod sa kasikatan ng R&B Prince na si Jay-R. Pero hindi ito nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman choice," sambit niya.

"Pero hindi ko naman kontrolado. I’m just living life the way I can—being happy and staying positive. Yun lang siguro."

Hindi itinanggi ni Kris na sa pagkabigo ng kanyang career noon ay naisip na niyang bumalik sa Amerika.

"Ah, yes! Yes! Definitely. There were times that I was frustrated.

"There were times I wanna give up, I wanna go back home to the States.

"Pero, you know, with right prayers, it showed me signs to just wait... just wait, wait.

"And so lately, things having been really picking up.

"Kasi I just landed two major endorsements, ’eto [MSE] at saka Bench.

"And I think I have another one coming up next month. But I can’t say just yet," saad niya.

RELATIONSHIP WITH KATRINA. Sa obserbasyon ng ilan, nagdulot ng positive at negative effects ang pagkaka-link ni Kris Lawrence kay Katrina Halili noon.

Ang positive effect nito ay nakilala ang mang-aawit.

Ang negative effect naman, marami ang na-disappoint dahil nadikit ang pangalan niya sa isang controversial actress.

Pero sa paniniwala ni Kris, wala siyang nakitang mali sa pagiging malapit niya sa sexy dramatic actress.

"Ahm... I don’t know. I haven’t really thought about that.

"Pero, basta, at that time when we were together, I was just with her.

"Aside from her being showbiz, me, both of us, being in showbiz, I wasn’t in love with that.

"I was in love with who she was, what we were.

"It’s sad what happened, but I never stopped supporting her. I’m still there for her."

Dagdag pa niya, "It’s kinda hard to take it as a negative, because let’s see from what happened to her.

"My Mom in the States... of course yung mga Filipino may TFC [The Filipino Channel], [GMA] Pinoy TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They don’t know her. My friends don’t know her. All they know is I’m with her.

"Yung mga lumalabas dun, whatever they see, that’s what they hear.

"So, you know, I guess you can’t help but look at it negatively.

"But that’s not the way you treat the situation. It can happen to anybody.

"I actually see it as a growth experience for her and us."

Ang tinutukoy rito ni Kris ay ang pagkakasangkot ni Katrina sa sex-video scandal with Hayden Kho Jr.

Ayon pa kay Kris, tumagal rin daw sila ni Katrina ng mahigit isang taon bago sila naghiwalay. Ito ay nangyari bago pa nagsimula ang aktres para sa umeere pa ring serye sa Kapuso network na Munting Heredera.

Noong mga panahong iyon, desidido si Katrina na mag-focus sa kanyang career at isantabi muna ang kanyang personal life.

Sa isang panayam nga namin kay Katrina, sinabi niyang hindi siya naggu-grow dahil naka-focus lang siya noon sa relasyon nila ni Kris, kaya nagdesisyon siyang hiwalayan na ang mang-aawit.

Umayon si Kris sa nalaman niyang rason kung bakit sila nag-break ni Katrina.

"Well, siguro. She is a Capricorn, ganun talaga ang traits ng Capricorn.

"Pag ’eto ka, ’eto muna. When you wanna do something, hindi mo kayang sabayan," saad niya.

"BREAK"? Sorpresa sa amin ang naging reaksiyon ni Kris nang marinig niya sa amin ang balitang "break" na umano sila ni Katrina.

"Yun ba ang sabi niya?" nagtatakang tanong niya habang nangingiti.

Nang usisain namin ang kumpirmasyon ng hiwalayan nila, umiwas na ang singer.

Nang kulitin namin si Kris sa status ng kanilang relasyon ngayon ni Katrina, iba na ang reaksiyon nito na parang nakapag-isip na siya ng isasagot sa tanong namin.

"We’re just friends. We’re just friends," nakangiti niyang sabi.

Natawa uli si Kris nang magpakita kami ng hindi pagsang-ayon sa kanyang pahayag na magkaibigan lang sila ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot na lang siya ng, "Ako rin, focus sa trabaho."

Hindi nagtagal ay umamin din si Kris na "broken" at "we’re not together anymore" na sila ni Katrina.

Paliwanag pa niya, "Uhm... focus lang sa career muna. Coz we don’t know how long we’re gonna be here, and love will always be there.

"Focus lang muna sa career."

ALMOST... May nabalitaan din kami mula sa isa sa mga malapit kay Katrina na muntik na raw silang magpakasal ni Kris noong 2009, o early part ng 2010.

Sa umpisa ay nagpakita ng pagmaang-maangan sa Kris na parang wala siyang alam sa diumano’y naudlot na pagpapakasal nila ni Katrina. Sinundan pa niya ito ng malakas na tawa.

"A, talaga?" dugtong niyang sabi matapos mahimasmasan sa pagtawa.

Inulit naming muli ang tanong kung totoo nga bang muntik na silang magpakasal ni Katrina.

Sa pagkakataong ito ay umamin na rin si Kris.

"Yeah, it’s true," sabi niya.

"There was a point that we thought we were ready. But I guess, buti na lang–" Naputol ang sasabihin nang bigla siyang matawa.

Bakit "buti na lang"?

"I guess it was one of those young decisions. Kinda puppy-lovish kind of thing...

"Napaisip muna kami. And buti naman nakapag-isip kami.

"’You go your way and I’ll go my way first. Ipon muna tayo. And concentrate on both of our careers.’

"Because if we do make that move, iiba na ang goals niyan, di ba?"

Dagdag pa niya, "It was a wake-up call for both of us."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN